CHAPTER 1
Chapter 1
“Nay, ano po ang ulam natin?” tanong ko kay nanay dahil kanina pa ako nagugutom. Pati ang kapatid kong labing isang taong gulang na si Amber ay nagugutom na rin at kanina pa nagrereklamo sa akin. Hindi na bago para sa amin ang magutom, simula bata kasi kami ay halos tig dalawang beses lamang kami kumain sa isang araw, minsan ay isa lang, at may mga pagkakataon din wala talaga. Natutulog nalang kaming kumakalam ang mga sikmura. Labandera ang nanay ko at ang tatay ko naman ay tanod sa Barangay namin. Dalawa lang kaming magkakapatid, puro kami babae, at ako ang panganay. Kahit dalawa lang kami ay hindi talaga sapat ang kinikita nilang dalawa ni tatay sa kanilang trabaho. Lalong-lalo na dahil si tatay ay palaging lasing at doon palagi napupunta ang kakaramput na kita niya. Si nanay lang talaga ang kumakayod sa amin para maitaguyod kaming dalawa ng kapatid ko. Minsan ay tumutulong din ako kay nanay sa mga labahin niya. At minsan ay pumapasok din akong taga linis ng bahay o kaya ay taga hugas ng plato sa mga karenderya. Ako lang labing walong taong gulang pa lamang pero mulat na mulat na ako kung gaano kahirap ang buhay namin. Minsan ay pumapasok pa ako sa paaralan na walang dalang baon. Ang damit ko rin ay sobrang luma na at maliit na sa akin. Kaunti lang din ito at kailangan kong maglaba araw- araw para may maisuot ako. Hindi naman ako nagrereklamo kay nanay dahil kulang nga sa pagkain namin ang kanyang kinikita. Tinitiis ko nalang at nag-aaral akong mabuti kahit na gaano pa kahirap.
“Anak, pasensya ka na, ah? Hindi pa kasi ako binabayaran ni Aling Sita mo dahil kailangan ko pa raw tapusin muna lahat 'yon bago niya ako bigyan ng pera. Hindi ko kasi natapos 'yon kanina at mag- gagabi na, tapos mayroon pa akong lalabhan sa likod mamaya kay Aling Luz mo naman iyon. Bukas pangako ko sa 'yo, bibili tayo ng bigas.” tumango ako sa sinabi ni Nanay. Mukhang matutulog na naman kami ngayong kumakalam ang sikmura. 'Di bale! Baka bukas ay mayroon na kaming makakain. Makakabili na ng bigas si Nanay bukas! Pinapagaan ko nalang ang loob ko. Si Tatay kasi ay andoon na naman sa tindahan ni Aling Sita at umiinom kasama ang mga kumpare niya. Kakasahod lang kasi nila at kahit piso man lang ay walang binigay kay Nanay kahit alam naman niyang wala na kaming bigas kanina. Sanay na rin naman ako sa kanya dahil simula bata pa lamang ako ay ganyan na 'yan. Halos kay Nanay na ang lahat dito. Pero wala naman kaming ibang magagawa kundi tanggapin nalang siya. Nagsusugal din ito at halos doon din ang punta ng lahat ng sweldo niya. Naawa na nga ako kay Nanay dahil alam kong hirap na hirap na siya. Hindi naman namin din maiwan- iwan dito si Tatay. Mabuti nalang ay hindi naman niya kami sinasaktan o kahit si Nanay man. Kahit palagi silang nag-aaway dalawa ay ni isang beses ay hindi nito pinag- buhatan ng kamay si Nanay. 'Yon nga lang ay hindi talaga maasahan pagdating sa mga pagsusustento sa aming tatlo.
“Okay lang po, nay!” pinilit kong pasiglahin ang boses ko para 'wag siyang mag- alala sa akin. Tumingin ako sa kapatid ko at nagsimula na ulit itong magsulat ng kaniyang assignment. Sa murang edad niya ay alam kung naiintindahan na niya ito. Nasa lamesa kami ngayon at ginagawa ang mga assignment naming dalawa. Maliit lamang ang bahay namin. Dalawang maliliit na kwarto ang naroon. Isa para sa akin at ang isa naman ay para sa kanila ni nanay, tatay, at ang kapatid ko. Sa lapag lang kami humihiga at nilalagyan lang namin ito ng kumot. Kahit kama kasi ay hindi kami makabili. Wala rin naman kaming mga gamit masyado. May isang electric fan kami pero sobrang luma na iyon, hindi rin kami ang bumili nun dahil napanalunan lamang iyon ni nanay sa isang waffle, kung hindi siguro ay wala kaming electric fan ngayon. Pero minsan lang naman namin ito ginagamit dahil nagtitipid din kami sa kuryente. Habang sumasagot kami ng kapatid ko ay umalis naman si nanay at pumunta sa likod para maglaba.
“Ate, nagugutom na po ako. Kanina pa po kumakalam ang sikmura ko.” pasado alas nuebe na rin kasi ng gabi. Naawa naman ako sa kapatid ko pero ano'ng magagawa ko? Wala rin naman akong pera o pagkain na maibigay sa kanya.
“Pasensya ka na, ah? Wala rin kasing pera si ate, hindi rin kita mabibigyan. Babawi si ate sa 'yo! Kapag nagkatrabaho ako ulit? Ano nga ulit ang gusto mong ipabili kay ate?” pilit ko lang pinapagaan ang nararamdaman ng kapatid ko ngayon. Sobrang bata pa niya pero nararanasan na niya ang lahat ng ito.
“Gusto ko po ng maraming tsokolate, ate! 'Yong maraming- marami po! Katulad po sa isang kaklase ko na si Natnat. Binigyan niya po ako kahapon tapos sobrang sarap po nun! Iba- iba po at lahat masarap!” napangiti ako sa sinabi niya. Sobrang inosente talaga ng kapatid ko. Si Natnat ay anak ng kapit- bahay namin. Nasa abroad kasi ang nanay nito kaya maraming chocolate na pinapadala at minsan ay binibigyan din nila kami.
“Sige! Basta ba mag- aaral ka ng mabuti! Gusto ko malaki ang scores mo sa mga test n'yo, ha? Bibilhan kita ng maraming maraming mga chocolate kapag nagkapera ako!” ngumiti siya sa akin kaya lumabas ang dalawang dimple niya na sobrang lalim. Kahit hindi kami nakakakain sa isang araw ay talagang sobrang taba ng pisngi ng kapatid ko. Busog lusog kumbaga. Kaya rin hindi halata na hindi kami kumakain dahil sa katawan ng batang 'yan. Natural na 'yan simula nang isilang siya ni Nanay ay mataba talaga lalo na 'yong kanyang pisngi. Ang sarap pang-gigilan.
“Opo, ate! Pangako ko po 'yan sa inyo! Mag-aaral po akong mabuti! Ipapakita ko po sa inyo ang mga scores ko!” pinanggigilan ko ang kanyang pisngi at hinalikan ang tungki ng ilong niya.
“Sige na, tapusin mo na 'yan para makatulog ka ng maaga.” tumango siya sa sinabi ko at nagsimula ulit magsulat.
Natapos ng mag- sagot ng assignment ang kapatid ko na si Amber. Pinapasok ko na siya sa loob ng kwarto para makatulog na. Ako naman ay nagliligpit na rin ng gamit ko para makatulog na rin. Nasa kalagitnaan ako ng pagliligpit nang biglang may padabog na pumasok sa loob ng bahay namin. Pag- angat ko ng pinto ay si Tatay ito na sobrang lasing. Iniwan ko naman kaagad ang ginagawa ko at sinalubong ko siya upang alalayan. Himala at sobrang aga niya ngayon. Usually kasi ay madaling araw na siya umuuwi.
“Astrid! Magligpit ka ng mga gamit mo!” naguguluhan ko siyang tiningnan. Kinabahan ako sa kanya dahil seryosong- seryoso siya sa kanyang pagkakasabi.
“Tay? Bakit po?” kinakabahang tanong ko sa kanya.
“May malaking utang ako sa mga Desmond, anak. Sinisingil na nila ako kaya wala akong ibang magagawa. Hindi ko alam kung paano ko sila mababayaran.” mga Desmond. Sila ang pinakamapangyarihang tao dito sa lugar namin. Mga angkan ng mga politiko. Kasalukuyang Mayor ngayon ang pinakabatang henerasyon nila. Mga mababait naman, pero hindi ko alam kung totoo nga ba ang sinasabi nilang marami na raw itong mga pinapapatay na tao at marami rin daw itong mga illegal na mga ginagawa.
“Magagawan natin iyon ng paraan, Tay. 'Wag kang mag- alala.” pero umiling lamang si Tatay sa aking sinabi. Kahit lasing ito ay halata sa kanya na kinakabahan siya.
“Hindi natin kayang bayaran ang isang milyon, anak. Saan tayo kukuha nun? Kahit magtrabaho ako ay habang-buhay ay hindi natin iyon mababayaran.” halos manlamig ako nang sabihin niya iyon. Isang milyon? Saan ginamit ni Tatay ang isang milyon? Bakit ganoon kalaki ang utang niya sa mga Desmond? Bakit hindi namin alam ni Nanay 'to?
“T- tay, s- saan mo naman ginamit ang ganoon kalaking halaga? Saan mo iyon ginamit, Tay?” nauutal na tanong ko sa kanya.
“Matagal na akong umuutang sa kanila, anak. Pero sinusugal ko lahat iyon baka sakaling manalo ako. Pero palagi akong talo, hindi ko rin namalayan, anak na umabot na pala sa isang milyon ang utang ko sa kanila. Sinisingil na nila ako, hindi ko alam kung ano ang ibabayad ko sa kanila.” lumagapak ang sampal sa mukha ni Tatay gulat na gulat siya at kahit ako ay nagulat. Sobrang lakas ng sampal na iyon. Hindi iyon nanggaling sa akin. Si Nanay, si Nanay ang sumampal sa kanya. Umiiyak na si Nanay.
“Ano na namang ginawa mo, Alejandro? Paano natin mababayaran iyon, ha?! Saan tayo kukuha ng ganoon kalaking pera?” nagagalit na sigaw ni Nanay.
“Hindi ko alam. . . Hindi ko alam na ganoon na pala kalaki ang utang ko sa kanila. Sinisingil na nila ako. Ito nalang ang alam kong paraan, Rosita. Si Astrid ang solusyon sa utang ko.” lumagapak na naman ang sampal ni Nanay sa mukha ni Tatay. Nanlamig din ako nang marinig kong sinabi niya iyon. Kinakabahan ako sa mga posibleng mangyari sa akin.
“Ano? Ibebenta mo sa kanila ang anak natin? Hindi ka ba nag- iisip, Alejandro? Kawawa ang anak natin! Wala ka na talagang ginawang maganda sa pamilyang 'to! Hindi ako papayag na si Astrid ang magiging kapalit nun! Kahit mamatay pa ako kakatrabaho para mabayaran ko ang lahat ng mga utang mo ay gagawin ko iyon! 'Wag mo lang ibigay sa kanila si Astrid!” umiiyak na ako habang hawak ang mga kamay ni Nanay at pinipigilan ko siya. Naguguluhan na ako. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin.
“Pero buhay ko ang kapalit, Rosita! Buhay natin ang kapalit!” nawala na yata ang kalasingan ni Tatay.
“Kailangan kong maibigay sa kanila si Astrid! Makikita pa rin naman natin siya, Rosita. Doon lang siya magpapaalipin sa mga Desmond.” umiiyak na umiling si Nanay at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.
“Hindi ako makakapayag, Alejandro! Kakausapin ko si Mayor Mavi tungkol dito! Kung kailangang lumuhod ako sa harapan niya ay gagawin ko!” parang nanghihina ako sa mga nangyayari. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin kapag naging kapalit ako. Kung pwedeng tagalinis ako doon sa bahay nila ay okay lang sa akin. Gagawin ko ang lahat.
“Hindi ako kay Mayor nagkautang, Rosita. Kay Sir Simon ako nagkautang.” sir Simon. Siya ang Lolo ni Mayor Mavi. Sobrang istrikto nito sa lahat ng tao. Marami rin itong kaaway. Mahirap kalaban ang isang Simon Desmond. Parang doon palang ay naramdaman ko ng talo kami. Kahit wala pa kaming ginagawang hakbang ay talo na kami.
(MAVI'S POV)
“Lolo, bakit napatawag kayo?” tanong ko habang hawak sa isang kamay ang aking cellphone at ang isang kamay ko naman ay nakahawak sa mga dukomentong kailangan kong permahan. Gabi na pero hindi pa rin ako tumitigil sa pagtatrabaho.
“May nakakita sa akin habang may pinapatay na isang tao. Isa siyang Barangay tanod sa Barangay Andres. Kailangan kong patahimikin iyon.”