CHAPTER 3

1773 Words
CHAPTER 3 Nakasunod lang ako sa kanya habang naglilibot na kami dito sa loob ng bahay kanina pa. Sinabi na niya sa ain kung ano ang mga dapat kung gawin, at ang mga lugar na hindi ko pwedeng puntahan dito sa loob ng bahay. Ang dami palang mga bawal dito. Ang pinakabawal doon ay ang pumasok sa kwarto ni Mayor Mavi at sa kanyang office. Si manang Susan lang pala ang pinagkakatiwalaan na pumaso at maglinis doon. Dalawang palapag ang bahay na ito, hindi ko rin mabilang kung ilang kwarto ang naroroon. Malalaman mo kapag kwarto na iyon ni Mayor Mavi dahil ang labas ng kanyang pintuan ay may picture na malaking gagamba na nakadkit sa labas ng kanyang pintuan. Nasabi rin sa akin ni bawal kausapin si Mayor Mavi kapag nandito siya sa bahay. Kakausapin mo lang daw siya kapag siya na mismo ang unang kumausap sa 'yo. "Nag- aaral pa po kasi ako, baka pwede pong pang gabi o kaya naman ay sabado at linggo lang ang magiging trabaho ko. D'yan nalang po ako babawi." napataas naman ang kanyang kilay nang marinig niya ang aking sinabi. Kinabahan tuloy ako at baka hindi niya ako payagan na mag- aral. Sana 'wag naman. "Alam ko naman na nag- aaral ka pa. Nakikita ko naman na bata ka pa. Sa 'yo ko ibibigay ang lahat ng trabaho sa sabado at linggo." tumango nalang ako sa kanyang sinabi. Mabuti nalang ay pumayag naman siya. Nagpatuloy kaming dalawa sa paglilibot. "At ang pinakaayaw ni Mayor Mavi ay ang pinapakailaman ang kanyang mga gamit. At ayaw niya rin ng maingay." hindi ko akalain na ganoon pala ang totoong ugali ni Mayor Mavi, naririnig ko naman na dati pa sa iba na ganyan daw siya pero hindi naman ako naniniwala dahil mukhang mabait naman siya. Pero ngayon na narinig ko mismo sa taong matagal ng nagtatrabaho sa kanya ay dapat maniwala na talaga ako. "Doon ka na muna sa loob ng kwarto n'yo, magpahinga ka muna doon. 'Wag na 'wag kang lalagpas ng kusina maliban nalang kung inutusan na kita na maglinis sa labas. Hindi ka pwedeng lumabas o maglibot- libot dito sa loob at labas ng bahay habang hindi kita inuutusan. Maliwanag ba, Astrid? Ako ang masusunod dito sa lahat ng mga kasambahay, at ang pinakaayaw kko sa lahat ay ang sinusuway ang mga utos ko. Kaya 'wag na 'wag kang magkakamali." matiaas na sabi niya sa akin. Tumango naman ako ng ilang beses dahil sa takot na nararamdaman ko ngayon. "Opo, susundin ko po ang lahat ng mga utos n'yo sa akin." tuango naman ito sa akin. "Pumasok ka na doon sa kwarto mo." hindi na niya ako hinayaang sumagot pa at tumalikod na ito sa akin at umalis na. Naglakad na rin ako papasok doon sa loob ng kwarto namin. Pagpasok ko ay nandoon na sa loob ang mga naglilinis na kasambahay kanna. Mukhang natapos na nito ang kanilang ginagawa kanina. "Hello, ako nga pala si Astrid. Ano ang mga pangalan n'yo?" nakangiting tanong ko sa kanila. Pero wala ni isa sa kanila ang sumagot sa naging tanong ko. Sabay- sabay silang nag- iwas ng tingin sa akin na tila ba wala itong narinig sa naging tanong ko sa kanila. Ngumiti ako ng hilaw at nagpasiya nalang na umakyat sa ibaabw ng double deck dahil mukhang wala naman na silang balak pa na sagutin ang naging tanong ko sa kanila. Kahit si Marites na siyang nghatid sa akin dito ay wala rin itong kibo. Nakatutok lang ito sa kanyang hawak na cellphone. Ang hirap nama palang makipaghalubilo sa mga taong ito. Akala