CHAPTER 19

1166 Words

PARA kay Art ay mas gusto niyang ibaon sa limot ang tatlong linggong nanatili siya sa ospital pagkatapos ng aksidente, baldado at inutil. Lalo na pagkatapos ng araw na nakipaghiwalay sa kaniya si Mylene. Sinukuan na niya ang buhay niya sa araw na iyon. Kahit na palagi siyang dinadalaw ng mga kaibigan niya sa Bachelor’s Pad, kahit gaano karaming bulaklak at prutas ang ipadala ng mga kakilala niya sa industriya, ay nawalan siya ng pag-asa na magiging maayos pa ulit ang buhay niya. Pero kung siya ay nawalan na ng pag-asa, napansin ni Art na si Charlene ay hindi. Araw-araw, walang palya ay dumarating ang dalaga sa ospital. Umaga hanggang gabi ay hindi siya nito iniiwan kahit na hindi niya ito kinakausap o tinitingnan man lang. Kahit na kapag pinansin man niya ito ay upang sikmatan lang na um

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD