CHAPTER 11 As I stand here infront of him, he looked more intimidating. Parang ayaw ko na yatang pumasok pa doon. "Ano na naman ba ang ginawa mo?" mahinang bulong sa akin ni Manang Susan na may halong galit ang kanyang mga tinig. Pero hindi ko siya magawang sagutin dahil sa kabang nararamdaman ko ngayon. Mas nakatuon ang aking atensyon kay Mayor. Hindi ko namalayang nasa harapan na niya ako. "Follow me." matigas at madiin niyang sabi sa akin. Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad. Dahil magkatabi kaming dalawa ni Manag Susan ay siniko niya pa ako para sumunod ako kay Mayor Mavi. Lakad takbo ang aking ginawa para makasunod ako sa kanya. Ang hahaba ba naman ng kanyang mga binti. Nakasunod lang ako sa kanya. Tuloy- tuloy ang kanyang lakad at nagtaka ako nang lampasan naming dalawa a

