"ANO 'YONG ichichika mo?" tanong ni Vina kay Raiah nang makasakay ito sa taxi.
Dinaanan niya ito sa harap ng condominium building dahil hindi na niya matiis na hindi ikwento sa kaibigan ang tungkol sa larawang nakita niya.
She grabbed the photograph inside her bag. "Ito. Tingnan mo."
Vina took a closer look at the old photo. "Si Dr. Alaric 'to, 'di ba? Oh, ito ang mommy mo tapos ito si tito Samuel-" Vina paused as she stared at the woman Raiah's father was hugging. "Kamukha no'ng picture ni Dra. Kavinski!"
"That's Dra. Kavinski herself, Vina."
Napaawang ang mga labi nito. "Diyos ko. Bakti yakap ni Tito Samuel?"
"That's what I'm trying to figure out." Nahilot niya ang kanyang sintido. "Nagkandapuyat na nga ako kakaimbestiga online pero wala akong napala. There are no other proofs that the two were linked back then. Ang nahanap ko lang ay 'yong grad list nila noong college. The four of them? Si mommy at daddy, si Doc Alaric at Dra. Raiah? They all went and graduated from the same school."
Vina sighed. Ang atensyon ay ibinalik sa larawan. "Para silang magkarelasyon dito. Wala naman sigurong friends na ganyan ang itsura? Tingnan mo, oh? 'Yong kamay ni Dra. Kavinski, nakapatong sa braso ng daddy mo samantalang ang mommy mo, nakatabi lang kay Dra. Kavinski. Ang weird."
Lumunok si Raiah. "I know this may sound crazy pero paano kung . . . kung inagaw ng mommy ko si Daddy?"
Vina sighed. "Kung friends sina Dra. Kavinski at ang mommy mo, naku nakakabadtrip 'yon, Raiah. I don't wanna conclude anything pero baka tama ka kasi bakit hindi mo nalaman 'to? Bakit hindi mo naririnig sa mommy mo na dati silang magkakasama?"
"I don't know Vina. What makes it worse is, bakit isinunod ang pangalan ko kay Dra. Kavinski? Kung inagaw ng mommy si daddy, why did she let my dad name me after his ex? Kung totoo mang naging sila ni Dra. Kavinski?"
"Oh, wait." Napakamot ng sintido si Vina. "Tama ka. It doesn't really make any sense kung mag-ex sila tapos ipinangalan ka kay Dra. Kavinski. Ang gulo naman."
"I couldn't agree more, Vi," she said in a breathy way.
They tried to connect the dots and come up with several conclusions. Ngunit sa huli ay lalo lamang silang nalito. Para tuloy silang zombie na naglalakad sa hallway. Ni hindi nga nila magawang higupin ang kanya-kanya nilang mga kape. Muntik pang lumagpas si Vina dahil masyadong malalim ang iniisip.
"Let's tell Ae after our shift," ani Vina. "Alisin mo muna sa isip mo at baka mabugahan ka na naman ni Dr. Kavinski ng apoy."
Tumango na lamang siya saka na dumiretso sa elevator. She kept her head low as she walked inside the lift. Hindi tuloy niya napansin kaagad na sakay pala ng elevator si Dr. Kavinski. Napagtanto niya na lamang iyon nang maamoy niya ang pamilyar na panlalakeng pabango.
Raiah lifted her head only to realize that Silver was already staring at her. Mukhang puyat ito dahil malalim ang eyebags. Inaantok din ang kulay abong mga mata na tila nais nang pumikit.
"G-Good morning, Doc," bati niya bago niya iniabot sa binata ang kapeng hawak niya. "Caramel Macchiato with an extra shot of espresso. Hindi ko pa naiinuman 'to. Sa'yo na lang."
Ilang segundong tinitigan ni Silver ang kape bago ito bumuntonghininga.
"Thanks," he said as he accepted it. Lihim namang napangiti si Raiah. Bakit parang mas maganda ang mood nito kapag puyat?
They both went silent again. Nakasandal lamang ito sa pader ng elevator habang tinitingnan naman ni Raiah ang kanilang repleksyon sa saradong pinto.
"In case you wanna know, pumayag ang mga magulang ni patient Roxas na salinan siya ng dugo during the operation," basag ni Silver sa katahimikan.
Nanlaki ang mga mata ni Raiah. "Really? So, idi-disregard na nila ang religious beliefs nila?"
"I guess so," pahikab nitong sagot. "Damn, I need sleep," he murmured before taking a sip on the coffee that she handed him.
"Galing kang . . . operation?" she asked, trying to start a conversation with him as they both got off the elevator.
"Yeah. I was in the operating room for twelve hours," sagot nito. "It was successful." He handed her the cup. "We could share unless you're concern about what's sanitary and what's not."
Namula ang pisngi ni Raiah. Mukhang maganda pala talagang napupuyat ito sa successful operations. Ang ganda-ganda ng mood!
She shyly smiled at him as she accepted the cup. "Sana lagi kang puyat, Doc," aniya saka sumimsim sa kape.
Tumaas ang kilay nito. "Is that your way of telling me that I must die early, Chavez?"
"Grabe ka naman, Doc." Natawa siya. "Sinabi ko lang 'yon dahil parang ang ganda ng mood mo ngayon."
"Well, I operated a senator. Of course my mood is great." Inagaw nito ang kape. "I changed my mind. Go buy yourself another drink."
Raiah pursed her lips as she watched him drink the coffee. Para naman silang nag-indirect kiss! Nagwawala tuloy ang mga paru-paro sa tiyan niya kahit na ipinangako na niya sa sariling aalisin niya na ang lintik na pagka-crush niya rito!
Tuluyang nawala sa kanyang isip ang tungkol sa litrato. She went to her locker and then clocked in. Nang makuha ang records ay sinamahan niya na si Silver sa rounds nito.
"Fasting po siya from 5PM mamaya, ha for the operation," bilin niya sa pasyente habang abalang magsulat si Silver sa reconds nito.
Nasa silid na sila ni Glendon. Silver had already explained about the operation. Tahimik namang nakinig ang mag-ina.
Tumango ang ina ni Glendon. Maya-maya ay hinawakan nito ang braso ni Silver. "Salamat, ha? Hindi ko alam ang gagawin ko kung . . . kung hindi mo kami tinulungan."
Napakunot ng noo si Raiah. Tinulungan saan?
Silver pursed his lips before he nodded as if he wanted to act cold. Maya-maya ay isinara na nito ang records ng pasyente saka ibinigay kay Raiah.
"Get enough rest, don't stress yourself too much, and . . . just think of all the reasons why you have to live." Sumulyap ito sa ina ng pasyente. "You're already luckier than majority of people for having a mom who would go to the ends of the world for you."
Raiah's heart melted with his words. Muntik pa tuloy siya nitong maiwanan sa silid ng pasyente dahil hindi siya kaagad nakakilos.
"Good luck mamaya. Ipagpi-pray kita," aniya kay Glendon saka siya humabol kay Silver. "Doc!" tawag niya.
Silver slowed down, allowing her to catch up. "What?"
"Anong ginawa mo? Bakit nagpasalamat sa'yo?"
"Nothing," he casually answered before he advised her to go back to the nurse station. Dumiretso naman ito sa elevator. Bitbit pa rin ang cup ng kape kahit na wala na iyong laman.
Wala siyang nagawa kun'di ang bumalik sa station nila. Matapos magawa ang mga dapat pa niyang gawin ay sinubukan niyang mag-imbestiga kung ano ang ipinagpapasalamat ng ina ni Glendon kay Silver. She went through Glendon's record until she realized what Silver had done.
Raiah's lips slightly parted as her heart warmed.
Silver waved the fees for the operation, including his professional fee . . .
Napangiti si Raiah. Maybe, just maybe, Dr. Silvester Kavinski wasn't so bad after all . . .