Meeting The Family

2570 Words
  Maaya's POV   Walang bahid na ngiti kahit isa sa kanila matapos kong sabihin ang rason ng pagpunta ko dito. Nakita ko ang pagsulyap nila sa tummy ko kaya agad ko naman itong hinawakan. Lumapit sa akin ang isang babae na nasa mid's 40 yata. Nasa bahay lang sila pero ang mga kasuotan nila ay napakarangya at napakakinang. Punong-puno ng alahas ang kamay at leeg nito.   "You're pregnant?" Pormal nitong tanong kaya napayuko ako.   "O-opo.." Tumatango kong saad pero walang reaksyon ang mukha nito.   "Are you really sure na buntis ka?" Tanong ng isang babae din na nasa 40 pataas din yata ang edad.   "Opo. Nagpapregnancy tests na po ako. Dalawang beses.” Magalang na sagot ko   "Parang mali yata ang tanong mo Tita Marie, sure ka ba na si kuya ang ama ng batang dinadala mo?" Mataray saad ng babae na petite ang pangangatawan, may kahabaan ang buhok na may pagkakulot sa dulo at maganda. Tinawag niyang kuya si Rino, kung magkapatid sila ay magkaugali silang dalawa. Napawi ang ngiti ko at naging seryoso na ang mukha.   "Karapatan ni Rino at ninyo na malaman ang tungkol sa baby, yun lang naman po ang pinunta ko dito. Aalis na po ako.” Magalang na usal ko sa kanila. Sinabi ko lang ang tunay na sadya ko, medyo naoffend sa sinabi ng dalagang babae.   "Siera, stop it." Saway ng isang babae na kaedad lang yata nung Siera na kapatid ni Rino. Maamo ang mukha niya at mukhang mabait kumapara sa kapatid ni Rino.   "Why would I. Ikamamatay niya ba ang mga sinabi ko sa kanya?" Lantaran na usal nung Siera. Gusto ko siyang simangutan pero hindi ko magawa dahil nandito ang pamilya niya. Hindi ko naman inakala na ganito pala kalaki ang pamilya ni Rino.   "Siera!" The woman said in a warned tone.   "But mom, what if she's a gold digger. Karamihan naman ng babae ni Kuya ay ganun ang habol diba? Siya lang naman itong naglakas ng loob na pumunta pa dito." Rinig kong depensa ni Siera.   "Mukha ba akong miner?" Pabulong kong tanong sa sarili kaya napatingin sila sa akin. Nahihiyang umiwas na lang ako ng tingin. Okaaaay. Mukhang malakas ang pandinig nila.   "Iha. Did you already told Rino about the baby?" Tanong ng tinawag na mom ni Siera sa akin.   "Opo. Pero hindi siya naniniwala.” Mahinang sambit ko at lumiit ang boses ko.   "What is happening here?" Napalingon ako sa kakadating pa lang na lalaking kamukhang kamukha ni Rino, kung hindi ako nagkakamali ay ito siguro ang Daddy niya. May kasama itong dalawang lalaki na nakaformal attire din, pare-pareho silang gwapo. Malamang, galing sa angkan ng magaganda at gwapo.    "Sinong buntis?" Seryosong tanong ng isang lalaki na kaedad ko lang siguro.   "Lady, are you pregnant? Who's the father of your baby?" Mariing tanong ng Daddy ni Rino na mukhang nakatunog na sa mga nangyayari ngayon. Ngayon ay kinakabahan na ako, parang umatras bigla ang dila ko. Nakakaintimidate ang titig at presence nito.   Sasagot na sana ako pero mas nagulat ako sa bagong dating na si Rino at pumasok ng bahay na parang walang tao doon at lumapit sa akin.   "Ang tapang mo talaga para pumunta dito. Are f*****g out of your mind?" Galit na pabulong nito at hinigit ang braso ko, aalis na sana kami pero hindi na natuloy dahil sa isang sigaw.   "Severino Third Buenavista! Stay here." Galit na saad ng daddy niya. Napasipol na lang ang binatang katabi ng daddy niya. Wow! Full name.   "I'm asking you, are you pregnant?" Bumaling na sa akin ang dad niya kaya nanginginig akong tumatango. Bakit parang sa akin siya galit? Diba dapat kay Rino? Ayokooo na, nakakatakot siya. "Answer me!" He demanded na parang hindi nakita ang pagtango ko sa kanya.   "O-opo. Pero hindi ko naman pinipilit si Rino na akuin ang baby. Hindi po problema ang dinala ko dito, gusto ko lang sabihin sa inyo ang totoo dahil karapatan niyo din pong malaman.” Kinakabahang saad ko. Hindi na tuwid ang pagkakasabi ko dahil sa kaba.   "This is a big humiliation in our family Severino. Do you even know what trouble you’ve done and its consequences?" His dad said furious and mad. Hinarap ako ng Dad niya. “And you are expecting that my son is not going to accept the baby?” Dagdag nito sa akin. Hindi nga niya kayang maniwala na baby niya ito tapos aakuin pa? “Take responsibility to your baby, Severino!" pagkasabi nun ng Daddy niya ay marahas na napatingin dito si Rino.   "Why would I. It's not mine!" Napantig ang tainga ko sa sinabi niya dahil sa kahihiyan. Mas nakakahiya palang itanggi sa harap ng ibang tao.   Akala ko nung una ay nagmamaang-maangan lang siya para makatakas sa responsibilidad niya pero ngayon masasabi ko na talagang hindi siya naniniwala na siya ang ama ng batang dinadala ko.   "Panagutan mo ang bata Severino, malaking gulo itong pinasok mo. This family is full of politicians you know how much I treasured my reputation at sisirain mo lang ito? MARRY HER!" Sumalubong bigla ang kilay ni Rino dahil sa sinabi ng daddy niya. Namilog ang mga mata ko at parang kinapos ako sa hangin. Parang nabilaukan ako ng sarili kong laway.   "Si-sir. Parang sobrang serious naman. Marry her agad? Hindi naman po pwedi yun, bukod sa nag-aaral pa po ako ay wala pa sa isip ko ang pag-aasawa." Sambit ko sa daddy ni Rino at alanganin na ngumiti. Kahit gwapo, mayaman at almost perfect na si Rino ay hindi pa din ako papayag. Marami pa akong gustong gawin sa buhay ng mag-ISA. Tsaka masama ugali niya.   "Are you freaking out of your mind? Ayoko ngang magcommit tapos ipapakasal mo ako? Damn it!" Sigaw ni Rino sa daddy niya kaya napatalon ako sa gulat pero hindi ito pinansin ng daddy niya at umupo sa malaking sofa nila at nilahad ang kamay nito na parang sinasabing maupo kami.   "Let's talk about this." Naging kalmado na ang tuno ng pananalita ng daddy ni Rino pero mukhang si Rino naman ang naging halimaw ngayon. Okaaay, ayaw niyang mapakasal sa akin. Well... wag siyang feeling, ganun din ako.    Umupo sila sa sofa maliban kay Rino kaya wala akong nagawa at umupo na din ako. Maya-maya ay umupo na din si Rino sa tabi ko, katulad ko wala din siyang nagawa dahil lahat kami nakaupo. Pwera na lang kung gusto niya pa talagang magpatangkad.    "Sevier, anong meron dito?" Napalingon ako sa kakadating ng isang babaeng may katandaan na din na kasing edad lang yata ng Daddy ni Rino kasama ang asawa nito at isang lalaking mas matanda yata sa akin sa ilang taon lang.   "Umupo muna kayo. Nagkaroon lang ng problemang ginawa si Severino." Sagot ng daddy ni Rino at matalim na tingin ang binaling sa anak niya na nasa tabi ko.   Nakita ko na tinignan nila ako bago umupo. Naging mapanuri ang bawat titig nila sa akin.   "Crazy girl. This is all your fault." Narinig kong bulong ni Rino kaya nilingon ko siya. Ngayon alam ko na kung bakit gusto niya akong pigilan na pumunta dito, kung alam ko lang sana ay hindi na ako tumuloy.   "Anong problema ba ang nangyari Kuya Sevier?" Tanong ng babae na mukhang tita ni Rino. Okaaaay. Bakit padami yata ng padami ang pamilya ni Rino? Baka mamaya niyan may dumating pa tapos mag-eexplain na naman ulit kung anong problema.    "Nakabuntis si Rino, Selena." Problemadong sabi ng Daddy ni Rino doon sa babaeng bagong dating.   “Oh my!” Gulat na usal nito at tinitigan ako.   "What's your name young lady?" Pormal ba tanong ng daddy ni Rino   "Maaya Rinera ho." Magalang kong sagot.   "I am Sevier Buenavista, this is my wife Amanda Buenavista and our daughter Siera. Of course you know Severino, the guy who got you pregnant." Tumango naman ako sa sinabi ng daddy ni Rino. Tinanguan lang ako ng mommy niya pero hindi ako pinansin o sinulyapan man lang nung kapatid ni Rino.   "I'm Marco Buenavista, anak ni Jordan Buenavista na kapatid ni Tito Sevier. This is my brother Dave and my sister Krisha." Nginitian ko lang sila. Silang dalawa ang lalaking kasama ni Mr. Sevier kanina na nakabusiness suit. Yung Marco at Dave ay mukhang hindi nalalayo ang edad sa isa’t isa. They are both good looking, mas maangas lang ang dating ni Marco kaysa kay Dave na mukhang friendly.   "I'm Selena Buenavista-Villanueva, ito naman ang asawa ko si Eliot Villanueva at ang anak kong si Alexander." Sila yung pamilyang kadadating pa lang, napatingin ako sa babaeng katabi ni Siera, Krisha pala ang pangalan nung babaeng maamo ang mukha.   Ngayon ay kilala ko na ang buong angkan nila. Kaya naman pala tatlo ang hacienda dahil sa dami nila, pero sa tingin ko na ayos na ang iisang hacienda sa kanila, ang tatlo ay masyadong malaki na. Mukhang mababait naman sila pero hindi pa din maiiwasan ang mga mapanghusga at mapanuring titig nila sa akin. Lalo na yung Siera na kapatid ni Rino.   "Now let's discuss the baby." Pagkasabi nun ng daddy ni Rino ay napaayos ako ng upo samantalang si Rino naman ay nakacrossed arms lang na parang tinatamad at hindi interesado sa pagtitipon na 'to.   "Why are you forcing them to marry each other?" Sabat ni Siera kaya napanguso ako.   "No one is forcing them Siera. It's their responsibility. Hindi pweding lumaki ang bata na hindi buo ang pamilya niya." Napatahimik na lang si Siera sa sinabi ng daddy niya at parang wala na siyang maidadahilan pa. Kahit ako ay natamaan sa sinabi ni Mr. Sevier, parang naguilty ako bigla.   "How can we be sure na anak ko yan?" Tanong naman ni Rino kaya napairap ako. Hindi tayo maalis-alis sa topic na yan.   "Dapat alam mo yan Severino." Aniya nung Tita Selena niya.   "Trust me Mom. Hindi niya talaga yan malalaman. He's the ultimate womanizer in the family." Sabi naman nung Alexander na tumatawa. Siya ang pinakamatanda kina Dave, Marco at Rino. Siya din ang mukhang pinakamatino sa kanila.   "Then, let's do the DNA test." Saad naman ni Dave at tipid na ngumiti.   "Is that even possible?" Tanong nung Marco sa kapatid niya.   "Yeah. But It depends on the week of pregnancy. Ang alam ko ay ang dugo at tissue ang kukunin for the DNA test. That's all I know." Sabi nung Dave kaya napatango naman ang kapatid nito habang nasa baba ang index finger niya. Hindi lang sila basta may itsura at mayamang pamilya kundi puno din ng katalinuhan.   "Gumawa tayo ng set-up kung ganun." Napatingin ako sa daddy ni Rino   "What set-up Tito?" Tanong ni Krisha   "Pag naging positive ang DNA test result. Marry her Severino." Nang sumulyap ako kay Rino ay walang expression ang mukha nito tila may malalim na iniisip.   "Then It's a deal." Gulat akong napatingin kay Rino. Hindi pwedi! Bakit siya pumayag? Sigurado ako na ipapakasal kami nito dahil talagang positive ang DNA result kapag nagkataon.   “Hindi po ako sang-ayon diyan.” Natahimik sila sa pagsalita ko.   "Hindi din ako papayag na sirain niyo ang reputasyon ng pamilyang ito. Kaya ngayon ay simulan niyo ng matutunan na magustuhan ang isa't isa." Mariing sambit ng daddy ni Rino na para bang sinasabi na wala ng makapagbabago ng desisyon niya. Napanganga ako doon, hindi niya man lang hinayan akong mag-explain.    Umakyat na ito sa malaking hagdanan nila pataas. Ngayon ko lang natuonan ng pansin kung gaano pati kaganda ng hagdanan nila.   "Maaya right? Dito ka na matulog." Pagod na saad ng mommy ni Rino, siguro ay namumuroblema ito sa mga nangyari ngayon.   "Hindi na po, kasama ko din naman yung mga kaibigan ko." Pagtatanggi ko sa mommy ni Rino at nginitian siya.   "You're staying here for the night Maaya. Yung mga kaibigan mo ay nasa rest house na ng mga Villanueva para doon magpalipas ng gabi." Seryosong sambit nito kaya tumango na lang ako.    Nakita kong hila-hila naman ni Krisha ang kapatid ni Rino na si Siera palayo sa amin, hindi rin nakatakas sa akin ang pagtataray ni Siera.   "Dad, babalik muna ako sa kompanya. May naiwan akong files, uuwi din ako agad." Sabi nung  Alexander. Nakabusiness suit pa ito.   Napatingin naman ako sa katabi ko na seryoso lang habang hawak ang cellphone niya. Kanina pa talaga ako naiinis dito eh, parang walang pakialam sa mga nangyayari. Nagulat na lang ako sa biglang pagbalik ni Siera sa harap ko at nasa likod naman nito si Krisha na nakapout. Ang mommy naman niya ay kausap ang mga kapatid ng daddy ni Rino.   "I'm sure you're not going to sleep with my kuya's room diba?" Mataray nitong saad kaya napasulyap naman sa amin ang mommy niya.   Yuck! Eeew! Never na akong tatabi sa higaan ng manyak na womanizer na yan. As if namang gagawin ko yun. Sasagot na sana ako pero naunahan na ako ni Rino.   "She's going to sleep in my room spoiled brat." Tamad na usal ni Rino pero ang atensyon nito ay nasa cellphone niya lang.   "Hindi ako matutulog sa kwarto mo. Sigurado akong may guest room dito. Sa laki ba naman ng bahay niyo." Reklamo ko kay Rino.   "Tss.” Yun lang ang naging tugon niya.   "Siera, give something Maaya to wear." Utos ng daddy ni Rino na kababa lang at bagong palit ang damit. Wala na ang suot nitong suit kanina.   "What?! Hindi magkakasya ang mga damit ko sa kanya. Masyado siyang mataba." Pinigilan ko na wag irapan si Siera dahil sa panlalait nito, nandito pa naman ang daddy niya. Alam ko na mas petite ka nga kaysa sa akin pero hindi ako mataba.    "Bibigyan mo ba siya ng damit na masusuot o ipapalabas pa kita para bumili doon?" Mas lalong nainis si Siera sa ma-awtoridad na boses ng daddy niya kaya padabog siyang umakyat sa kwarto niya at walang nagawa.   “Puwedi naman iutos sa maid na bumili sa labas.” Nagdadabog na bulong ni Siera bago makaalis.   "Samahan na kita sa kwarto ni Siera." Nahihiyang saad ni Krisha sa akin kaya napangiti na lang ako at tumango.   Sumunod ako sa kanya paakyat sa hagdanan nila. Bawat sulok ay tinititigan ko dahil sa ganda ng bawat disenyo ng bahay nila. Kung ako lang ang masusunod ay gusto ko ng ganitong bahay, pero sigurado din ako na napakalaking halaga ng ginastos dito.   "Ganun talaga si Siera. Lalo na kung hindi ka pa niya lubusang kilala, hindi kasi siya yung tipo na basta-basta na lang nagtitiwala." Kuwento nito pero tinunguan ko lang siya.   Hindi naman ako intresado at wala akong pakialam sa kanya, kahit sa buong pamilya niya. Nandito lang ako para sa baby at pagkatapos nun ay wala na. Hindi rin ako papayag na ipakasal kay Rino, hindi nila pweding diktahan ang buhay ko. Kung ganun dito sa pamilya nila, ibahin niya ako. Ibang pamilya ang kinalakihan ko.   "Dito yung kwarto ni Siera." Huminto kami sa harap ng isang pintuan. "Halos lahat ng kwarto dito ay pareho ang mga pinto, sa dami ng kwarto dito ay maguguluhan ka talaga kung baguhan ka pa lang." Dagdag niya at binuksan ang pintuan ng kwarto nito. Bumungad sa akin ang kulay pink na pader, higaan, mga stuff toys at iba pang kagamitan.   Nakita namin si Siera na nakasimangot na humahalungkat sa mga damit niya. Nang makahanap na siyang damit na para sa akin ay pagalit niya itong binato sa malaking higaan niya at tahimik na lumabas ng kwarto.   Lumabas na din ako ng kwarto ni Siera para magpalit, arang umikot ang mundo ko sa sobrang dami ng mga pinto na nandito. Teka, saan ba ang CR dito. Mukhang maliligaw pa yata ako. Tinignan ko ang pintuan na nasa harap ng kwarto ni Siera, kailangan ko na sigurong simulan ito ng paisa-isa.   Binuksan ko ang pangalawang pintuan na nasa harap ng kwarto ni Siera at bumungad sa akin ang nagbibihis na si Rino, napanganga ako habang sinusuot niya ang t-shirt nito. Mukhang maling kuwarto ang nabuksan ko.                                                                            
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD