Kabanata 6 : Shrine

1799 Words
Magkaiba ang Shrine at Temple. Ang Shrine ay para sa relihiyong shinto samantalang ang temple naman ay para sa buddhism. Maraming nalilito sa dalawang ito at dahil magkaiba ang relihiyon nila kaya magkaiba rin ang mga rules sa pagbisita. Pagpasok sa Torii Gate ay dumiretso sila sa isang water pavilion, tinatawag na Temizuya. Mukha itong maliit na fountain na may wooden dipper. Tinuruan sila ni Sora kung paano, maghugas ng kamay sa temizuya. Para daw ito sa spiritual cleansing—para matanggal ang impurity bago humarap sa mga Diyos. Hawakan daw ang dipper gamit kanang kamay, hugasan ang kaliwang kamay. Ilipat sa kaliwa, hugasan naman ang kanan. Maglagay tubig sa kamay o palad at magmumog sa bibig. Hindi iinumin, pagkatapos gawin ito, hugasan daw ang handle ng dipper. Muntik nang uminom ng tubig diretso sa dipper si Chubs buti na lang binatukan siya ni Joriz. "Huwag ganyan! May iba pa na gagamit diyan, idikit mo nguso mo dyan, kadiri ka." "Makabatok ka ah!" wika naman ni Chubs. Pinigil din ni Sora si Mattia nang makita nito si Mattia na kukuha ng diretso ng tubig gamit ang kamay. "No hand scooping! That's also gross." "Oh, sorry." "Pwede bang kumuha ng tubig for souvenir?" tanong naman ni Joriz na inilabas ang plastic bottle niya na walang laman. "Hindi!" sabay-sabay na sabi nina Mattia, Sora at Chubs. "Awww..." nadismaya naman si Joriz. "Eh pictures?" Tumaas ang kamay nito upang ipakita ang hawak na iphone. Umiling si Sora. "Bawal mag-picture sa certain areas. Bawal din hawakan ang mga sagradong bagay rito." Nabaling ang atensyon nila nang may pusa na biglang kumiskis sa paanan ni Chubs—kulay abo, payat pero malinis, parang sanay na sa presensya ng tao. Napatingin si Chubs sa pusa, nung una ay nag-atubili sandali, tapos bigla siyang napangiti. Hindi niya napigilan. Mahilig siya sa pusa, naalala niya ang pusa ng kanyang tito na si Mimiko. Noon pa parang matagal na siyang pinipili ng mga hayop, siguro nararamdaman ng mga pusa kung sino ang cat lover. Lumuhod siya nang kaunti at marahang hinaplos ang ulo nito, isang beses, tapos isa pa. It purrs, kumurbang parang wala itong pakialam sa sagrado o sa mundo ng mga tao. "Okay lang ba ito?" Bumaling si Mattia kay Sora nang makitang pine-petting ni Chubs ang pusa. "Okay lang 'yan," sabi ni Sora, "hindi bawal mag-pet ng pusa dito. Minsan may mga pusa talaga sa mga shrine o temple. May mga nag-aalaga sa kanila—yung mga caretaker at minsan pati mga kapitbahay. Hindi sila pets exactly, pero hindi rin sila pinapabayaan." Tahimik na nakinig si Mattia habang pinapanood si Chubs. May kakaibang gaan sa eksena, parang natural na parte ng lugar. "Sa Japan," dagdag ni Sora, mas mahina ang boses, "may symbolism din ang pusa. Protection, swerte, saka parang... nasa pagitan sila ng mga mundo. Kaya minsan sinasabi na kapag nilapitan ka ng pusa sa shrine, ibig sabihin ayos ka sa lugar na 'to." May narinig na kung ano ang pusa, tumaas ang dalawang tainga nito—huminto ito sa pagkiskis, tumingin sa kanila, saka dahan-dahang lumayo at bumalik kung saan ito nagmula, parang wala lang. Naiwan ang pakiramdam na tinanggap sila ng mga espirito rito, kahit saglit lang. Dumiretso sila patungo sa loob ng shrine, sinabi sa kanila ni Sora na kailangan nilang maglakad sa gilid dahil bawal daw sa gitna. Naniniwala ang mga tao na dumadaan daw ang mga Diyos sa gitna at kailangan na igalang ang daan na iyon. Pagpasok nila sa gate ng shrine ay nag-bow muna sila ng ulo. Pagkatapos nagtungo sila sa altar. Ipinakita ni Sora kung paano maghagis ng 5 yen sa saisen-box— isa itong offering box. Madalas 5 yen ang inihuhulog doon dahil sa go yen ang tawag doon sa nihonggo, kasintunog ng kouun, ibig-sabihin ay good fortune. Sa standard shinto prayer, pagkatapos maghulog ng coin, hihilahin ang bell na nakatali, tapos kailangan mag-bow ng dalawang beses, mag-clap ng dalawang beses, tahimik na magdasal at mag-bow ulit. Nauna sina Sora, Chubs at Takumi sa pagdarasal, samantalang nasa likod naman sina Mattia at Joriz. Nakaramdam ang dalawang binatilyo ng kakaibang presensya sa paligid nang hilahin ni Sora ang suzu o iyong bell na may tali. Pagkatunog niyon, sabay silang dalawa na napalingon sa likod. Lumakas ang ihip ng hangin at biglang lumamig ang paligid. "S-Sabi mo, Mattia, may nakita kang Yokai rito kanina..." Nanginig ang boses ni Joriz dahil sa lamig at kaba na naramdaman. "Oo, sigurado ako. Feel ko nga na pinapanood nila tayo pero hindi ko lang alam kung nasaan sila." "Sa tingin mo ba ay marami sila?" tanong pa rin ni Joriz. "Possible." Nang matapos magdasal ang mga kasama, tinawag sila ni Sora, sila naman daw. Ginawa nila ang ginawa nila Sora kanina. Natapos ang lahat na magdasal— wala namang kakaiba na nagpakita. Normal lang. Bago sila umalis, yumukod muli sila at naglakad na palabas sa shrine. Habang naglalakad ay nagtataka pa rin si Chubs kung bakit pa sila pumasok doon, wala naman silang nakitang Yokai. "Ang weird lang," nasabi ni Mattia habang naglalakad sila pabalik. "Katulad ng pusa mukhang sila ang pumipili sa tao." "Ha?" untag ni Chubs dahil hindi niya naunawaan ang sinasabi ni Mattia. "Katulad ng nangyari sa akin sa Guatemala noon. Hindi na natin kailangan maghanap pa sa mga nilalang na iyan dahil sila mismo ang lalapit sa atin," sabi ni Mattia na parang sigurado sa sinasabi. "Bumalik na tayo sa ryokan. Bukas na ulit tayo pumunta rito." Kumunot ang noo nilang lahat. Hindi nila naunawaan kung anong ibig-sabihin ng mga sinasabi ni Mattia. *** Pag-uwi nila sa ryokan, kanya-kanya silang salampak sa sahig ng kuwarto. Sa mga traditional japanese inn, iniiwan ang mga sapatos sa labas ng bahay at isinusuot ang mga slippers na nakahanda sa loob. Pero bawal ang tsinelas sa tatami mats dahil baka madumihan kaya naka-medyas lang sila ngayon. Ganoon din may pambanyong tsinelas at kailangan mong magpalit niyon bago ka pumasok sa palikuran. Kahit pagod ay hindi dapat sila humiga sa futon hangga't hindi oras ng tulog. Madalas, ang staff ang maglalatag nito habang kumakain sila ng hapunan. Hihintayin muna nila ang hapunan bago sila magpahinga nang tuluyan. At syempre bago rin humiga, dapat ay maligo muna sila sa onsen. Hindi naman ito official rules pero etiquette ito. Ang katawan dapat malinis bago humiga sa kama. Nang makakain sila ng hapunan ay nagpaalam si Joriz na gusto na niyang ibabad ang sarili sa mainit na tubig, magpapalit lang daw siya ng yukata. Gusto raw niyang mag-relax. Si Chubs naman ay babalik daw sa kwarto upang magbasa muna ng libro, saka na raw siya maliligo kapag tapos na si Joriz. Pero si Mattia, naisip na maglakad-lakad muna sa paligid, nagpalit na rin siya ng yukata— left over right ang pagsusuot nito. Paminsan-minsan ay tinitignan ni Mattia ang bracelet charm na ibinigay sa kanila ni Takumi. Nagtataka naman ang dalawang kaibigan sa pagiging weird ni Mattia. Kanina pa kasi ganito ang binatilyo simula nang nagpunta sila sa Shrine. Pansamantala, naghiwa-hiwalay muna sila para magkaroon ng sari-sariling pribadong oras. Nagpatuloy si Mattia sa paglalakad sa kabuuan ng ryokan. Karaniwan, dalawa hanggang tatlong palapag lamang ang tradisyonal na inn. Humigit-kumulang nasa labing limang kwarto lamang, gayunman hindi mo ramdam na maliit ang lugar. May hardin na nakapaikot rito kaya presko ang hangin at nakaka-relax ang tunog ng shishi-odoshi. Isa itong tubo na dahan-dahang napupuno ng umaagos na tubig. Kapag napuno na, tutumba ito, tatama sa isang bato, at lalabas ang tunog na "klak". Pagkatapos, babalik ulit sa dati, hihintayin na mapuno, at uulit ang ritmo. Parang t***k ng puso ng hardin. At dahil tahimik, nagkaroon si Mattia nang pagkakataon na magmuni-muni. Sigurado siya sa nakita niya kanina na may Yokai sa Shrine. Pero ang nakakaduda, hindi muling nagpakita sa kaniya ang babae. Bakit kaya? Ngunit naudlot ang pag-iisip ni Mattia nang makarinig ng kalabog sa kanang bahagi. Pagkatapos sinundan niya ng tingin ang temari ball na gumulong sa paanan niya. Ang temari ball ay isang bolang sinulid na laruan ng mga bata noong 7th century, isa ito sa mga kalakal ng mga hapon galing Tsina. Huminto si Mattia. May isang batang babae na nakasuot ng tradisyonal na japanese attire ang lumapit, dinampot ang bola, tumingin ito sa kanya at ngumiti. "Uhm, hi. Konbanwa," simple niyang sabi. Hindi bumuka ang bibig ng bata pero narinig niya na nagsalita ito. "Kuya, bakit nakatayo ka diyan? Gusto mo bang maglaro?" Kumunot ang noo ni Mattia dahil sa pagtataka pero hindi siya nagsalita. Nauunawaan niya ang sinasabi ng bata, naririnig niya ang boses nito sa kanyang utak. Telepathic o soul vibes, nasabi sa kanya ni Rain noon na nauunawaan ng dalaga ang sinasabi ng mga espiritu kahit hindi bumubuka ang kanilang bibig. Iyon ay dahil karamihan sa mga nilalang ay telepathic entities. Hindi hadlang kung iba ang wika, kinakausap nila ang mga tao through mental, heart and soul. Sa pagkakataong ito, napagtanto ni Mattia na hindi tao ang kausap niya. "Yokai!" wika niya. May paghanga sa kanyang mga mata. "Tama ka, pero bakit hindi ka natatakot?" Ang batang babae naman ang tila nagulat. "Wala akong abilidad na makaramdam ng takot. Anong klaseng Yokai ka? Pasensya na hindi ako taga-dito kaya wala akong masyadong alam sa inyo." "Zashiki-warashi. Kung paglalaruan mo 'tong temari, baka may makita kang iba pang yokai na nasa pinto. Nakikita mo ba siya?" Iyon ang narinig niyang sabi ng batang babae, may ngiti sa labi na ibinibigay sa kanya ang bola. Kinuha niya iyon at nakaramdam ng kakaibang aura. Saka lang niya napansin ang mga mata na biglang sumulpot sa mga sliding doors. "Ano ang mga 'yan?" tanong niya sa batang babae. "Mokumokuren," sabi lang nito na nakangiti– nagpapa-cute pero cute naman talaga. "Bakit kayo nandito? Noong nakaraan wala kaming nakitang Yokai sa ryokan na ito. Sinundan niyo ba kami nang magpunta kami sa Shrine? Anong kailangan ninyo sa mga tao? Bakit ninyo sila kinukuha?" "Masyado kang maraming tanong, kuya. Tignan mo 'yang suot mo." Itinuro ng batang yokai ang charm bracelet na nasa wrist ni Mattia. "Mukhang tumalab ang attraction charm nang nagdasal kayo sa Shrine." Napatingin doon si Mattia. "Ha?" "Tanungin mo ang nagbigay sa 'yo ng bracelet na 'yan." Hindi niya naunawaan nang lubusan pero kanina pa may ideya si Mattia. May tatanong pa sana siya pero may narinig siyang mga dalagang papalapit sa kanilang kinatatayuan, napatingin siya roon. Napahinto ang mga babae nang makita siya, nagyukod ng ulo at tila nahiya sa pagtatawanan. Nang ibalik niya ang paningin sa batang yokai at sa mga matang nasa sliding door, nawala na ang mga iyon na parang bula. Kahit ang bola na hawak niya ay nawala rin. Nag-bow siya ng ulo sa dalawang babaeng nakasalubong bilang paggalang, pagkatapos naisipan niyang bumalik sa kwarto upang makausap si Chubs. Kailangan niyang sabihin ang natuklasan sa kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD