Kindness

2290 Words
Maaya's POV     "Honey, sa condo mo ah." Nagulat ako sa pinanggalingan ng boses at narealize ko na sa cellphone pala galing yun dahil nasa ibabaw ito ng higaan at nakaloudspeaker doon. Mabilis niyang kinuha ang cellphone na nasa ibabaw ng malaking higaan niya tsaka may pinindot doon bago nilagay sa tainga niya.   "Yes. In my condo. I'll hang up now." Seryosong saad nito habang titig na titig sa akin.   Nang ibaba na niya ang cellphone nito ay marahan itong tumitingin sa akin habang nakapamaywang siya ng isang kamay sa harapan ko. Dahan-dahan itong lumapit sa akin kaya napalunok ako. Nanatili lang ako sa kinatatayuan ko habang mahigpit na hawak ang doorknob.   "Hinahanap ko yung CR." Mabilis kong depensa sa sarili. Hindi niya pinansin ang sinabi ko at lumapit pa ito. "Akala ko CR ito kaya binuksan ko, hindi ko yun sinasadya. Mukha kasing CR yung kwarto mo." Pagbibiro ko sa kanya pero ang titig nito sa akin ay hindi naglaho.   "Hahanapin ko pa yung CR kaya aalis--" Hindi ko na natapos ang sinasabi sa kanya dahil bigla niya akong hinila at pinasok sa kwarto niya tsaka marahas na sinarado ang pinto.   Akmang aatras na ako pero naramdaman ko ang pader sa likod ko. Nilagay niya ang dalawang kamay nito sa magkabilaang gilid ko para ikulong ako. Ang mga titig nito ay puno ng galit at magkasalubong ang kilay niya. Pero kahit ganun ay hindi ko maipagkakaila na mas lalo lamang na nagiging gwapo ang dating niya sa akin.   "You're so brave to come here in our place." Nag-aalab ang mga mata nito sa iritasyon at mariin ang bawat salitang binitawan.   "Talaga? Salamat." Sarcastic kong tugon dito kaya nang-uuyam na ngumisi siya.   "Ilang ulit ko bang sasabihin sayo. It's. Not. Mine." Marahas akong napabuntong hininga sa sinabi niya.   Hanggang kailan niya ba itatanggi na anak niya ang dinadala ko.   "Kung hindi mo sana ako dinala sa kwarto ng mga gabing yun. Wala sana akong problema!" Pasigaw kong sambit kaya napapikit ito dahil sa sobrang lapit namin. He opened his eyes and licked his lower lip. Napaiwas ako ng titig dahil doon.   "Your voice Aya." It’s not a warning, it was soft and husky. Napantig ang tainga ko dahil sa unang beses niyang pagsambit ng pangalan ko.   "Totoo naman diba?!" Hindi ko siya pinakinggan. Hindi niya ako madadaan sa sweet and husky voice niya.   "Talaga? Kasalanan ko?" Tumatango ako sa tanong niya. "Then why the hell did you moaned while I'm kissing your neck. Kung tumanggi ka sana, walang mangyayari ng gabing yun. I don’t force women." Hindi ko namalayan na tumatango pa din pala ako kaya umiling ako para ibalik sa tamang wisyo ang sarili ko. May kasalanan din ako doon pero mas malaki ang kasalanan niya, in the first place bakit siya manghahalik ng walang pasabi? Diba? Diba?   Ganun ba talaga siya? Hahalikan kung sino ang gusto niya kahit hindi niya kilala?   "Hi-hindi ah. Feeling ka." napatikom ako ng bibig sa pagkautal ko kaya ngumisi siya.   "Yeah right. Try convincing yourself. Kung hindi mo gusto ang nangyari nung gabing iyon, tumigil na sana ako sa paghalik sayo. But f**k! You keep moaning, how can I stop." Nang-aasar nitong saad kaya napatakip na lang ako sa tainga ko. Sigurado akong namumula na ako sa hiya.   Natigil lang si Rino sa pang-aasar sa akin at ngisi sa labi niya nung biglang bumukas ang pinto at dumungaw doon ang pinsan niyang si Dave na mukhang hindi ako napansin.   "Dude, hinahanap ka ni Pony. She texted me, she said that she misses your kissed and touch-- Wow." Napatigil lang ito sa pagsalita nang makita niya ako. Napasipol lang ito habang tinatago ang ngiti sa mga labi. Mas lalo lang akong nahiya at pilit na tinatago ang mukha ko.   "Get out." Mahinang sambit ni Rino habang nakatingin sa akin.   "Oo aalis na. Dapat kanina pa ako aalis kung hindi mo lang hinaharang yang kamay--" Pinutol niya ang sinasabi ko.   "Not you." Mahinang saad niya at bumaling kay Dave. "Get out Dave!"   Tinagilid ni Dave ang ulo niya at pinakita ang cellphone na hawak kay Rino.   "Anong sasabihin ko kay Pony? Minsan ka lang umuwi dito kaya kinukulit niya ako ngayon." Si Dave habang nakangisi, hindi na niya maitago ang ngiti nito sa labi.   "Tell her I have an important business right now." Seryosong usal ni Rino habang nakatingin sa akin kaya agad naman akong napaiwas.   "Napakaimportante nga. Ge." Natatawang sabi ni Dave at sinara na ang pintuan.   Napasinghap naman ako nang naramdaman ko ang hininga ni Rino sa leeg ko nang bumaling siya sa akin matapos umalis ni Dave. Nilayo ko ng konti ang mukha ko dito habang umiiwas ng tingin.   "Ano ba Rino! Magpapalit pa ako ng damit." Pinilit kong mainis sa kanya para mapawi ang kabang nararamdaman. Kung inaasar niya lang ako ay hindi na nakakatuwa.   "Gusto mo ako na magpalit sayo?" Bulong niya at nung makita ang reaksyon ko na namilog ang mga mata at namula ang pisngi ay humagalpak na siya sa tawa.   Tinulak ko siya palayo sa akin at inayos ang damit na dala. Saglit niyang tinignan ang hawak kong damit at may kinuha sa walk-in close niya. Bumalik siya at binato niya sa akin ang black cycling na hindi ko alam kung saan galing.   "That dress is too short. Wear that." Tinuro niya sa akin ang isang pintuan na puti na nasa loob ng kuwarto niya. "That's the restroom. Every room have their own bathroom, the main bathroom is located on the first and third floor.” Pagpapaliwanag niya.   Nagmamadali akong pumasok sa CR at agad itong sinarado. Napahawak ako sa dibdib ko, hindi ko talaga matatagalan ang ugali ni Rino. Pakiramdam ko ay lagi siyang may masamang balak sa akin.   Pagkabukas ko ng pintuan ay wala na sa loob ng kwarto si Rino kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na ilibot ang tingin ko sa kabuuan ng kwarto niya. Sobrang laki ng kwarto niya, sigurado ako na kasya dito ang isang pamilya niya sa laki nito. Plain black and white lang ang disenyo ng kwarto niya hindi katulad kay Siera na ang daming designs at mukhang rainbow na sa daming gamit.   Pagkababa ko ay pumunta kami sa kitchen nila para kumain ng dinner. Nagsisimula na silang kumain, tinapik ni Rino ang upuan sa tabi niya habang nakatingin sa akin kaya agad na akong umupo sa tabi niya.   "Did you wear cycling?" Bulong nito sa akin. Hindi ko alam pero biglang uminit ang pisngi ko. Kailangan pa ba niyang tanungin iyon? Imbes na sagutin siya ay inirapan ko na lang ito. Dress kasi ang binigay ni Siera sa akin at hindi niya ako binigyan ng cycling.   "So Maaya and Rino. Nakapagdecide na ba kayo kung saan kayo titira?" Biglang tanong ng daddy ni Rino kaya napaubo ako. Agad naman akong binigyan ng tubig ni Krisha na katabi ko lang.   "They're going to live in one house Daddy?" Hindi makapaniwalang tanong ni Siera kaya napawi ang katahimikan sa lamesa.   "Don't talk to me in that way Siera." Warning ng daddy ni Rino.   "Kailangan pa po ba yun?" Mahinang tanong ko kaya nabaling sa akin ang tingin ng daddy niya at agad naman akong bumaling sa plato ko. Ginalaw ko ang pagkain na nasa harap ko para iwasan ang mga titig ng daddy ni Rino.   "We already decide about it. We are going to live in my house." Seryosong sabat naman ni Rino bago isubo ang steak. Napalunok ako sa sinabi niya. A-anooo?!   "Bakit hindi kayo dito tumayo ng bahay Severino. Para mas malapit sa amin." Suggestion nung tita ni Rino na Selena yata ang pangalan.   "That's right son. Kung gusto niyo ay dito na lang sa Hacienda." Sang-ayon pa ng mommy nito. Nakasimnagot na ako ngayon sa isip ko. Why are they deciding without asking me?   "Aya is studying. Hindi niya pweding iwan yun." Simpleng sagot ni Rino kaya napatango naman sila habang si Siera ay masama ang tingin sa akin kaya nginitian ko na lang siya ng peki at inirapan ako.   "Kung ganun ay mapapadalas kami sa pagdalaw doon." Saad ng tito ni Rino. Napahinto ng ilang segundo si Rino bago tumango ng marahan na para bang labag sa loob niya pa iyon.       Kasama ko ngayon si Krisha habang hinahanap namin ang guest room na tutulugan ko, nasa tabi naman niya si Siera na kanina pa nakasimangot. Hindi ko alam kung bakit siya sumama sa amin kahit na si Krisha lang naman ang pinasama ko.   "Aya!" Narinig ko ang tawag ni Rino sa akin kaya humarap ako dito. "Where are you going?" Kunot-nuong tanong nito.   "Matutulog." Nagtatakang sagot ko kaya mas lalo siyang napakunot ng nuo.   "You're going to sleep in my room Aya." Napanganga ako sa sinabi niya. Seryoso ba siya? Nakita ko ang pag-iling ni Siera habang nakacrossed arms.   Bago pa ako makasagot ay hinila niya na ako papasok sa kwarto niya. Marahas akong tumingin sa kanya pero umupo lang ito sa kama habang hawak ang cellphone niya at doon na naman nakapukos ang atensyon.   "Bakit mo ba ako dinala dito. Diba sabi ko naman sayo na ayokong matulog sa kwarto mo." Nanatili ako sa kinatatayuan ko. Parang wala siyang narinig sa mga sinabi ko at nasa cellphone pa din ang tingin. He is texting.   "Ano ba! Oo ang dami kong kausap dito. Bakit ba ayaw mo akong patulugin sa guest room? Alam ko naman na masyadong maluwag 'tong kama para sa atin pero hindi ako papayag na magkatabi tayong matulog." Natigil ako sa pagdadabog nung nilagay niya ang cellphone sa tabi niya at tumayo kaya napaangat akong tingin sa kanya dahil sobrang tangkad nito.   "Will you shut up? Sino ba ang may sabi na magkatabi tayong matutulog?" Inis na tanong nito.   "Gusto mo pala akong tumahimik sana hinayaan mo na lang akong matulog sa guest room para maging tahimik ‘tong kwarto mong mukhang sementeryo." Mahinang bulong ko sa sarili pero dahil kaming dalawa lang naman ang nandito ay narinig niya yun.   "f**k that guest room. Did you hear me Aya?! Shut up. We're not going to sleep in one bed." Matigas na saad nito at hinilot ang sentido ng ilong niya. "Si Daddy ang nagsabi na dito ka matulog, sa tingin mo ba gusto kitang nandito at nakikita?" Iritadong dagdag nito habang nakaupo sa sofa.   Humiga na ako sa kama ni Rino para matulog pero halos mapatili ako ng hilahin ako ni Rino paalis ng kama niya. Kumuha siya ng isang unan at kumot tsaka binato sa akin.   "This is my bed Aya. Doon ka sa sofa. Now that's equal." Nang-aasar na saad nito at humiga sa malambot na higaan.   Simangot akong nakatayo sa harap niya habang hawak ang unan na binato nito sa akin. Grabe, ang gentleman niya ah. Sobraaa! Masama ko siyang tinignan, kung pwedi ko lang siyang masapak ngayon ay gagawin ko. He is busy on his cellphone.   "Wala ka bang pakialam sa baby na nasa tiyan ko? Paano kung mahirapan ako sa pagtulog? Diba kapag buntis dapat mahaba ang tulog at komportable ako sa tinutulugan ko? Paano kapag nakunan ako dahil sa kasakiman mo?!" Alam kong OA yung makunan thingy pero malay niyo maniwala at ako ang patulugin sa kama niya. Tsaka baka makunsensya siya sa mga ginagawa niya at magiging mabait na sa akin.   "So? Wala pa namang proof na anak ko yan. It means that I don't f*****g care. So please sleep Aya. Ang ingay mo." Inis nitong sambit kaya napanganga na lang ako sa sinabi niya.   Kainis siya ah. Ang sama nito magsalita. Ito ang tatandaan mo Rino nasa akin ang huling halakhak at kapag lumabas na ang DNA test ay ako ang unang tatawa sa magiging reaksyon mo. Nang makaupo na ako sa sofa ay biglang nagvibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko ito tsaka sinagot ang tawag ni Stacey.   "Asan kayo ngayon Stacey?" Bungad ko sa kanila kaagad. Ganyan ang magkakaibigang tunay, wala ng Hi o Hello.    "Nasa resort kami Aya. Tulog na sila at kasama ko ngayon si Stacey." Rinig kong saad ni Eric sa kabilang linya.   Saglit akong natigilan doon. Silang dalawa magkamasa? Hindi ako naniniwala! Tsaka anong nangyari at si Eric ang may hawak ng cellphone ni Stacey? Pero hindi ko na ito pinansin pa.   "Okay lang ba kayo? Susunduin niyo ba ako bukas?" Tanong ko   "Hindi. Dinala sa lungsod ang kotse ko, sa bus kami sasakay pauwi bukas. I think you are going with Rino.” Seryosong usal niya.   "Ano?! Eric naman eh! Ayoko!" Hindi ko mapigilan na magdabog. Nakasimangot na ako ngayon. Nagulat ako sa biglang pagbato sa akin ng unan at tumama pa ito sa balikat ko. Hindi naman masakit kasi malambot yung unan pero nakakainis pa din yun.   "Hoy! Problema mo?! Ba't bigla kang nambabato?! Inaano ba kita?" Galit kong sigaw dito.   "Ang ingay mo. Stop flirting and go to sleep. I can't sleep because of your damn loud voice." Iritado na saad nito at inirapan ko na lang siya kahit na alam kong hindi niya naman ako nakikita. Hindi daw siya makatulog, panay kasi ang cellphone kaya ganun. Hindi niya ata alam ang salitang gentleman. Nagpaalam na lang ako kay Eric at binaba na ang tawag.    Nagising ako sa ingay ng cellphone ni Rino. Bumangon na ako at tumingin sa higaan niya pero wala na siya doon. Lumapit ako sa higaan at tinignan ang cellphone nito. Nakita ko ang pangalan ng caller na Gina, sino naman kaya yan? Isa na naman sa mga kafling niya?   "Magbihis ka na." Napatalon ako sa gulat at lumingon kay Rino na kakapasok pa lang. Kumuha siya ng iilang damit at nilagay sa bag niya. Medyo antok pa ako ng lumapit sa kanya.   "Bakit? Aalis na ba agad? Maaga pa tsaka hindi pa ako nakaayos.” Saad ko.   "It's your fault loudmouth. You woke up late." Seryosong sambit nito at kinuha ang cellphone niya na nasa higaan tsaka ito nilagay sa bag.   “Sana ginising mo man lang ako.” Bulong ko.   "You're just pregnant Aya, not a kid para gisingin pa. It's your responsibility." Saad niya na parang naiinis pa, lumabas siya ng kwarto dala ang isang bag nito kaya agad din naman akong lumabas para sundan ang lalaking yun.                                  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD