Annoyed

1406 Words
Maaya's POV   Inabot ni Siera sa akin ang damit kaya napatingin ako doon. Nang tignan ko ito ay isang maliit na short shorts at sleevelessshirt kaya napanganga ako. Hindi na ako nagcomplain kahit hindi ganito ang style ng damit na sinusuot ko.   "Maaya, binigyan ka na ba ng damit ni Siera? Suotin mo na at aalis na kayo." Biglang sumulpot ang daddy ni Siera kaya agad akong ngumiti at tumango.   "Ah! Opo!” Magalang kong usal. Sinimangutan ako ni Siera, ang daddy niya naman ay tumango lang sa akin habang nakangiti.   Pagkababa ko ay nakita ko si Rino doon na nakaupo sa sofa, nasa taas ng tuhod nito ang dalawang siko at nakasiklop ang dalawang palad. Nasa tabi lang nito si Krisha na nanunuod ng spongebob. Umangat ang tingin sa akin ni Rino at ang seryosong titig nito ay napalitan ng kunot na nuo habang nakatingin sa damit ko at parang hindi nagustuhan ang suot kong damit.   "Ingat sa biyahe Maaya." Nakangiting saad ni Krisha sa akin at kinawayan ako bago lumabas.   Pagkalabas ko ay nandun ang mga Tita at Tito ni Rino, nandun din ang mga pinsan niya. Nakaupo lang sila sa checkboard picnic chair at may bilog na lamesa sa harapan nila.   "Bibisita kami sa bahay niyo Rino." Narinig kong usal ng Tita ni Rino   "Bahay niyo? It's only my house Tita Selena." Iritadong tugon ni Rino bago ipaandar ang kotse.   Bumukas na ang napakalaking gate nila at tsaka kami nakalabas ng Hacienda nina Rino. Hanggang ngayon ay parang isang panaginip ang hacienda ng mga Buenavista at Villanueva. Ang laki at napakaganda. Wala akong masabi.   "Ganda ng bahay niyo. Parang palasyo! Hindi mo na kailangang tumira sa syudad, dito pa lang malaki na ang space mo." Usal ko at mabilis siyang sinulyapan na nasa daan lang ang atensyon at tila walang narinig.   "Kaya ka siguro bumukod dahil wala kang privacy kapag nasa inyo ka.” Akusasyon ko at ngumisi.   "I don’t bring women in my house.” Malamig na usal niya. Peki akong tumawa dahilan para saglit siyang sumulyap sa akin. “What’s with the mocking smirk?” Masungit na pagtatanong nito.   "Kung hindi mo sila dinadala sa bahay mo, saan? Sa condo? May condo ka?” Tanong ko nang maalala ang usapan nila ng babae niya sa cellphone, yung tumawag sa kanya na Honey. Hindi siya nakaimik at tikom lamang ang bibig.   "So bakit hindi ka nagdadala ng babae sa bahay mo?” Pangungulit ko sa kanya. Hindi ako naniniwala na wala pa siyang dinala na babae sa bahay niya.   "It’s my privacy. Kapag nalaman yan ng mga babae ko, I’m sure they will gonna bothered me all day long.” He answered arrogantly. Napangiwi lang ako sa kayabangan niya, naniniwala naman ako na marami siyang babae pero hindi na niya kailangang ipagmayabang pa yan. Hindi kasi nakakaproud ipagyabang.   “Weee?” Tukso ko sa kanya na may ngisi sa labi. Kunot nuo niya akong sinulyapan ng mabilis.   “Weirdo.” He mumbled to himself. “Hindi kita pinipilit na maniwala.” He added.   "Ilang taon ka na ba?" Pagbabago ko ng usapan.   "21." maikling nitong sagot.   "Nag-aaral ka pa?” Tanong ko ulit. Curious din ako sa buhay dahil mukhang wala siyang pakialam o problema sa future niya. Marahil siguro ay mayaman kaya hindi na problema ang future career niya.   "Graduating.” Tamad na sagot niya at tamad din ang paghawak sa manibela.   Binuksan ko ang bintana ng kotse dahil tumigil kami sa isang area na parang resort. Pagkababa namin ay nakita ko ang nakasulat na 'Buena Falls' sa taas ng entrance. Falls na ginawan ng hotel? Ngayon lang ako nakakita ng ganito pero maganda at mukhang mamahalin.   "Ano yun Rino? Mukhang may itatayong restaurant dito. Ang ganda naman, may hotel, falls, at restaurant pa na tinatayo.” Manghang usal ko samantalang nakasimangot lang siya habang crossed arms.   "Can you shut up just for a damn minute?” Utos niya na parang isang boss. Napanguso lang ako at umuko ng konti. “It’s not a restaurant, it’s a café.”Sagot niya sa tanong ko. Napatango na lang ako, hindi pa kasi ganun kaayos ang café kaya mapagkakamalan mo talagang restaurant.   Akala ko ay didiretso kami sa loob ng hotel pero tumigil kami sa isang café na hindi pa fully established. Lumapit kami sa isang babae na maikli ang buhok na hanggang balikat, maputi at makinis ang balat. Hindi lang yun, may maipagmamalaki ito sa ganda ng hubog ng katawan niya.   