(Kaylin/Henrietta) Mag-tatatlong araw na rin mula nung huling nakita ko si Pamela, today is our event pero hindi talaga siya nagpakita. Habang kabado ang lahat dahil kahit maliit lang na fashion show to ay may mga potential agents rin ang pwedeng magrecruit sa kanila para sa mga endorsements. "Where the hell is that Pamela? siya kaya ang nasa unahan ko kaya hindi ko alam ang magiging kahihinatnan ko sa gitna dahil siya ang basis ko sa blockings!" inis na usal ng isang matangkad at balingkinitang babae. Napadako ang titig niya sa akin and nagkasalubong ang mga mata namin. "Oh anong tinitingin-tingin mo diyan? Ikaw siguro ang dahilan kung bakit hindi umattend si Pamela sa mga practice no?!" Oh, bakit ako na naman? Napapansin ko, this past three days ay iniiwasan na ako ng mga mod

