NARAMDAMAN ni Charlene na saglit na natigilan si Art. Pero agad ding pumaikot ang mga braso nito sa katawan niya at gumanti ng mahigpit na yakap. Nang mga sandaling iyon ay nasiguro niya na naintindihan ng binata na masaya siya hindi lang dahil sa mga proyektong inalok dito ng mga producer. Na higit doon ay masaya siyang bumalik na ito sa dati. That the charmer she once knew was finally revived. Naramdaman niya nang gawaran ng binata ng halik ang gilid ng kanyang ulo. Pagkatapos ay dumapo ang halik nito sa bandang tainga niya. Napabuntong hininga si Charlene at napahilig sa katawan nito. Parang bigla siyang naliyo. Lalo na nang dumausdos ang magaan nitong halik sa pisngi niya at ang mga palad nito ay marahang humaplos sa likod niya. Napahilig siya sa dibdib nito. Si Art naman ang napabu