Namilog ang mga mata ko nung hinalikan ito ni Rino sa pisngi. Mabilis kong iniwas ang tingin ko, inaakalang fling niya ang babae pero nung makita ang lalaking nasa tabi nito na busangot ang mukha ay napataas ako ng isang kilay. I will assume that this is her boyfriend, kung makatingin ba naman ay parang tingin ng isang tao na nagseselos.   “Aya, this Heina. Alexander's girlfriend." Napatango ako sa sinabi ni Rino habang nakaawang ng konti ang labi. Girlfriend pala ng pinsan ni Rino.     "Girlfriend siya ni Alexander? Talaga? Akala ko siya ang boyfriend." Ngiting usal ko at tinuro ang lalaki sa tabi ni Heina. Nakita kong natigilan sila sa sinabi ko at saglit na nagtama ang mga mata pero agad ding umiwas sa isa’t isa.   "I'm Jonathan Medina. Her business partner." Seryosong pagpapakilala nito at nilahad ang kamay niya sa harap ko. Pero akmang tatanggapin ko na iyon ng may ngiti sa labi kung hindi lang hinablot ni Rino ang kamay ko at masama akong tinignan.   “He is Ethan’s brother.” Saad ni Rino sa akin tsaka lang binitawan ang kamay ko nung binaba na ni Jonathan ang kamay niya dahil nangalay na siguro na nakalahad sa hangin. Hindi sila magkamukha, Jonathan looks matured and serious, mukha ding mahirap pakisamahan samantalang si Ethan ay palangiti at approachable.     "Taga-syudad ka?" Tanong ni Heina sa akin kaya mabilis akong napatango sa kanya. “This is the first time you bought a girl from the city. Pinakilala mo na sa parents mo? Seryoso na ba yan Rino?” Sunod-sunod na tanong nito na tila isang ate ni Rino. Rino looked at the hotel and ignored her questions.   "Hindi na kami magtatagal at aalis na din.May bibilhin lang kami sa loob saglit." Paalam ni Rino sa dalawa at nagsimula nang maglakad papunta sa loob ng Buena Falls. Mabilisan lang akong nagpaalam sa kanila bago sinundan si Rino.   Pagkatapos naming bumili ni Rino ay bumalik na kami sa loob ng kotse. Hindi siya bumili ng pagkain para sa kanya. He only bought food for me, isang malaking burger, fries at dalawang bottled water ang binili niya.   "Girlfriend pala siya nung Alexander na pinsan mo." Sabi ko habang kumakain.   "Even you're eating you are still noisy." Iritadong usal niya kaya napanguso lang ako at kinagatan ang burger na bili niya.   "Ang arte, dinaig pa ang babae sa kaartehan." Pagkasabi ko nun ay may bigla akong naisip. "Siguro bakla ka noh. Kaya ayaw mong magpakasal dahil beki ka." Tumatawang usal ko habang tikom lang ang kanyang labi na tila naiirita na.   "Don't test my patience Maaya." Seryosong usal nito habang matalim ang titig sa daan. Marahan akong napalunok sa pagsambit niya ng pangalan ko. Don’t test my patience pala ah. Tignan natin kung hanggang saan yang patience mo. Sa tingin mo magiging madali ang buhay mo kasama ako? Lalo na sa pagtanggi mo sa baby mo?!   "Malayo pa ba tayo?" Tanong ko matapos ang mahabang katahimikan.   "Nasaan na ba tayo?" Pangungulit ko ulit at lihim na ngumiti nung makita ang pag-igting ng panga niya sa iritasyon. Wala pang limang segundo ay nagsalita ulit ako.   "Ang init noh?” I said sweetly at him.   "Nagugutom ka ba Rino?" Wala na akong ibang maisip na sabihim kundi ang pagkain. "Ako kasi kanina pa nagugutom." Nakangiting dagdag ko.   "Alam ko na ang kakainin natin!” Halos pasigaw kong usal at bumaling sa kanya, matapos yun ay biglang pumereno siya ng malakad. Muntik na nga akong masubsob sa dashboard kung wala lang seatbelt na suot.   Bumaba siya at pinagbukasan ako ng pinto ng kotse niya. Kahit naguguluhan ay bumaba ako at nagtatakang nililibot ng paningin ang lugar na pinaghintuan namin.     “Ah… Saan tayo kakain dito?” Tanong ko at lumingon sa sasakyan. Napanganga na lang ako at hinabol ang sasakyan ni Rino nung umandar iyun ng napakabilis. Hinihingal akong tumigil hawak ang dalawang tuhod ko habang pinapanuod ang paglayo ng kotse niya.   Halos maiyak ako sa galit dahil sa ginawa niya. Walanghiya! Walang puso! Iniwan niya ako sa gitna ng daan at malapit ng dumilim ang paligid. Nakakaasar! Sinipa ko ang bato at napasingkot sa lamig. Wala ba siyang konsensya? Kung naasar siya sana hindi sa ganitong paraan siya gumanti.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD