(Kaylin/Henrietta) "Madam Henrietta bakit parang ang itim-itim ng eyebags mo ngayon? Hindi ka ba natulog kagabi?" nagtatakang tanong ng make-up artist ko sa akin. Oo, hindi ako nakatulog kagabi kasi iniisip ko ang mga sinabi ni Ezekiel sa akin kagabi. He literally confessed to me and now it's my turn to answer his confession, pakiramdam ko ay uminit na naman ang mukha ko. "May lagnat ka ba madam? Naku namumula ka oh." Naconscious naman ako at napahawak sa mukha ko. Damn, hindi ako mainit pero nanginginit ang katawan ko. "Magpahinga ka muna kaya madam? Mukhang hindi maganda ang pakiramdam mo ngayon ah, itutuloy pa ba natin ang photoshoot?" nag-aalalang saad niya. marahas naman akong napa-iling sa kanya. "No, I am fine. Medyo late lang kasi akong nakatulog kagabi kaya ganito but I a

