(Kaylin) Ngumiti lang sa akin si Madam De Chiel at hinimas ang ulo ko. "Tsaka ko nalang sasabihin sayo iha kung ready ka na talaga, baka kung ano pa ang mangyari sayo. Right now I need you first to be safe." Hindi na ako sinagot ni Madam De Chiel dahil dumating din agad si Ezekiel dala ang mga papeles namin, tinignan ko ang passport ko at nalungkot ako nang mabasa ko ang pangalan ko doon. Hindi na talaga ako si Kaylin dahil ang pangalan na dala ko ay kay Henrietta na. "Bukas ay aalis na tayo papuntang Melbourne but--" Natigil sa pagsasalita si Ezekiel nang makarinig kami nang nakakagulo sa ibaba, nagtinginan kaming tatlo at naunang umalis si Ezekiel. "MGA HAYOP ANONG KARAPATAN N'YO NA ITAGO ANG HAYOP NA YAN?!" nanginig ang buong katawan ko nang marinig ko ang boses na yun. Bo