ko mababait, pero katulad lang rin pala ng mayordoma nila na sobrang taray din. Nagpasiya nalang akong ayusin ang mgagamit ko. Nakita ko doon sa baba ang isang cabinet na may pangalang 'Astrid' na naka paskil sa labas ng pintuan. Pero kahit may pangalan ko na 'yon ay nagtanong pa rin ako sa kanila para makasigurado ako. "Ahm . . . Pwede ko na bang ilagay ang gamit ko dito? Sa akin ba ito?" sabay silang lumingong tatlo sa akin. "Nakikita mo naman siguro d'yan ang pangalan mo di ba?" sabi ng nasa baba ko. Napipilitan akong tumango sa kanila. Mukhang wala na talagang pag- asa pa ito, halos lahat naman sila ay puro matataray dito. Manang- mana sa amo nila, juskopo. Bumaba na ulit ako sa doble deck para ilagay na an mga gamit ko sa loob ng cabinet. Nang natapos ko ng mailagay lahat ng mga gamit ko ay umakyat na ako ulit sa itaas. Buti nalang ay hindi naman masyadong masikip itong kwarto namin, tapos ay naka aircon pa kaya hindi mainit. Sa katabing kwarto naman daw natutlog si Manang Susan sinabi niya sa akin kanina. Humiga alang muna ako doon sa at naghintay nalang na tawagin. Sabi naman kasi ay hindi ako pwedeng lumabas dito. Ang ganda pa naman sana ng garden nila doon sa labas, parang ang sarap tumambay doon dahil sobrang mahangin. Sayang lang at hindi ako pwedeng lumabas doon. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising nalang ako dahil sa narinig kong tunog sa aking kama. Parang pinapalo iyon para magising ako. Bumangon kaagad ako at tiningnan kong ano iyon. Nakita ko si Manang Susan na may hawak na pamalo, at pinapalo niya ang aking kama upang magising ako. "Ang bago- bago mo pa dito pero ganyan ka na kaagad! Bumangon ka na d'yan at magsimula ka na sa pagtatrabaho! Hindi k prinsesa dito na hihiga lang at tatawagin namin upang kumain!" mabilis naman akong bumaba ng kama. Halos mahulog pa ako dahil sa aking pagmamadali. "Ito ang isuot mo! Bilisan mo na d'yan. ''Wag kang lalamya- lamya! Kumilos ka na kaagad!" inihags niya sa akin ang isang damit na para sa mga kasambahay. Tinalikuran na niya ako at padabog na sinira ang pintuan ng kwarto namin. Wala na doon ang tatlo kong kasama. Mabilis kong hinubad ang aking damit at sinuot ang bnigay na damit sa akin. Mabilis ang bawat kilos na ginawa ko, dahil nga palda iyon naghanap pa ako ng cycling. Nnag matapos na ako ay mabilis na akong lumabas sa labas. "Mag walis ka na doon sa labas, tapusin mo lahat ng iyon bago ka kumain dito. Sa harap at sa likod ng bahay, bilisan mo na!" tianggap ko ang inilaahd niya sa aking walis. Mablis akong naglakad para umalis na. Nang nasa bakuna na ako ng pinto ay parang hindi ko gustong lumabas dahil sobrang init pa. Tanghali pa naman pero bakit pinapawalis na nila ako. Tapos sa harap at likod pa ng bahay. Paano ko 'to gaagwin ngayon? Pero kailangan kong gawin ito para makakain ako ng tanghalian. Nagulat ako nang may maamoy akong mabango sa aking likuran. Hindi ko maipaliwanag ang amoy na 'yon. Sobrang bango talaga. Dahil sobrang na curious ako ay lumingon ako. Pero halos matuod ako sa aking kinatatayuan nang makita kong sino ang may ari ng amoy na 'yon. Si Mayor Mavi iyon! Nasa likod ko siya at mukhang kanina pa doon nakatayo sa aking likuran. Nakasuot ito ng shades. Ngayon ko lang nakita ng ganito kalapit si Mayor Mavi. Nung nangangampanya kasi siya ay sa malayo ko lang siya nakikita. Tapos palagi ring sa mga posters lang. Tapos magkaparehas na magkaparehas ang kanyang mukha sa posters at sa personal. Kung nakasimangot at nakakunot ang noo nito sa posters ay mas lalo naman sa personal. Mabilis akong pumunta sa gilid upang makalabas na siya doon sa pintuan, nakaharang pala ako kaya hindi siya makadaan, "Magandang tanghali po, Mayor Mavi. Pasensya na po," nakayuko lang ako habang sinasabi ko iyon. Pero wala akong narinig na sagot sa kanya. Dinaanan lang ako nito na parang hangin lang ako sa kanyang paningin. Tuloy- tuloy itong naglakad hanggang makaraitng ito sa kanyang sasakyan. Binuksan ng tauhan niya ang pintuan ng sasakyan at pumasok na siya doon. Nang makalabas na ng gate ang kanyang kotse ay doon na rin ako tuluyang lumabas. Kahit ayaw ko ay nasimula na akong magwalis doon sa malapad na hardin ng bahay na ito. Hindi ko alam kung anong oras ko natapos walisin ang harap palang ng bahay. Pagkatapos ko doon ay lumipat naman ako sa likod. Doon ko narinig na nag- uusap ang tatlong kasambahay na kasama ko doon sa kwarto. Mukhang hindi nila alam na nandoon na ako at nakikinig na sa kanilang pag- uusap. "Mabuti nalang talaga at nandito na 'yang Astrid na 'yan. Hindi na tayo mahihirapapn sa pagwawalis doon sa labas." "Oo nga, ang init pa naman ng panahon ngayon. Sayang ang skin care natin kung magbibilad lang tayo sa araw para magwalis." "Pero infainess, ang puti nung Astrid, ha." "Maputi ba 'yon? Mukhang hindi naman antural ang kanyang puti. Baka umiinom ng gamot ' yan para maging ganyan kaputi." "Baka nga umiinom talaga. Kilala ko ang mga magulang niyan, wala namang maputi doon sa dalawa." "Pero naiinis talaga ako sa presesnya niya palang." "Ang inosente ng mukha, akala mo naman talaga ay inosente. Narinig ko sa lugar nila na marami na raw nagiging boyfriend 'yan. Kung sino- sinong lalaki lang daw ang pnapatulan niyan." Hindi naman yata ako umiinom ng gamot para pumuti ako. Tsaka natural 'tong pagkaputi ko 'no. At anong kng sino- sino ang boyfriend ko? Wala pa nga kahit isa, e. Ang daming nagtangkang manligaw sa akin, pero wala nakalusot na kahit isa sa kanila dahil ayaw ko pa ngang mag boyfriend dahil gusto ko mag focus muna ako sa aking pag- aaral. Hindi ko nalang sila pinansin at nagpatuloy kang ako sa aking pagwawalis doon sa likod para matapos na ako kaagad at makakain na. Nang matapos na ako doon magwalis sa likod ay pumasok na ulit doon sa loob ng kusina. Naabutan ko doon si Manang Susan na nagsisimula ng magluto. Naghihiwa na siya ng mga sangkap, hindi ko lang alam kung ano ang lulutuin niya. "Tapos na po akong magwalis doon sa labas, Manang Susan." lmingon ito sa akin at simpleng tumango lamang. "Magbihis ka na doon at bilisan mong kumain dito dahil may ipapagawa na naman ako sa 'yo. Bilisan mo ang mga kilos mo, Astrid." istrikta nitong sabi sa akin. Mabilis ang aking mga kilos habang nagbibihis na ako. Sobrang pawis na pawis ko na. Nang matapos na akong magbihis ay bumalik na ako doon sa kusina. Alas tres na pala ng hapon at hindi pa kumakain kaya medyo nakakaramddam na ako ng gutom. Grabe, hindi pa ako umaabot ng isang araw dito pero ramdam ko na kaagad ang aking paghihirap. Nang lumabas na ako ay may naabutan akong tao doon sa loob ng kusina. Kasama ni Manang Susan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD