NAGAWANG isalba ni Silver ang buhay ng pasyenteng nagtangkang kitilin ang sarili nitong buhay. The patient is stable now and the mess he'd made in the bathroom was already cleaned up but Raiah remained seated on the edge of his bed. Trying to offer company to the patient's mother.
Dama ni Raiah ang titig ni Silver sa kanya. Nakasandal ito sa pader at nakatiklop ang mga braso habang hindi pa rin maipinta ang mukha. Alam niya namang ayaw nitong nagpapakita siya ng simpatya sa mga pasyente pero hindi niya talaga mapigilan kaya kahit na nanonood ito ngayon ay wala na siyang pakialam.
The patient's mother sniffed. Nakatitig ito sa tulog na anak. "Pasensya na kayo. Isama n'yo na lang sa bill iyong binasag niyang salamin."
Raiah sighed before she rubbed the woman's back. "Alam n'yo ho ba kung bakit niya nagawa 'yon?"
Humikbi ito. "Nakausap kasi namin 'yong kumpanyang pinagtatrabahuhan niya. Hindi raw iko-cover ng insurance ang gastusin kaya kahit na mag-undergo siya ng operasyon, mamomroblema pa rin kaming mag-ina. Hindi sasapat ang naipon naming pera para sa lahat ng gastusin dito sa ospital. Kung sana lang ay may doktor sa pampublikong ospital na kayang gawin ang ginagawa ng mga doktor dito, hindi naman kami rito magpapa-admit dahil nanghihinayang ang anak ko sa gastos. Tapos ngayon, ganoon pa ang sasabihin ng kumpanya niya."
Lumamlam ang mga mata ni Raiah. "Baka po pwedeng makahiram sa mga kamag-anak o kaibigan. Mairaos lang po ang operasyon."
"Mag-isa ko siyang itinaguyod. Naranasan kong manlimos sa mga kamag-anak ko noon may maipakain lang sa kanya kaya imposibleng tutulungan nila kami ngayon. Kaya nga nagsumikap iyan." Kumapal ang mga luha nito. "Masipag at napakabait na anak ni Glendon. Ayaw pa ngang mag-asawa dahil gusto pa raw iparanas sa aking magbuhay donya."
Nangilid ang mga luha ni Raiah. "Mahal na mahal niya po kayo. Siguro hindi niya naman ginusto iyong ginawa niya kanina. Wala namang taong gustong mamatay. Ang iba, gusto lang takasan 'yong mga problema at sakit na dala-dala nila."
"Tingin ko kaya niya ginawa 'yon kasi . . ." Humagulgol ito. "Kasi tingin niya mas mamomroblema ako kung mabubuhay pa siya dahil hindi na siya makapagtatrabaho. Sana naisip niya bago niya ginawa iyon na responsibilidad ko siya dahil anak ko siya. Wala akong pakialam kung kailangang habambuhay ko siyang buhayin ang mahalaga magkasama kami. Kahit magkandakuba ako, handa kong gawin ang lahat para sa kanya dahil ganoon ang isang ina." Hinaplos nito ang pisngi ng anak. "Mas nanaisin ng isang ina na na mahirapan sa buhay kaysa araw-araw magdusa dahil sa pagkawala ng anak niya."
Raiah heafuckingarp breath from Silver. Umayos na ito ng tindig habang malamig ang mga matang nakatingin sa ina ng pasyente.
"We're gonna have to involve the psych department since your son is probably suffering from mental health issues." Inilipat nito ang tingin sa kanya. "Let's go, Chavez."
Suminghot na lamang si Raiah saka siya tumango. "Nasa nurse station lang po ako kapag may kailangan kayo. Laban lang po."
Pilit na ngumiti sa kanya ang ginang. Hinaplos pa nito ang kanyang pisngi habang kumikislap sa luhaan nitong mga mata ang pasasalamat. "Kaawaan ka ng Diyos, Nurse Raiah. Sana palaging manatiling mapagmahal sa kapwa ang puso mo."
The woman's words made her tear up. Nayakap niya tuloy ito nang hindi na kinaya ng puso niya ang init na pumuno sa kanyang dibdib. "Thank you po."
She wiped her tears after pulling away from the hug. Nagpaalam na rin siya sa ginang bago pa man siya humagulgol sa harap nito.
Silver was already outside, waiting for her when she walked out the door. Umiling-iling pa ito nang makita ang luhaan niyang mga mata.
Raiah sighed. "Oo na, Doc. Bawal nang magpakita ng simpatya sa pasyente o sa kaanak ng pasyente. Pero pwede bang pagbigyan mo ko kahit ngayon lang? Kahit hanggang sa makalabas lang si Glendon? Nakita mo naman kung gaano katakot ang nanay niya kanina. Sa isang linggo nila rito ni isang kaanak walang dumalaw. Wala silang ibang masasandalan." She raised her index finger. "At bago mo rin sabihing labas na ako doon, sorry pero para sa isang taong kulang sa pagmamahal ng nanay, masyadong malambot ang puso ko para sa mga ina na grabe ang pagmamahal sa mga anak nila."
Napansin niyang natigilan si Silver dahil sa huli niyang sinabi. His gray eyes glistened with something. A familiarity to the feeling suffocating her heart. It was as if he too, had known how to not receive enough love from his mother.
Silver inhaled a sharp breath as he dodged her gaze. "You should take an early break. Tell Jammy I gave you an extra thirty minutes."
Tinalikuran na siya nito saka ito walang lingon-likod na dumiretso sa elevator. Tinanaw na lamang din ito ni Raiah. She even waited for him to get to the elevator before she went back to the nurse station.
"Himala? First time in history na nagbigay 'yon ng early and extended break?" Tinaasan siya ng kilay ni Nurse Jammy. "Magsabi ka nga ng totoo sa akin, anak. Patago mo bang pina-exorcise si Doc?"
Raiah laughed. "Hindi po, ah."
"Pinalaklak ng holy water o binatuhan ng asin?"
Muntik siyang bumungisngis. "Ginawa n'yo naman pong aswang si Doc. Baka ho nasa mood lang ngayon. Anyway, alis po muna ako. May gusto akogn puntahang bahagi ng Kelton."
"Oh, siya sige. Dumaan ka ng ER, ha? Nanghihina ako kapag wala tayong nasasagap na chismis."
Natawa na lamang siya sa kanilang head nurse. "Opo."
She took her tumbler and walked towards the elevator down the hall. Bumaba siya sa floor kung saan makikita ang achievements ng Kelton Medical Center pagdating sa larangan ng medisina. Halos maglakad-takbo nga siya sa sobrang excitement.
Raiah took another turn to the next hall. Nang marating ang Hall of Greatness ay napabagal siya sa kanyang paglalakad nang matanaw niya si Silver sa harap ng matayog na pader kung saan nakapaskil ang mukha ng pinakamahuhusay na doktor na naging bahagi ng Kelton.
She held her tumbler with both hands as she took her steps closer to him. Tumayo siya sa tabi nito saka niya hinanap ang larawan ng kanyang ama.
Raiah's face lit up. Excited niyang itinuro ang picture ng daddy niya. "That's my Dad! Have you met him when you were younger?"
Silver's jaw clenched as he breathed in a sharp breath. "No. Hindi ko siya inabutan," malamig nitong tugon.
She smirked. "He's the best, most goofy person you would ever met."
Silver didn't answer. Tila walang pakialam sa pagyayabang niya tungkol sa daddy niya.
Hindi niya na lamang inintindi ang kasungitan nito. Muli niyang ibinalik ang tingin sa larawan ng daddy niya. Magkikwento pa sana siya nang mapansin niya ang larawang katabi ng picture ng kanyang ama. The curve on her lips slowly faded as she read the name on the lower part of the frame.
"Dr. Raiah Kavinski?" Her eyes popped open. "We have the same first name and . . ." Tumingin siya kay Silver. "And you have the same last . . . name," she added but her voice faded in the end. Ang kanyang noo ay unti-unti ring nalukot. "Kaano-ano mo, Doc?"
She noticed how Silver's jaw clenched. His eyes became dark, too as he kept his gaze on his mother's photograph.
"She's my mother, Chavez, and she is the worst person in the world . . ." Nabaling sa kanya ang tingin nito. "It probably sucks being named after a cheater . . ."