Hiwaga

342 Words
CHRIS “I wonder if she’s here.” ani Chris sa kanyang isipan. Ilang taon na silang tumutugtog at tuwing may gig sila ay may kapirasong papel na palaging nakakapukaw ng kanyang atensyon. Palaging With or Without You ng U2 ang request na kanta, at madalas ay may mga emoji na naka drawing. Kung minsan smiley, minsan ay puso na kulay blue, at kung minsa'y pula. May mga pagkakataon din na broken heart ang naka drawing dito. Hindi alam ni Chris kung kanino nanggagaling, tuwing tatanungin niya kasi ang waiter ay nalilito rin ito sa dami ng tao na nanunuod sa mga gigs nila. Malaking hiwaga para sa kanya ang katauhan ng babaeng ito. Sigurado siyang babae dahil na rin sa paraan ng pagsusulat. “Paano kung maganda lang pala magsulat pero hindi babae, pre?” minsang kantiyaw sa kanya ni Lee, ang pinaka maloko sa kanilang banda. “Kahit sino o ano pa siya, gusto kong makilala. Gusto ko lang malaman kung bakit naging paborito niya yung kanta, tsaka yung mga emoji pre, para bang there’s something behind that.” Ganting sagot naman ng binata. “Good evening everyone!” sigaw ni Chris at sumagot naman ng malakas na hiyaw ang kanilang mga fans. See the stone set in your eyes See the thorn twist on your side I’ll wait for you… Ito agad ang una nilang tinugtog. Madalas ay hinihintay niya ang papel galing sa avid fan, ngunit naisip niyang unahin ito ngayong gabi dahil noong isang linggo ay may drawing na emoji na umiiyak ang request. Kaya naman lalo siyang na intriga sa pagkatao nitong fan. Sleight of hand and twist of fate On a bed of nails she makes me wait And I wait without you… Patuloy lang sa pagkanta si Chris habang nililibot ng mga mata ang dami ng tao na nasa loob ng bar. Nariyang may mga sumasabay sa pagkanta, kumukuha ng video, ngingiti ng pagkatamis, at mayroon pang kumikindat na tila nang aakit. Pero ang hinahanap niya talaga ay ang kung sino man ang may hawak na kapirasong papel na nagsusulat ng request.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD