Nakangiti na sumakay ng kotse niya si Ariel. Ngayon nagawa na niya ang unang step ang pangalawa step naman ang sunod niya gagawin.
Ang bigyan ito ng trabaho.
She's a drummer,siya na lang ang kunin mo..
Bakit hindi.
Tatango-tango na pinaandar na niya ang kotse na kulay berde. Kakausapin niya ang kabanda niya na nakahanap na siya ng temporary drummer nila.
And he's excited now to work with her.
Kunot-noo pa rin siya na iniisip kung bakit binili ng lalaki iyun ang bahay na ito at siya pa ang ginawa tagabantay ng bahay.
Tinawagan niya si Aling Susan para kumpirmahin na totoo nga ba ang lalaki na ang bagong may-ari ng bahay at kinompirma naman iyun ng ginang.
Ano yun? Wala ba ito magawa sa pera nito kaya kung ano-ano na lang binibili nito,coincidence lang ba na nandito siya nangungupahan?
Agad na iniwaksi niya sa isip ang kaisipan na baka dahil sa kanya kaya binili ito ng lalaki iyun.
Marahas siya napabuga ng hangin. Mahirap magtanong ng wala kasagutan at tangi ang lalaki lang iyun ang makakasagot sa katanungan niya iyun.
"Baka naman pinagtitripan lang ako ng mongoloid na yun? Baka gumaganti siya sakin dahiL sa mga sinabi ko sa kanya? Hindi kaya ganun?"
Ayaw niya isipin na ganun nga ang rason ng binata. Kung sakali man may hidden agenda ito sa kanya o naghihiganti lang sa kanya. Pwes,humanda siya! Lagot taLaga sakin ang kulang-kulang na yun!
"Seryoso yun?" gulat na sabi ng dalawa niya kabanda. Ang bokalista at ang bahista niya.
He sighed. "Naisip ko na temporary lang naman at saka masyado ako naging harsh sa kanya.."
"Baka kasi type mo lang.."panunukso ng bahista.
"Maganda siya at pareho pa kayo music lover baka nga kayo ang destiny!" segunda ng bokalista.
Nagtawanan ang dalawa na sinabayan pa ng pag-apir. Sa mundo nila isang iyun kapangahasan pero dahiL nasa mundo ng mga tao siya isa iyun bonding sa magkakaibigan.
He sighed. "Alright,I admit it. I like her..."
Lalo lang siya inasar ng dalawa.
"Bukas isasalang natin siya..tingnan natin na mali tayo na idiscriminate siya.." seryoso niya saad.
"Eh saan naman natin siya mahahanap?" anang ng bokalista.
Ngumisi siya.
Sa bahay ko,saad niya sa kanya isip.
"Alam ko kung saan siya nakatira," aniya.
"Wow,mukha planado muna ah," panunukso pa ng mga ito.
Nginisihan niya lang ang dalawa at dinampot na niya ang gitara.