Dalawang araw na mula ng mag-apply siya sa mga hotel o kaya sa mga restaurant pero tatawagan na lang daw siya.
Outstanding student siya at nagtapos bilang c*m laude kaya naman umaasa siya na matatanggap siya dahiL maganda ang records niya.
Maghapon tipid na tipid siya sa pagkain. Pang-isang buwan na lang ang budget niya. Mabuti na lang inadvance niya ang upa niya para sa buwan na ito kaya dapat next month may trabaho na ulit siya.
Pagod na inaakyat niya ang makalawang na hagdanan patungo sa rooftop.
Gusto na niya magpahinga na at matulog ng maaga. Masakit sa binti at paa na maghapon ka naglalakad-lakad para sa pag-aapply na yan.
Pagod na buntong-hininga ang pinakawalan niya at natigilan siya ng mabuksan ang pintuan inuupahan niya ay wala ng laman ang loob.
"Nasaan ang mga gamit ko?!" bulalas niya.
Bigla nawala ang pagod niya na makita limas ang loob ng silid iyun.
Ninakawan ba siya?! Nagmamadali na bumaba siya sa hagdanan para kausapin ang may-ari ng rooftop.
Sunod-sunod na katok ang ginawa niya hanggang sa magbukas yun.
"Aling Susan bak--" naudlot ang sasabihin niya ng makita ang pamilyar na mukha. Ang kulay berde hikaw nito sa magkabila tainga.
"A-ano ang ginagawa mo rito?" maang niya saad.
Ngumisi ito at sumandal sa gilid ng pintuan. Nakakrus ang mga braso.
"Sa tingin mo kung bakit ako nandito?"
Sinamaan niya ito ng tingin. "Sagutin mo nga ko ng matino,kulang-kulang ka!" singhal niya rito.
Kumukulo ang dugo niya rito!
Lalo lang lumaki ang pagkakangisi nito sa tinawag niya rito.
"Nakakatuwa isipin na isang tulad ko na isang Prinsipe ang tingin ng lahat eh may isang maganda dilag na tinatawag ako kulang-kulang at mongoloid..Nakakaamaze,dahiL dun nagugustuhan taLaga kita!"
"Gusto mo tumama ito sa pagmumukha mo?"pagtaas niya sa nakakuyom niya palad.
Tumawa naman ito at kasabay niyun ang pagsikdo ng puso niya. Tila nasisiyahan ang puso niya na makita na tumatawa ito.
Kabaliwan yun!
" Ano ba ginagawa mo rito ha? Paano ka nakapasok dito sa bahay nina Aling Susan?!"pagtatanong niya.
Agad naman ito tumigil sa pagtawa bagkus nanatili ang amusement sa mukha nito at ngisi.
"Oh about that...binili ko ang bahay na ito kaya ako na ang bago may-ari ng bahay ito at nang...rooftop.."
Napanganga siya. Imposible!
"Anong sinabi mo? Binili mo ang bahay na ito at ikaw na ang bagong may-ari?! What the f**k?!"hindi makapaniwala bulalas niya.
Nabigla ata ito sa huli sinabi niya dahiL napaawang ang bibig nito.
" Kalokohan! Bakit ba ako sinusundan ng isang malaking kamalasan!"frustrated niya nasabunot ang buhok.
Saan na siya titira ngayon?
"Nasaan ang mga gamit ko sa itaas?"malamig niya saad.
Tumikhim ito at sumeryoso.
"Nasa loob.." pagturo nito sa loob.
Pumasok siya para hakutin ang mga iyun.
"Asan?!" lingon niya rito na hindi makita ang mga gamit niya.
May itinuro ito isang pintuan.
Palapit na siya sa pintuan ng magsalita ito.
"Ikaw na muna tumao rito..lagi ako wala kaya ikaw na bahala sa bahay ko..lagi mo linisin at biglaan lang din ang uwi ko dito.."
Natigil siya sa paghakbang sa sinabi nito. Nalilito nilingon niya ito. Tama ba ang narinig niya?
"Anong sabi mo?"
Ngumiti ito. "In short gagawin kita caretaker ng bahay ito.."anito na binuntutan ng pagkindat sabay labas ng bahay.
Okay,lango ba siya sa pagod at naghahalusinasyon lang siya.
Hindi,Ayisha,it's real!