Kabanata 5: Torii Gate

965 Words
Last year, nawala ang kapatid na babae ni Takumi na si Aiko sa Tachikawa Yokai Bon Odori– ginanap ang Yokai Parade sa Tokyo. May nakapagsabi na huling nakita ang dalaga sa isang Torii Gate. Ngunit ang nakakalito, nabura na ang alaala ng witness. At ngayon, nabubura na rin ang memorya ni Takumi ukol sa mga pangyayari. Hindi na matandaan ng lalaki kung saang Torii Gate iyon. Hindi rin niya matandaan kung kasama ba siya nang maganap iyon o hindi. Napabuntong-hininga nang malalim si Mattia. Maganda ang araw ngayon at hindi rin ganoon kalamig ang temperatura, maganda sana ang mamasyal na lamang. Pero kailangan nilang ma-solve ang paranormal cases na ito, kahit pa malabo ang mga pangyayari. Umaga, nagpunta silang lahat sa isang Torri Shrine Gate Tunnel na nasa Tokyo, nagbabakasakali silang may makukuhang bagong clue. Pero sa kasamaang palad nga, mukhang wala silang makukuha. Kasama rin nila si Takumi sa pagtungo sa Tokyo, nasa likod ito ni Sora at tumitingin-tingin sa paligid. Sina Chubs at Joriz naman ay nagpi-picture o nagse-selfie sa Torii gate. Akala mo, wala sa misyon. Inabot ni Sora ang isang folder kay Mattia. Nagulat pa sila nang makitang makapal pala iyon. “Ikaw ang nag-compile nito?” nagtatakang-tanong ni Mattia. Tumango si Sora. “Naging kaibigan ko si Takumi sa college. Kilala ko rin ang kapatid niyang babae.” Diretsong napatitig si Mattia sa lalaki. Kahapon pa talaga siya nagdududa kay Sora pero hindi niya alam kung bakit. “Kaano-ano mo si Aiko? Nabubura na ang alaala ni Takumi sa kapatid niya, pero ikaw… hindi?” “Ayaw ko na sanang ipagtapat pero dahil mukhang nagdududa ka pa rin sa akin, ang totoo ay naging ex ko s’ya.” “Oh,” nasambit na lang ni Mattia. Ah, kaya… personal pala na dahilan. “Sa tingin ko, hindi agad mawawala ang alaala ng isang taong mahalaga sa ‘yo. Si Aiko ang naging dahilan ni Takumi kung bakit gusto niyang maging successful sa buhay. Nang yumao ang kanyang ama, si Takumi ang tumayong ama ng pamilya nila kaya naman mahalaga si Aiko sa kanya. At ako… personal ko nang dahilan kung ba’t ako nandito.” “Ginawa mo ang lahat ng ito.” Tinitigan ni Mattia ang makapal na bunton ng papel sa loob ng folder. “Para mahanap mo si Aiko.” Damn. Mukhang hindi nakapag-move on si Sora. “Darating ang oras na pati ang alaala ko sa kanya ay mawawala,” seryosong wika ni Sora. “Ni hindi ko na nga matandaan kung kailan naging kami o bakit kami naghiwalay. Basta, ang natatandaan ko lang, mahalaga siya sa ‘kin.” “Kaya mo tinulungan si Takumi… Kaya isang taon kang nag-imbestiga at naghanap ng mga witness...” napagtanto ni Mattia. Mukhang nawala na rin ang doubt niya sa informat. “Hindi lang naman ako ang nagtyaga sa loob ng isang taon, pati na rin si Takumi. At hindi lang kaming dalawa… sabi ko nga, hindi isolated cases ito.” Binuksan ni Mattia ang folder at nagulat siya sa mga larawan na nakadikit doon. May isang tao na bura ang mukha, isang tao na tila nawawala na, at isang tao na kalahati na lang ang natira. “Mga burado ang larawan…” “Sila ang mga taong nawawala. At ito— ” Ibinigay ni Sora ang larawan nina Aiko at Takumi. “Ito si Aiko, burado na rin ang mukha niya.” Tinitigan iyon nang maigi ni Mattia. “May isang matandang lalaki, nawala rin ang apo niyang babae sa parada. Noong una ay natatandaan pa niya ang apo. Pagkalipas ng tatlong buwan, bumalik ako sa kanila, sinabi niya sa akin na wala naman siyang apong babae. Hindi na niya matandaan na nag-usap kami tungkol doon. Kinuha ko ang mga larawan ng apo niya at nakitang ganyan na iyan,” paliwanag ni Sora, “ at hindi lang siya— ina na nakalimutan ang anak, kaibigan na nakalimutan ang kaibigan, pinsan na nakalimutan ang pinsan. Nang makumpleto ko ang files na ‘yan, saka lang ako kumontak sa HEAP. Naisip ko na hindi ko ito kayang mag-isa. Kakaiba ang mga kalaban ko. Kayo lang ang pag-asa ko, Mattia.” Napabuntong-hininga muli si Mattia. “Nauunawaan ko pero ang hirap nito para sa ‘min. Paano kami makakausad sa katotohanan kung nabubura ang alaala ng lahat?” Naudlot ang sinasabi niya nang may makitang babae na nakasilip sa likod ng Torii Gate. Nakasuot ng traditional na yukata ang babae, maganda ang mukha, mapagkakamalang modelo, porselana ang kutis, at itim ang mahabang buhok na umabot sa puwitan. Nagkatinginan sila ng babae. Saglit siyang napanganga, lalo pa nang mapang-akit na ngumiti iyon. Nakaramdam si Mattia nang kakaiba. “Mattia? Bakit?” Nagtaka si Sora. “Mattia.” Humawak si Joriz sa kanyang balikat, bumaling ang atensyon niya sa iba, napatingin siya sa kaibigan. “Lumipat kaya tayo ng ibang Torii Gate? Baka hindi naman dito iyon?” “Ha?!” Napanganga siya dahil sa pagtataka. Wala pa rin siya sa wisyo. Bumalik ang mata niya sa likod ng Torii Gate pero wala na doon ang babaeng nakasuot ng yukata. Pinikit-pikit niya ang mga mata. Saan iyon nagpunta? “Maraming Torii Gate dito, saan tayo susunod na pupunta?” tanong naman ni Chubs. “Hindi. Huwag na,” may diin sa boses ni Mattia. Lahat sila ay napatitig nang diretso sa kanya. May nakita akong kakaiba kanina. “Pumasok tayo sa shrine.” Nagkatinginan ang mga lalaki. Nagtatanungan ang mga mata. “Sure ka, Mattia?” tanong ni Joriz. Tumango siya. "Isang taong naka-Onna mask ang huling kumausap kay Aiko bago siya nawala. Onna mask... pambabaeng mask..." bulong ni Mattia sa sarili. Pagkatapos may determinasyon sa boses na nagsabing. "Hindi tayo nagkamali ng pinuntahan. May Yokai dito at isa siyang babae.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD