CHAPTER 7 Binubuksan nito ang ref nang maabutan ko siya. "Good morning po, Mayor." bati ko sa kanya. Lumingon lang ito sa akin at hindi man lang ako sinagot. Ngayon ko lang napansin na nakasuot pala siya ng isang black na sando. Pawis na pawis din ang kanyang katawan. Mukhang kagagaling lang nito sa gym. Kumuha siya ng tubig doon sa ref at ininom iyon sa aking harapan. Sobrang gandang pagmasdan nang uminom siya, ang bawat pag galaw ng kanyang adams apple. Nakatingin lang ako sa kanya habang ginagawa niya iyon, hindi ako nakagalaw sa aking pwesto. Kakaligo ko lang pero bakit naman ang init? Ilang beses akong umiling- iling sa kanyang harapan para bumalik ako sa aking sarili. Balik nalang kaya muna ako doon sa loob ng kwarto? Hintayin ko nalang siyang matapos dito. Pero ewan ko ba kung no

