(Kaylin/Henrietta) Binuksan ni Ezekiel ang pintuan ng guest room, he let go of my hand at siya ang naunang pumasok sa loob. Kumunot ang noo ko nang bigla niya akong lingunin na parang hinihintay niya akong pumasok. "Ano pa ang ginagawa mo diyan, pumasok ka na." inis niyang saad. Umiling ako. "Ayaw, bakit diyan pa kasi?" napakaraming lugar dito sa Maldives ah, bakit diyan pa ang napili niya? Ayokong mag-isip nang masama sa ikinikilos niya pero sa tuwing naiisip ko ang paghalik niya sa leeg ko ay may something like tingling sensation akong nararamdaman. "Do you want them to hear us talking?" nagtatakang usal niya at sumilip pa sa labas. Walang tao sa parte na to dahil for VIP people lang ang pwedeng pumasok dito and damn, mas lalong dumagdag pa yun sa iniisip ko. "Pumasok ka na

