CHAPTER 19 Napatigil ako sa aking paglalakad nang marinig ang kanyang mga sinabi. Nagtataka ko siyang nilingon. “Mayor?” paninigurado ko sa aking narinig. “Sumabay ka na sa akin. Pupunta na ako sa munisipyo.” sabi niya tsaka tumayo na at naglakad papunta sa akin. Mabilis naman akong umiling sa kanya. Ayoko talagang makasama pa siya, ayokong maging malapit ako sa kanya. “Okay lang po, Mayor. 'Wag na po. Maglalakad nalang po ako, Mayor. Kaya ko naman na po.” mas lalo siyang lumapit sa akin. Ngayon ay nasa mismong harapan ko na siya. “Iniiwasan mo ba ako, Astrid?” nagtatakang tanong niya sa akin. Umiling naman ako sa kanya at mabilis na sumagot. “Hindi po, Mayor. Hindi po kita iniiwasan, Mayor. Bakit ko naman po kayo iiwasan?” pagdedepensa ko sa aking sarili. Kahit ang totoo naman talag

