Maaya's POV Kinuha ko sa bulsa ang cellphone at tinawagan ang kaibigan ko. Mabilis na sinagot ni Stacey ang tawag ko sa kanya. "Hello, Stacey?" Bungad ko. "Yes Aya?" Tanong niya sa sosyal na boses. "Nawawala ako. Hindi ko alam kung nasaan ako." Napapaos kong paalam sa kanya. "What do you mean? I thought you were with Rino. Where are you." Nagtatakang tanong niya. Narinig ko na din ang boses nina Justine, Ericka at Eric sa kabilang linya. Magkakasama sila kaya siguradong pauwi pa lang ang apat na yun. Sinabi ko ang lugar kung saan ako iniwan ni Rino. Hindi binaba ni Stacey ang tawag kaya rinig na rinig ko ang boses nilang lahat na nagtatalo-talo. Ilang minuto ay may kotseng bago na kumikinang pa ang tumigil sa harapan ko, bumukas ang pinto at nakita kong sila ang nasa loob. It was Er

