No Other Place

2373 Words
Maaya's POV Muli kong tinignan sina Ericka at Eric na nasa loob ng kotse bago ako bumaling ulit sa malaking bahay na nasa harap ko. Katulad ng bahay ni Ethan ay napakalaki din ng bahay na 'to. Sobrang ganda ng landscape. Kagagaling pa lang namin sa bahay ni Ethan bago dumiretso dito para kunin ang address ni Rino. This is all Eric’s idea. Dahan-dahan akong lumapit sa malaking gate at nagsimulang pindutin ang doorbell. Tatlong beses ko itong pinindot at kusa ng bumukas ang gate. Napalunok ako dahil sa sobrang ganda ng bahay niya. Nagsimula na akong pumasok sa loob ng gate at bago pa ako makakatok sa malaking pintuan nito ay bumukas na ito at bumungad sa akin si Rino na nakaboxer lang habang nakahilig ang isang kamay sa gilid ng pintuan at ang isa naman ay nakahawak sa doorknob. His abs are exposed in my eyes, literally exposed! Marahan akong napalunok sa nakita ko. Get back to your senses Aya! "You again." Seryosong saad nito at tamad na kinuha ang t-shirt na puti na nasa balikat niya. Mukhang inaasahan na niya ang pagpunta ko dito. Baka naman sinabi na sa kanya ng magaling niyang kaibigan na si Ethan. Medyo napatulala ako saglit pero agad din naman akong nakabawi sa pagkalatulala ng hinila niya ako at pinapasok sa loob ng bahay niya. Mabilis niyang sinara ang pinto. Bigla na naman akong kinabahan ng nilagay niya ang isang kamay nito sa gilid ko at kinulong niya ako. Ang seryoso at gwapo niyang mukha ay nilapit sa akin. Biglang tumigil ang mundo ko, kahit oras ay parang tumigil. Wala akong ibang nakikita at yun ay ang mukha niya lang na napakagwapo. His brown captivative eyes, his pointed nose, how he clenched his jaw and his red lips. Paano nagkaroon ng ganitong ka-perfect na lalaki. Gusto kong humanap ng maipipintas sa kanya dahil parang impossible naman ang isang katulad niya sa mundo. Kung ganun totoo talaga na guwapo siya nung gabing yun? Akala ko naghahallucinate lang ako dahil lasing ako pero mas dumoble yata ang kaguwapuhan niya ngayong nasa tamang wisyo na ako. I blinked twice when I saw he licked his red lips. Ngumisi lang siya sa reaction ko sa mga bawat galaw niya kaya napayuko ako para iwasan ang malalim na tingin nito sa akin. "You like me kaya ka laging nakasunod sa akin." Paratang niya at sarcastic na tumawa. Matapang ko siyang tinignan. Yes he's handsome but there's no possibility na magugustuhan ko siya, lalo na ang ugali niyang napakayabang. I hate him! Siya ang dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng 'to sa akin. Although alam ko na may mali ako dahil hindi niya ako pinilit pero para sa akin mas malaki ang kamalian niya! "Napakayabang mo naman pala eh." Mariin kong saad at tinulak siya tsaka lumayo ng konti sa kanya at matapang siyang hinarap nung medyo malayo na ng konti ang distansya namin. “Magkalinawan na tayo. Hindi ako stalker at wala akong gusto sayo. Hindi kita kilala. Period!” Nanunukso niya akong tinignan na para bang hindi naniniwala sa mga sinabi ko. Umupo siya sa mahabang sofa at crossed arms na nakatingin sa akin. Hindi niya ako nilubayan ng titig at may ngisi sa labi niya habang pinapanuod ako na parang isang alipin niya. “Rino diba?” I started, trying to have a formal and clear conversation with him. “Last month, Friday night. Mga 10 PM na nun nung pumasok ako sa second floor, dinala mo ako sa kuwarto para magCR hanggang sa may biglang kumatok na babae at nung buksan niya ang pinto ay hinalikan mo ako!” He bit his lower lip and glanced on the table, malalim siyang nag-iisip kaya lumiwanag ang mukha ko at nagkaroon ng pag-asa. “Naalala mo na? May nangyari sa atin at… buntis ako ngayon.” Lumiit ang boses ko sa huling salitang binitawan. Tumayo siya at lumapit ng konti sa akin. "Then prove it. Give me enough proof that it is my child." Seryoso na ang mukha niya at wala ng ngisi sa labi. Napatahimik ako sa sinabi niya at napasimangot. Bakit hindi ba siya naniniwala sa akin? Anong proof naman ang gusto niya, mahirap ang hinihingi nito. "Yung nangyari sa atin ng gabing yun, isn't that enough proof na anak mo ito?" Nahihirapang tanong ko sa kanya. "Hindi ako ang ama niyan. Now get out!" Mariin nitong sambit and he clenched his jaw while looking at me but he still remains calm. "Fine! Aalis ako. Kung hindi mo kayang maniwala sa akin, sa pamilya mo ako lalapit." Pananakot ko sa kanya at agad siyang tinalikuran. Hah! Anong akala mo sa akin? "Then go! They won't believe you." Rinig kong habol sigaw nito bago ako malabas ng gate nila. Pagkalabas na pagkalabas ko ay binato ko ang kotse niya na kulay itim na nasa garahe nito. Ang yabang-yabang mo, wala kang puso. Wala ka man lang pakialam sa magiging anak mo. Nagmartsa ako pabalik ng kotse ni Eric at pumasok doon tsaka malakas na sinarado ang pinto ng kotse niya na ikinagulat naman nilang dalawa. Wala silang imikan habang nagbibiyahe kami papunta sa kanila. Alam kong alam na nila ang nangyari, base sa sigawan pa lang namin na sigurado akong rinig na rinig sa labas ng bahay ni Rino. Sa isang mamahaling hotel kami tumigil. "Dito ka muna magstay, alam mo naman na strict si dad. Isang gabi ka lang naman dito." Mahinang saad ni Ericka kaya napatahimik na naman ako. "I already paid the bills so you have nothing to worry about. Maaga tayong aalis, we're going to the Villanueva, binigay din naman ni Ethan ang addres kaya wala ng problema." Sabi ni Eric at may kinuha sa loob ng kotse. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa namin pumunta sa pamilya ng lalaking yun. Uulitin ko, this is all Eric’s idea. Kung ako lang ay mas gugustuhin ko pang tahimik na mabuhay kasama ang baby ko. Inabot ni Eric ang kinuha nito sa loob ng kotse niya kay Ericka at binigay naman sa akin ni Ericka ang isang pink plain dress na mukhang mamahalin. Tinignan ko sila. "Bakit kailangan kong magsuot ng ganitong damit? Sa pamilya lang naman ni Rino tayo pupunta, hindi sa isang party." Narinig ko ang marahas na pagbuntong hininga ni Eric at kinuha ang damit kay Ericka tsaka lumapit sa akin. "You must look presentable when you meet his family. They are politician Aya, they are one of the richest family in the Philippines. Mamaliitin ka nila kung hindi mo aayusin ang sarili mo." kumbinsi ni Eric sa akin at tinaas niya ang dress pero marahan ko itong tinulak pabalik sa kanya. "Hindi ko kailangan magpanggap Eric. Wala akong pakialam kung hindi nila ako magustuhan, pupunta ako doon para sabihin sa kanila ang batang dinadala ko. Not to impressed them. Kapag nasabi ko na ay aalis na ako tulad ng gusto mo." Pagkasabi ko nun ay walang nagawa si Eric. Agad na akong pumasok sa loob ng hotel at pumunta sa kuwarto ko. I already told my parents about my situation, at tulad ng inaasahan ko ay nagalit nga sila. They want me to live my life on my own, I think this serves as a punishment for me. Alam ko na galit lang sila kaya nagawa nila akong paalisin at hindi ko sila masisisi doon. Nang makapasok kami sa Villanueva ay nakita ko agad ang ganda ng mga tanawin dito. Maganda sigurong tumira dito, parang nagbabakasyon ka lang kasi. Sumama silang lahat sa akin kaya nandito kami sa loob ng kotse. "Saan naman kaya natin hahanapin 'tong bahay na 'to? Eric alam mo ba kung saan ito?" Tanong ni Ericka at pinakita sa katabi niyang si Eric pero hindi pa nga ito sinusulyapan ni Eric ay umiling na siya. "Magdali lang yan. Magtatanong tayo." Suggestion ko Tumigil naman si Eric, si Justine ay binuksan ang bintana nito at nagtanong sa isang matandang babae na nagwawalis sa kanilang bakuran. "Lola, saan po ito?" Magalang na tanong ni Justine at pinakita ang papel sa matanda. "Sa mga Villanueva ang punta niyo. Madali lang naman yang mahanap. May madadaanan kayong Buena Falls, pagkatapos nun ay makikita niyo ang hacienda ng mga Villanueva at Buenavista. Sila lang naman ang may hacienda dito kaya hindi na kayo mahihirapan pang maghanap. Basta yung napakalaking bahay." Nakangiting saad ng matandang babae at nagpasalamat naman kami. Nagsimula na ulit na magmaneho si Eric. "Ang swerte mo, mayaman ang lalaking yun Aya." Sambit ni Justine sa akin pero umiling lang ako. "Mayaman nga, masama naman ang ugali.” Nakasimangot kong saad sa kanila. “Sa umpisa lang yan Aya. He was just surprised.” Si Stacey. Saglit lang na segundo ang lumipas ay biglang umingay ang loob ng sasakyan nung umusok ang unahan ng kotse ni Eric. Agad na bumaba si Eric at tinignan ang sira ng sasakyan niya. Kahit kami ay napababa na din. "Not again Eric. Mahihirapan tayong humanap ng mag-aayos niyan dito." Nagpapanic na saad ni Ericka. "Super rich kasi pero hindi naman bumibili ng bagong sasakyan. Ang kuripot mo kasi." Parinig ni Stacey kay Eric. Galit namang lumapit si Eric kay Stacey at pinamaywangan ito. "What did you say?" Salubong na ang kilay ni Eric pero taas nuo naman si Stacey na hinarap si Eric. Nakita ko ang pag-irap ni Ericka sa dalawa at pumasok sa loob ng kotse. Napailing na lang ako. Magsisimula na naman sila. "Are you deaf? Gusto mo ulitin ko pa para sayo?" Nang-aasar at matapang na saad ni Stacey. "Wag mo akong igaya sayo na spoiled brat. Gastos lang ng gastos." Sasagot na sana si Stacey kaya lang biglang nagring ang cellphone ni Eric at lumayo ito ng konti kay Stacey. "Lagi na lang silang nag-aaway." Rinig kong bulong ni Justine na kanina pang tahimik at inayos ang buhok niyang lumilipad na hanggang balikat. Tumango na lang ako, bakit ba hindi sila magkasundo. Paano ba sila naging magkaibigan kung hindi naman sila nagkakasundo. Ah! Oo nga pala, sabit lang naman si Eric sa pagkakaibigan namin dahil sa kakambal niya. "Yeah. Papunta na kami, medyo nasiraan lang ng konti." Narinig kong saad ni Eric sa kausap nito sa cellphone niya. Konti daw? Gusto kong matawa sa sinabi niya. Binaba na niya ang cellphone at humarap sa akin. “Matatagalan pa ito, mauna ka ng pumunta sa pamilya ni Rino.” Napanganga ako sa sinabi niya. Paanooooo? Maya-maya ay nakita ko si Eric na pumara ng motor, tinawag niya ako kaya kaagad akong lumapit sa kanila. "Sumabay ka na sa kanya. He will take you to the Buenavista family." Sabi ni Eric at tinulak ako para makasakay sa motor ng isang estrangherong lalaki. Seryoso talaga si Eric na ipapasakay ako sa mamang hindi ko kilala? Hindi naman siguro big deal kay Eric na ipasakay sa ako motor sa taong di namin kilala. Malamang! natulog nga ako kasama ang lalaking hindi ko kilala and worst may nangyari pa sa amin. Ang galing ko talagang babae, wag niyo akong gayahin. Bobo na nga sa pag-ibig. Biglang umandar ang motor ng sobrang bilis kaya nilapad ang buhok ko. "Manong, wala na bang mas ibibilis dito?!" Sarkastiko kong sigaw dito. "Pasensya na iha pero ito lang ang bilis ng motor ko." Natatawang saad ng manong. Hindi ba niya alam na sarcastic yun? Halos mapatili ako nang mas binilisan pa nito ang motor. Buong biyahe ay nakapikit lang ako, namumutla na ang mukha ko at sigurado ako diyan. Buti na lang ay tumigil na ito at kulang na lang ay halikan ko ang lupa sa sobrang ginhawa sa sarili ko at nakaabot akong buhay. Akala ko mamamatay na ako. Hindi naman talaga kasi ako sanay na sumakay ng motor, una wala kaming motor, pangalawa bike ang meron sa amin at pangatlo, mayayaman ang mga kaibigan ko at kotse ang gamit nila. "Salamat manong." Labag man sa loob ko ay nginitian ko siya. Paglingon ko ay isang napakalaking gate ang bumungad sa akin. Sobrang laki, siguro ay dinaig pa nito sa laki ang limang magkakadikit na bahay. Ito na ang gate na nakita kong pinakamalaki sa buong buhay ko. Linapitan ko ang isang security guard, sa katunayan ay madaming mga security guard ang naglalakad lang habang nagmamasid. "Manong. Pakausap sa mga Buenavista. Importante lang ho." Sabi ko dito at gulat ang mukha nitong napatingin sa akin bago may tinawagan sa walkie talkie ata yun. Ewan ko kung ano ba ang tawag doon. Hindi ko masyadong marinig ang pinag-uusapan nila dahil nakatalikod ito sa akin. Sobra naman ang security nila, politician lang naman sila hindi President ng pilipinas. "Sino ka at anong kailangan mo?" Tamad na tanong nito kaya palihim na inirapan ko lang siya. "Mukha ba akong masamang tao?” Bulong ko sa sarili ko. Hindi ko alam paano ko sasabihin ang sadya ko dito. “Pakisabi po na nandito yung..." Humina ang boses ko kaya kunot nuong lumapit si Manong security sa akin. “Anong sabi mo?” Tanong niya. Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko habang nag-iisip kung paano ko sasabihin ang sitwasyon ko. Bakit ko ba kasi sinusunod ang mga sinasabi ni Eric? “Ba-babae ni Rino at may importante lang akong sasabihin sa kanila. Aalis din naman ako agad.” Mahinang saad ko. Kahit naguguluhan si Manong security ay mabilis niyang pinasa ang mensahe sa kung sino mang kausap niya. Hindi nagtagal at bumukas ang napakalaking gate at pagpasok ko ay bumungad sa akin ang isang napakalawak na lupain. Nakapalibot sa akin ang malawak na lupain, parang soccer field sa university namin mas malaki nga lang ito. Kita ko sa kalayuan ang tatlong napakalaking hacienda. Parang nasa village lang ako, sobrang yaman nila. Nalaglag ang panga ko habang naglalakad pero biglang may kotse na tumigil sa akin kaya nabaling dito ang atensyon ko. "Sakay na ho kayo ma'am." Sabi ng driver na nakaformal attire pa, ang sosyal nila ah. May kalayuan din kasi ang hacienda nila dito kaya matatagalan talaga kung lalakarin lang ito. Pero bakit kotse pa, sobra naman yatang marangya ang pamilya na 'to. Tumigil ang kotse sa hacienda na nasa gitna. May dalawang hacienda pa ito sa magkabilaan. Dahan-dahan akong bumaba habang nililibot ang paningin ko. Pagkaharap ko pa lang sa malaking pintuan ng hacienda nila ay binuksan na ito ng dalawang security guard. Bawat tingin ko ay napapanganga ako. Dahil galing sa mahirap na pamilya ay hindi na bago ang ganitong reaksyon ko sa tuwing naaamazed ako. Kasabay ng pagbukas nun ay ang pagbungad sa akin ng isang pamilya na may kadamihan at seryoso ang mga mukha nilang nakatingin sa akin. Ang iba ay nakakunot ang nuo at tinitignan ako simula ulo at pababa ng aking katawan. Nakita ko ang isang dalagang babae na mataray akong tinitignan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD