"AYOS ka lang ba, Raiah?" tanong ni Vina habang tinatahak nila ang daan patungo sa pila ng taxi.
She sighed. "Hindi." She tilted her head to look at Vina. "I just found out na nakuha ang pangalan ko kay Dra. Raiah Kavinski. Sa mismong nanay ni Silver."
Nalukot ang noo ni Vina. "Oh, bakit parang hindi ka masaya? Sikat na pedia si Dra. Kavinski. Nafi-feature pa siya noon sa TV."
"Kasi parang . . ." She heaved another sigh as she adjusted the strap of her bag. "Ewan ko ba, Vina. 'Yong pagkakasabi kasi ni Doc Silver, para bang dapat kong ikahiya na sa nanay niya nakuha ang pangalan ko."
"Bakit naman?"
Nagkibit-balikat siya. "He said she's the worst woman on Earth. Maybe she was a terrible mother? May sinabi pa siya, eh pero hindi ko na gaanong narinig iyong huli. Nilayasan na rin niya ako pagkatapos niyang sabihin 'yon."
"Ha? Eh, parang hindi naman gano'n ang naririnig ko sa mga tenured nurses?" halatang nagtatakang sabi ni Vina.
They got into the cab. Nang tuluyang umandar ay muli siyang nagtanong sa kaibigan.
"Ano ba ang naririnig mo tungkol kay Dra. Kavinski?"
Inianggulo ni Vina ang katawan paharap sa kanya. "Mabait daw na tao si Dra. Kavinski. Maalaga nga raw iyon sa anak. Priority raw niya ang importanteng events sa buhay ni Doc Silver kaya kahit walang tulog galing Kelton, a-attend pa rin sa school ni Doc noon. Close na close nga raw iyong mag-ina noon. Nagbago lang daw si Doc noong may nangyari sa tatay niya. Ayaw naman nilang sabihin kung anong nangyari kay Doc Alaric. Matatanggal daw sila sa trabaho kapag kumalat ang chismis tungkol doon. Iyong nangyari lang kay Dra. Kavinski ang napag-uusapan sa ospital."
Kumunot ang noo ni Raiah. "Ano ba ang nangyari kay Dra. Kavinski?"
"Naaksidente daw a few years ago. Pauwi na raw galing ng sementeryo noong nabangga. Some said she was rushing back home kasi hindi alam ng asawa na pumunta siya ng sementeryo. Malakas daw ang buhos ng ulan kaya madulas ang daan. Na-coma raw ng halos anim na buwan. Baldado ng ilang taon pero hindi raw sinukuan ni Dr. Alaric hanggang sa naka-recover." Vina heaved a dramatic sigh. "Grabe, ano? Ang tibay nilang mag-asawa."
She and Vina had exchanged thoughts about the couple while on their way home. Nauna itong naibaba ng taxi sa harap ng condo building na tinutuluyan nito. Siya naman ay idiniretso sa kanilang subdivision.
Raiah stared at their lonely house for a few moments. It was one of the things her father was able to provide when he was still alive. Noong tumigil ito sa pagiging doktor ay nagturo ito sa med school. Mahusay ito sa pera noong nabubuhay kaya nakabili ng properties.
Sadly, her mother had sold majority of their properties to support their needs and to try several businesses. Wala ring naging successful sa mga negosyong pinasok nito kaya unti-unting naubos ang pera nila. Tanging ang bahay ang hindi nito maibenta dahil nakapangalan iyon sa kanya.
She sighed. "I will have you repainted once I get my first pay," she murmured while looking at the house.
Tuluyan siyang pumasok sa bahay. Nang maisara ang pinto ay binati kaagad siya ng mga ligpitin. There were several empty bottles of beer in the living room while her mother was laying on the couch, wasted. May mga tissue ring nagkalat sa mesa at lumang carpet. The kitchen was a total mess, too but what caught her attention was the photograph her mother was barely holding.
Maingat na lumapit si Raiah sa ina saka niya dahan-dahang kinuha ang lumang litrato. Nang makuha iyon ay bahagya siyang humakbang paatras bago niya iyon pinakatitigan.
Raiah's forehead creased. It was a photograph of what seems to be a group of college students. She was able to recognize some faces. Dr. Alaric was standing next to her dad while her dad was . . . hugging Dra. Kavinski from the back.
Napalunok si Raiah. Bakit . . . yakap ng daddy niya ang ina ni Silver? Why did they seem . . . happy?
She pursed her lips as she stared at the photograph. Maya-maya ay isa pang pamilyar na mukha ang kanyang nakilala.
Ang babaeng nakatindig sa tabi ni Dra. Kavinski at nakahawak sa braso nito.
Her forehead creased. "Mommy?"
Napasinghap siya nang marinig ng ungol mula sa ina. She immediately hid the photograph behind her as her mother pulled herself up. Halatang lasing pa ito dahil hirap na balansehin ang sarili noon tumayo.
Raiah swallowed the pool of saliva in her mouth as she secretly slid the photograph inside her bag. "Mommy, tara na sa kwarto mo," aya niya sa ina saka niya ibinaba ang bag niya sa single-seater sofa upang maalalayan niya ito.
Her mom didn't say a word. Sanay naman na siya dahil halos itrato siya nitong multo. They could even spend an entire day together inside the house without having a single conversation. It was like there was a wall separating them, and no matter how much Raiah wanted to break it, her mom wouldn't let her.
Tinulungan niya itong makarating ng kwarto nito. She even assisted her mom to lay on the bed. Nang maiayos niya ang comforter nito ay naupo siya sandali sa gilid ng kama saka ito lakas-loob na tinanong.
"Mommy? I-Is it true? N-Nakuha ba talaga ang pangalan ko kay . . . kay Dra. Raiah Kaviski?"
Napansin niyang napatitig ang kanyang ina sa kanya. Ilang segundo rin silang nabalot ng katahimikan bago niya napansin ang unti-unting pamumuo ng mga luha sa sulok ng mga mata nito.
Her forehead creased. "M-Mommy?"
Her mother sobbed. "Let's not talk about that woman."
Lumunok siya. "I just . . . wanna know-"
"Yes, alright?!" Her mother's voice thundered. Ngunit imbes na matakot ay nakaramdam pa siya ng awa nang makita kung papaanong gumuhit ang sakit sa mga mata nito. "Now leave me alone."
Her heart was crushed. Tinalikuran siya ng ina habang tahimik itong lumuluha. Tila ba masyado niya itong nasaktan dahil sa simpleng tanong na iyon.
Raiah swallowed the lump forming in her throat. Kahit na tila nanlambot siya dahil sa inasta ng ina ay pinilit niyang tumayo at lumabas ng silid. She saw how her mother's shoulders quaked as she walked out of the door. Ang hirap nitong panooring nasasaktan dahil sa mga bagay na hindi niya alam. Isa lang naman ang sigurado niya ngayon. Hindi lamang ang pagkamatay ng daddy niya ang dahilan kung bakit nagkakaganito ang nanay niya.
She shut the door and took in a deep breath. Sinulyapan niya pa ng huling beses ang silid ng ina bago siya bumalik sa ibaba. Nang marating ang sala ay naupo siya sa sofa. She grabbed the photograph in her bag and studied it again, yet the longer she stares at it, the more obvious things become.
Her seems to be deeply in love with the woman he was hugging from behind. The woman whom her name came from.
Raiah inhaled a sharp breath. Ang isip ay mas nalilito na ngayon.
"Sino ka ba talaga sa buhay ng daddy ko, Mrs. Kavinski?"