KABANATA 2: JAPAN

1392 Words
Parang kailan noong nangarap si Chubs na makapunta sa lugar na ito, ngayon ay nasa harapan na niya. Humigit kumulang na 5 oras ang byahe— sakay ng eroplano— mula Manila International Airport. hanggang sa Kansai International Airport. Doon sila bumaba dahil ito ang pinakamalapit at pinaka-practical na airport papuntang Hyogo Prefecture. Ang mas nakakaloka pa sa byahe na ito, kung dati ay sumasakay sila sa economy class, pinayagan sila ni Maam Estrella na sumakay sa business class— kaya buhay-hari ang mga loko sa upuan ng eroplano. Gayunman, hindi nila alam kung ba't biglaan yata ang special treatment ng masungit nilang manager. Siguro ay nakahanap na rin sa wakas ng f*** buddy ang matandang dalaga kaya maganda ang mood. Pagkababa sa airport, hindi dumiretso si Mattia sa mga money changer. Aniya, mas okay raw sa mga atm magpalit ng pera kung gagamit ng card. Malaki raw kasi ang kinukuha na pursyento sa mga money changer. Itinaas ni Mattia ang zipper ng sweater na suot, lahat sila ay naka-jacket dahil sa lamig. Hindi naman sobrang lamig ng panahon subalit kapag Oktubre ay bumababa na ang klima sa Japan. At si Joriz, himala na walang kulay ang buhok, tinakot kasi ito ni Chubs na "delinquent" daw ang tingin ng mga hapon sa mga taong may kulay sa buhok. Nabawasan tuloy ang pagiging fashionista ni Joriz, mas simple siya ngayon. Tinanggal din niya ang hikaw sa isang tainga. "Baka gusto n'yong lumibot muna tayo sa Osaka?" Ito na naman si Joriz sa pagyayaya. Inilabas niya ang kanyang iphone para mag-picture. Habang naglalakad sila ay pahinto-hinto ang binata para mag-shot ng larawan. Pati yata basurahan sa convenience store, pinicturan niya. "Huwag kang magulo rito, Joriz. Baka magalit sa 'tin ang mga tao rito. Hindi maganda sa paningin nila ang mga maiingay sa publiko," saway naman ni Chubs dahil naalala niyang mainit ang mga mata ng hapon sa mga dayuhan ngayon. Inilibot nila ang paningin at na-conscious sa paligid. "Alam mo naman ang issue ngayon 'di ba? Naging public nuisance na ang mga foreigners dahil sa—" "Hindi naman ako ganoon. Mga Tiktokers at Pranksters lang 'yon na nanggugulo para sa content nila. Galit lang sila sa mga hindi marunong sumunod sa kultura. Kaunting pictures lang naman ako, ah! Hindi naman ako nag-iiskandalo rito. Saka isa pa, tignan mo 'to." Ipinakita ni Joriz ang nakita niyang larawan sa google image. "Pupunta rin naman tayo sa Osaka dumaan na tayo sa Osaka Castle!" Napasapo na naman si Chubs sa noo. "Nagsisimula ka na naman." Ganitong-ganito rin si Joriz noon sa Malaysia. Napakaraming request ng binatilyo — gusto nitong magpunta doon, dito, diyan... "Hindi tayo pwedeng magpagala-gala kung saan-saan, Joriz. Kailangan natin dumiretso sa Fukusaki Town, ni hindi ko pa nga alam kung paano pumunta roon, eh." Napatitig si Mattia sa mga taong dumadaan sa paligid. "Mahirap pa naman makipag-usap dito sa english." "Don't worry, ako na bahala!" Malakas ang loob na lumapit si Joriz sa mga magaganda at makikinis na mga babaeng bumibili sa ice cream store. "Sumimasen!" Nag-bow muna si Joriz at nagkunwaring marunong ng Japanese. "Hyōgo-ken e wa dōyatte ikeba ii desu ka?" Pero sa totoo lang ay binasa lang niya ang translation ng AI chat mula sa phone. Napakamot sa ulo si Chubs nang makitang pumoporma na naman si Joriz sa mga babae. "Pambihira, ang talas ng mata ni Joriz pagdating sa bebot!" Pero nakakita ng Japanese Food ang matabang lalaki sa mga stalls doon— Ramen, Udon, Donburi at Curry rice. "Wait lang, Mattia!" Na-hypnotize na naman ang mga mata ni Chubs, biglang kumaripas ng takbo para maka-order ng pagkain. Naiwan si Mattia roon sa sidewalk na nakatanga. Bumaling ang mga mata niya kay Joriz. Hinahaluan pa talaga nito ng pagporma ang pagtatanong. Gustong alamin ni Joriz ang pangalan ng babaeng maikli ang buhok, mas cute kasi ito kaysa doon sa isa. Ang sabi sa AI ay — Ona-mae wa nan desu ka? —- Anong pangalan mo? "O-man..." Nagkamali siya ng bigkas. Hindi niya binasa nang maayos ang nakalagay. Makahulugan na nagkatinginan ang dalawang babae. "Eh?" sabi nung isa, tapos bigla silang tumawa, tumalikod, at naglakad palayo kay Joriz. "Oh, O-man!" Pigil ni Joriz dahil hindi pa nga siya tapos sa sasabihin. Pero hindi na siya pinansin ng mga babae na nagtatawanan pa rin. Napakamot sa ulo si Joriz. Hindi niya maintindihan kung bakit siya tinawanan at nilayuan ng mga ito. "AI, traydor ka," sabi pa niya sa phone. "Ano ba kasi ang mali sa sinabi ko, O-man?" Nag-search siya. Bastos pala ang nasabi niya, hotdog pala ng lalaki iyon. Dapat kasi Ona-mae-wa! Namula ang mukha niya at napahiya sa sarili. Top 10 embarrassing moments ni Joriz. Nabaling ang atensyon niya nang lumapit si Mattia sa kanya. "Paano raw magpunta sa Hyogo Prefecture?" tanong ni Mattia. "Train papuntang Osaka and train ulit papuntang Fukusaki Station daw. Mabuti na lang at na-translate ng AI yung sinabi ng babae kanina." "Ilang oras ang biyahe?" "Mga isang oras at kalahati siguro, depende sa starting point. Nasaan si Chubs?" Hindi nagsalita si Mattia sa halip itinuro niya ang kaibigan na lumalamon ng Ramen sa stall na nandoon. "Pambihira, hindi man lang naghintay!" wika ni Joriz *** Napakalinis ng mga hapon sa kanilang mga kalsada. Sa una ay nagtataka sila kung bakit wala silang makitang basurahan sa gilid ng mga daan, iyon pala ang mga trash bin ay nananatili lamang sa mga convenience store at mga kainan. At isa palang ugali ng mga hapon na napansin nila ay walang kumakain na naglalakad. Siguro ay mga social norms sa lugar na ito na hindi good etiquette ang kumakain na naglalakad. Sabagay, mas nag-iiwanan ng kalat sa kalsada ang mga ganoon. Kaya siguro may designated areas lang talaga ang pagkain. Kapag rush hour hindi na sila magtataka kung bakit parang sardinas ang mga tao sa loob ng train station. Lalo na ngayong Obon Season. Mas maraming turista dahil may event sa bansa. Maayos ang mga tao sa pinto ng tren — nakatayo sa gilid para makalabas ang mga commuters. At kahit halos magsiksikan na ang mga tao patungo sa loob ng train, maayos pa rin ang naging pila ng mga ito. Nang makapasok sila sa loob ng rapid train, tahimik lang silang tatlo. Walang malakas na pag-uusap. Walang pagtawag sa telepono. Walang ibang tao na uupo sa priority seats para sa matatanda, buntis, at may kapansanan. Bago sila magpunta sa bansang ito, pinag-aralan na nila ang ilang social rules. Ang Japanese society ay group-oriented at mas mahalaga sa kanila ang katahimikan kaysa sa personal na opinyon. Nasabi nga ni Mattia noon---- bansa ng mga introvert. Kaya pala gusto ni Chubs dito dahil ito ang ideal na bansa ng mga introvert na katulad niya. Matapos ang humigit isang oras, nakarating na rin sila sa Fukusaki Station. Napagod sila sa biyahe dahil nagpapalit-palit sila ng destinasyon o train na sasakyan. At nakakapagal din ang maglakad nang napakahaba kapag may hinahanap na lugar. Pero atleast natutunan nila ang pagkakaiba ng mga Rapid Train at Local Train. "Nasaan na ba ang informant natin?" untag ni Chubs kay Mattia habang naglalakad na naman sila. Kahit si Joriz na sumusunod sa likod nila ay mukhang pagod na dahil tumahimik. "Nandoon daw siya sa entrance. May waiting area doon. Kailangan nating lumabas muna rito," tugon ni Mattia. Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang makarating sila sa meeting place. Nakasandig ang lalaki sa dingding, halos kasing taas ni Mattia. Nakapaling ang ulo sa kabila, parang abala sa sarili niyang iniisip, pero hindi naman siya mukhang nagmamadali. Naka-panoble siya na nakabukas ang zipper, baggy pants na maluwag sa binti, at rubber shoes na bagay sa estilo ng isang skater. Sa unang tingin, aakalain mong isang modelo o isang J-pop artist lang—maputi ang kutis, matangos ang ilong, at singkit ang mga mata. Hindi mo naman agad masasabi na may dugong Pilipino. Pero nang magsalita ito, bigla silang nabigla—Tagalog ang lumabas sa bibig. "Magandang araw," sabi nito, at bumaling sa kanila na may ngiti na hindi pilit, pero hindi rin sobra. Umayos ito ng postura, at maayos na nagbow, parang sanay sa tamang paggalang. Hindi agad sila nakagalaw. Tapos, awtomatiko ring bumow ang mga ulo nila bilang tugon sa pagbati. Halatang mga dayuhan, hindi sila sanay sa kultura. "Welcome here in Japan," dagdag nito at inilahad ang isang kamay na parang nag-aanyaya. "Ako si Sora."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD