CHAPTER 13 Doon na silang tatlo napatingin sa akin. Paano ko nalaman na mga tauhan iyon ni Mayor? Rinig na rinig ko kasi ang kanilang mga boses sa labas pa lang. Bilog na bilog ang kanilang nga boses. “Buksan mo,” utos ni Marites sa akin. Ako pa talaga ang kanyang inutusan na nandito ako ngayon sa taas. Ang simple lang na buksan nila iyon. Mga tamad talaga! Akala mo naman sila ang nagpapasweldo sa akin. Bumaba nalang ako at hindi na nagreklamo pa sa kanila. Naglakad ako papunta sa pinto at binuksan ko iyon. Bumungad sa akin ang tatlong mga tauhan. Nakasuot na naman ito ng itim na t- shirt na hapit na hapit sa kanilang katawan. May mga suot din silang mga earpiece sa kanilang mga tainga. ( Mayor Mavi's POV) I don't f*****g know what the f**k is happening to me. Unang araw palang niya

