bc

TEN SUMMERS LATER

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
family
HE
age gap
second chance
powerful
heir/heiress
bxg
campus
small town
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

“Here are the supplies for your class, Teacher.”

Isang simpleng pangungusap.

Pero para kay Alexandria "Andy" Evangelista, sapat na iyon para bumalik ang lahat ng pilit niyang kinalimutan.

Dahil ang lalaking nakatayo sa harap niya ay hindi lang ang bagong halal na mayor ng Buenavista.

Siya si Valerius Zachary "Zach" Lapuebla.

Ang unang lalaking minahal niya.

At ang unang lalaking dumurog sa batang puso niya noon.

Sa loob ng sampung taon, naniwala si Andy na wala nang babalik sa nakaraan. Para sa buong bayan, isa lamang siyang ordinaryong public high school teacher. Para sa pamilya Lapuebla, anak lang siya ng caretaker na matagal nang nagsisilbi sa rancho ng Hacienda Lapuebla.

Samantala, si Zach ay naging isang makapangyarihan at malamig na politiko—isang mayor na kilala sa kamay na bakal at halos perpektong imahe. May eleganteng nobya. Dalawang anak. At isang buhay na tila walang puwang para sa mga pagkakamaling iniwan niya noon.

Pero walang nakaaalam na sampung taon ang nakalipas, sa ilalim ng mga puno ng mangga at sa tabi ng malapad na lagoon ng hacienda, may isang tag-init na minsan nilang inangkin.

Noon, hindi pa siya mayor.

Hindi pa siya Lapuebla na kinatatakutan ng lahat.

Isa lang siyang lalaking laging nakasuot ng itim, sobrang seloso, at handang ibigay ang lahat para sa babaeng mahal niya.

Hanggang sa isang gabi, bigla siyang nawala.

Walang paliwanag.

Walang paalam.

At walang closure.

Ngayon, muling nagkrus ang landas nila nang pilitin ni Zach si Andy na maging private tutor sa kaniyang mansiyon.

Sa harap ng mga tao, malamig siya.

Propesyonal.

Parang wala silang pinagsamahan.

Pero kapag silang dalawa na lang, unti-unting bumabalik ang lalaking minsang nangakong hindi siya iiwan.

Kasabay ng mga tanong na matagal nang walang sagot.

Bakit siya umalis?

Totoo bang masaya siya sa pamilyang binuo niya?

At bakit hanggang ngayon, parang hindi pa rin siya handang pakawalan si Andy?

Sinubukan ni Andy na itulak siya palayo.

Pinilit niyang kalimutan ang nakaraan.

Pero sa isang bayan na pinamumunuan ni Zach Lapuebla—isang lalaking kayang kalabanin ang buong mundo para sa gusto niya—

gaano katagal bago niya aamining may mga pagmamahal na hindi kailanman natatapos?

At paano kung ang pinakadelikadong kalaban niya...

ay ang lalaking minsan niyang minahal nang buong-buo?

chap-preview
Free preview
Prologue
May mga gabing hindi mo kailangang tumingin sa kalendaryo para malaman mong tapos na ang pinakamagandang bahagi ng buhay mo. Sapat na ang ulan. Sapat na ang pakiramdam na may hinihintay kang tao na hindi na darating. Nakaupo ako sa ilalim ng lumang puno ng mangga sa tabi ng man-made lagoon ng Hacienda Lapuebla, yakap-yakap ang tuhod ko habang pinanonood ang ulan na paulit-ulit na bumabagsak sa tubig. Alas-sais pa lamang ng gabi nang dumating ako rito. Alas-siyete. Alas-otso. Alas-nuwebe. Hindi pa rin dumarating si Zach. Paulit-ulit kong nililinis ang salamin ko gamit ang laylayan ng blouse ko kahit alam kong mababasa rin naman ito ulit. Basa na rin ang uniform ko. Nanginginig na ako sa lamig. Pero hindi ako umalis. Hindi ako puwedeng umalis. Nangako siya. Hintayin mo ako rito, babe. Paulit-ulit kong inuusal sa isip ko ang mga salitang iyon. Baka na-late lang siya. Baka pinigilan siya ng papa niya. Baka may nangyari lang. Baka... Baka darating pa rin siya. Napatingin ako sa daan patungo sa mansiyon. Wala. Tanging mga poste ng ilaw na halos hindi na makita sa lakas ng ulan. Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko alam kung pang-ilang beses na akong umiyak ngayong gabi. Hindi naman ako ganito dati. Pero si Zach... Si Zach kasi ang unang lalaking tumingin sa akin na parang hindi ako anak ng caretaker. Hindi si Andy na taga-rancho. Hindi si Alexandria na laging nakasuot ng salamin at may dalang lumang bag papasok sa paaralan. Para kay Zach, ako lang ako. At sapat na iyon para mahalin ko siya nang buo. Kaya hindi. Hindi siya puwedeng hindi dumating. Dahil hindi niya gagawin sa akin iyon. Hindi ang lalaking araw-araw na sumusundo sa akin mula sa paaralan. Hindi ang lalaking nagtatago ng mga hinog na mangga para ibigay sa akin. Hindi ang lalaking nagsasabing balang araw, ipakikilala niya ako sa buong mundo nang hindi siya natatakot sa apelyido niya. Humigpit ang yakap ko sa sarili ko. Alas-diyes. Nanlalamig na ang mga kamay ko. At sa unang pagkakataon ngayong gabi, may isang tanong na pilit na sumisingit sa isip ko. Paano kung hindi na talaga siya dumating? Umiling ako. Hindi. Hindi ko papayagang isipin iyon. "Andy!" Mabilis akong napatayo. Napalingon ako sa direksiyon ng pastulan. May isang lalaking tumatakbo papunta sa akin. Bumilis ang t***k ng puso ko. "Zach..." Ngunit nang luminaw ang mukha niya sa ilalim ng poste ng ilaw, para bang may kung anong bumagsak sa dibdib ko. Hindi si Zach. Si Kuya Jayson. Huminto siya sa harap ko, hingal na hingal at basang-basa rin sa ulan. "Andy..." mahinahon niyang sabi. "Umuwi na tayo." Hindi ako gumalaw. Muli akong napatingin sa daan patungo sa mansiyon. Baka susunod siya. Baka mayamaya. Baka— "Hatinggabi na." Mahina ang boses ni Kuya. "Umuwi na tayo." Napailing ako. "Hindi pa." "Andy—" "Nangako siya sa akin." Nanginginig ang boses ko. "Darating siya." Tahimik lang si Kuya. At mas lalo akong natakot sa katahimikan niyang iyon. Unti-unti akong napailing. "Hindi niya ako iiwan." Hindi sumagot si Kuya. Lumapit lang siya at marahang inilagay ang jacket niya sa balikat ko. At sa simpleng kilos na iyon... parang may kung anong nabasag sa loob ko. Dahil kung may isang taong nakakakilala sa akin at kay Zach—si Kuya iyon. At kung hindi siya nagsasabing darating pa si Zach... baka... baka alam na niya ang isang bagay na hindi ko pa kayang tanggapin. Tumulo ang mga luha ko. Isa. Dalawa. Hanggang sa tuluyan akong humagulgol. Hindi ko maalala kung paano ako nakauwi nang gabing iyon. Ang naaalala ko lang ay paulit-ulit akong lumilingon sa lagoon. Umaasang may isang lalaking tatakbo palabas ng dilim at tatawagin ang pangalan ko. Pero walang dumating. At sa edad na labinlimang taon, doon ko unang natutuhan na may mga taong nangangakong babalik. At minsan, ang pinakamasakit ay hindi ang iniwan ka nila. Kundi ang hindi mo kailanman nalaman kung bakit. Kaya kahit lumipas ang mga taon, may bahagi sa puso mong patuloy na naghihintay. Umaasang isang araw... babalik sila para tapusin ang kuwentong sila rin ang nagsimulang iwan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
2.0M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
777.2K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
2.0M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
998.5K
bc

A Warrior's Second Chance

read
370.3K
bc

Not just, the Beta

read
354.8K
bc

The Broken Wolf

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook