Finding Mr. Unknown (EDITED)

3383 Words
Maaya’s POV   (1 Month After the Incident)   Nasa loob ako ng CR at lutang ang utak ko. Tulala lang ako na nakatingin sa bagay na hawak ko ngayon. Dalawang guhit na pula ang nakikita ko, halos manlumo ako at hindi mapigilang humikbi. Positive ang hawak kong pregnancy test, ang ibig sabihin lang nun ay positive na buntis nga ako. Dalawang PT ang binili ni Eric at ang dalawang yun ay nagpositive.   Napahilamos ako sa aking mukha at hindi na napigilan ang umiyak ng mahina. Ang inaalala ko ngayon ay ang pamilya ko, my achievements in college, of course, yung iniingatan kong imahe kung bakit ako hinahangaan ng mga kabataan. My intelligence is useless when you choose to become a slave of your temptations.   "What’s the result Aya?" Narinig kong tanong ni Stacey habang kumakatok sa pintuan. Nasa girls’ restroom kami habang si Eric ay nagbabantay sa labas. Huminga ako ng malalim bago binuksan ang pinto at lumabas. Nakita ko ang mukha nila na may bahid na pag-aalala.   "Mag-usap tayo." Seryosong sambit ni Eric ng makita ang pregnancy test at naunang naglakad.    Tahimik lang ako na sumusunod sa kanya. Si Stacey, Justine at Ericka naman ay tahimik din habang nasa likod ko. Pumasok kami sa isang vacant room na walang tao. Nakita kong sinarado ni Justine ang pintuan.   "You're pregnant." saad ni Eric na seryoso. Hindi man siya nagtatanong pero marahan akong tumango.   "Paano kapag nalaman yan ng mga magulang mo Aya? Sigurado akong magagalit yun." Nag-aalalang sambit ni Ericka. Napayuko na lang ako habang tumutulo ang mga luha sa pisngi ko.   "Now what?" Asar na usal ni Eric. Iritado at nagpipigil sa galit si Eric, he is the only boy in our group that’s why he always claims to protect us. I’m sure he is disappointed right now.   "Abortion." Gulat akong napatingin kay Stacey. "Let's abort the baby." Hopeless na sambit niya, mukhang wala na siyang maisip na ibang paraan katulad ko.   "Masama yun. Parang pumatay na din tayo ng bata, at sigurado din ako na hindi gustong gawin yan ni Aya." Sabi naman ni Justine at tinignan ako. "Hi-hindi ba Aya?" Nag-aalangang tanong ni Justine sa akin nung makita ang reaksyon ko sa suhestiyon ni Stacey.   Wala na akong iba pang paraan na naiisip. Wala na ako sa tamang katinuan ngayon. Para bang kahit anong solusyon ay gagawin ko para lang maging maayos ang sitwasyon ko ngayon. I know this baby is out from my mistakes. The man of this baby is irresponsible for sure. Iniwan niya ako mag-isa sa kuwarto na parang walang nangyari.   "Pa-paano ba magpaabort ng baby?" Napanganga si Justine dahil sa sinabi ko. Umiling naman si Ericka at para bang hindi makapaniwala na lumabas yun sa bibig ko, si Stacey naman ay tahimik lang na nakatingin sa akin. Samantalang si Eric ay walang kibo at tila nag-iisip.   "I can't believe this." Mahinang usal ni Justine at parang nasa isang malaking problema ngayon.   "Hindi ka magpapalaglag." Seryosong saad ni Eric at galit itong tumingin sa akin. Napayuko na lang ako dahil nahiya sa sinabi kanina. Paano ko nasabi ang mga salitang yun, by thinking to abort the baby is already a sin.   "Right! Tama si Eric. Kaya nating buhayin ang baby." Sabi ni Ericka   "Aalagaan natin siya." Segunda naman ni Justine   "We don’t need the father of that baby. We can raise it." Tumatangong sambit ni Stacey at mukhang sang-ayon na din siya sa desisyon nilang lahat.   "Hindi!" Nangibabaw ang boses ni Eric kaya napatahimik sila. "Hahanapin natin ang ama ng batang yan, kailangan niyang panagutan ang baby. Karapatan ng ama niya na malaman na may anak siya." Pagkasabi nun ni Eric ay inis siyang binalingan ni Stacey dahil alam kong kanina pa niya napapansin na kinokontra nito lahat ng suggestion niya. I don’t know if he did that intentionally o aksidenti lang. Natigilan na lamang ako at binalot ng kaba, hindi ko kilala yung lalaking yun. I’m afraid what will be his reaction and a little bit scared na baka hindi ko lang magustuhan kung anong klase siyang lalaki.   Lumapit ako sa kanya at marahas na umiling. "Wag! Hayaan na natin siya. Hindi natin kilala ang lalaking yun. Baka mamaya ay addict yun tapos may  mangyari pang masama sa atin." Kunwaring takot kong saad. Pero ang totoo niyan ay wala akong mukhang ihaharap sa lalaking yun dahil alam kong walang puwersang nangyari ng mga gabing yun sa akin. Ginusto ko ang nangyari…   "Wag mo nga kaming niloloko Aya, sinabi mo sa amin na ang gwapo ng lalaking yun." Napatahimik ako sa sinabi ni Ericka. Masama ko siyang tinignan pero nginitian niya lang ako. Bumaling ako kay Eric na masama ang tingin sa akin. Sinabi ko na guwapo siya pero hindi ako sigurado kung guwapo pa din siya kapag nagkita kami ulit. Lasing ako nun kaya guwapo siya sa paningin ko.   "Hindi pa rin natin kilala ang taong yun. Tsaka lasing ako kaya hindi ko nasisiguro yung mukha nung lalaki." Kumbinsi ko kay Eric pero umiling siya sa akin at para bang sinasabi niyang wala na akong magagawa sa desisyon niya.   Napaupo na lang ako sa silyang malapit sa akin at marahas na bumuntong hininga.   "Paano natin siya hahanapin?" Tanong naman ni Justine kaya napatingin kami kay Eric. Siya ang bahala magdesisyon tutal plano niya naman ito eh. Tignan lang nating kung mahanap niya.   "Babalik tayo sa bar." Simpleng sagot lang nito at parang hindi man lang pinag-isipan.    Tayooo? Kasama ba ako doon?        Uwian na namin at pagkalabas ko pa lang ng room ko ay nakita ko na silang nakaabang sa akin. Kahit ayaw kung lapitan sila ay wala akong nagawa kundi ang kaladkarin ang mga paa ko habang simangot ang mukha. Talagang hindi nagbibiro si Eric sa sinabi niya.   "Paano naman kaya natin yun mahahanap." Mahinang usal ni Ericka nang makapasok na kami sa loob ng kotse nila. Si Eric ang nagmamaneho at ako naman ang nasa tabi ni Stacey.   "We'll search. Sigurado akong hindi pa naman nakakalimutan ni Aya ang mukha ng lalaking iyon kahit konti, diba?" Sabi ni Eric at mabilis na sumulyap sa akin. Hindi na ako sumagot at muling inalala ang mukha ng lalaking yun. Medyo hindi malinaw sa akin ang mukha niya pero kapag nakita ko naman siguro siya ay maaalala ko ang mukha nun.   "Aay! Natulala bigla si Maaya. Hahaha. Sigurado ako kung ano ang iniisip niyan." Biro ni Ericka kaya sinamaan ko siya nang tingin pero nagpeace sign lang.   "Ayusin mo yang mga iniisip mo Ericka, baka sa susunod ikaw naman ang mabuntis." Seryosong sambit ni Eric kaya napatahimik ang kapatid niya.   "Hoy Eric. Lasing ako nung gabing yun." Singhal ko dito at inirapan siya.   "Excuses Aya. Kung hindi mo ginusto, hindi mangyayari.” Si Eric   "She is brokenhearted Eric kaya uminom. Nasan ka ba that time? Oh! Flirting with other girls." Pagtatangol naman ni Stacey sa akin kaya kininditan ko siya. She is on my side. Bakit? Kasi kahit kailan ay hindi naman yan pumanig sa mortal niyang kaaway. Sino? Si Eric!   "Hindi lahat ng problema, alak ang solusyon." Sagot naman ni Eric at tinignan sa rearview mirror si Stacey ng masama. “Yan din ba ang gagawin mo kapag brokenhearted ka?” Seryoso at galit na tanong ni Eric kay Stacey. Napanguso ako dahil doon, why the sound of his voice suddenly changed?   “Pakialam mo ba?” Paghahamon ni Stacey kaya napailing na lang kami.   “Subukan mo.” Mariin at madilim na sambit ni Eric. Para bang nagbabanta. He is just concern, of course!   Inirapan lang ito ni Stacey dahil hindi na niya kaya pang makipagsagutan kay Eric. Hindi ko alam kung maiirita ba ako sa away ng dalawa o matatawa na lang. Hindi naman talaga yan magkaibigan na dalawa, kami lang tatlo ang kaibigan ni Stacey.   Bigla kong naalala yung lalaking kasama ko na pumasok sa second floor ng bar. Sigurado ako na mayaman siya. The way he stood up, his stance, his clothes, especially his movement, nagsasabi kung gaano siya makapangyarihan. But I’m still not sure about that, lasing ako ng gabing yun.   Gabi na ng makarating kami sa BloodyX Bar at agad naman kaming pumasok para hanapin na nga yung lalaking hindi naman namin kilala. Kahit hindi ko alam kung paano ay susubukan ko kahit impossibli na matagpuan ko siya ulit dito.     "Paano naman natin hahanapin yun? Hindi nga natin alam ang pangalan niya." Reklamo ko kay Eric na nakatingin sa kabuuan ng bar. Sumulyap siya sa akin.   "Iisa-isahin natin kung kinakailangan." Seryosong sambit ni Eric kaya sabay-sabay kaming napalunok. Bumagsak ang balikat ko habang nakatingin sa mga tao na nasa harap namin.   "Teka lang muna. Bakit hindi tayo sa second floor maghanap. Doon kami nagkita eh." Suggestion ko naman sa kanila kaya nakakunot-nuong lumapit sa akin si Eric. Si Ericka naman ay napanganga na lang, ganun din si Stacey. Samantalang si Justine ay mukhang walang alam katulad ko.   "VIP lang ang nakakapasok doon Aya. Sigurado ka ba na doon kayo nagkita?" Paninigurado ni Ericka at tinignan ang kapatid niyang si Eric. Mas lalo tuloy akong naguluhan. Ano bang meron doon sa second floor? Ano naman kung VIP lang ang pweding pumasok doon, I'm sure na kaya naman naming bayaran ang entrance doon.   "Malaking pera ang binabayad para makapasok sa second floor Aya. Hindi lang basta-basta ang mga tao doon. Bigatin at napakayaman. Some of them are businessmen at ito minsan ang ginagawa nilang meeting place." Napanganga ako sa sinabi ni Eric. Ganun din si Justine at pareho kaming hindi makapaniwala. “Sigurado ka ba na hindi matandang lalaki ang nakabuntis sayo? Konti lang ang makikita mo doon na kasing edad natin dahil halos puro businessmen ang nasa taas.” Mas lalo tuloy akong kinabahan at kinilabutan sa sinabi ni Eric, paano kung may asawa na ang lalaking nakabuntis sa akin?   "Hindi naman siguro mahal ang ticket para makapasok sa taas diba?" Nag-aalinlangang tanong ko habang nakatingin kay Eric na seryoso lang.   "Mayaman ako Aya, alam niyo yan. Pero hindi ako sobrang yaman para magwaldas ng pera sa isang bar para lang magsaya." Tumango naman ako sa saad ni Eric. Kung ganun ay napakayaman ng mga tao na nasa taas na yun.   Tumingala ako at kita ko ang mga tao na nandoon na parang calm lang hindi katulad na nandito sa baba na sobrang wild sumayaw. May mga nakikita din akong mga nakabusiness suit at nakatingin dito sa baba ng bar na para bang hari at pagmamay-ari nila ang mga taong nasa baba.    "Of course! Kuripot ka kaya yan ang sasabihin mo." Mahinang usal ni Stacey habang nakacrossed arms. Sakto lang para marinig namin kaya tinignan ko si Eric na masama ang mga titig kay Stacey.   "Oo nga Eric. Nung isang gabi nga nakita ko na may ticket ka para sa VIP. Ayaw mo lang yatang pumunta sa taas dahil ayaw mong magbayad.” Nagmamaktol na sambit ni Ericka sa kakambal niya, napaubo na lang si Eric at umiwas ng tingin.   Umiling na lang ako, kung ganun ay totoo ang sinasabi ni Ericka. Kahit kailan napakakuripot talaga ni Eric, kabaliktaran naman nitong kakambal niya na magastos. Kaya naman pala ayaw pumunta sa taas dahil alam niyang siya din ang magbabayad para sa amin.     "Yo! My man." Salubong ng isang lalaking kadadarating pa lang na nakasuot ng isang mamahaling suit at nagfist bump silang dalawa. Nakita ko ang pagliwanag ng mukha ni Ericka at nilapitan ang kapatid niya. Stacey and Ericka, silang dalawa ang kailanman hindi nawawalan ng lalaki sa aming apat.   "What's up? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Eric kaya tumawa lang yung kasama nitong lalaki.   "Nagsasaya, ano pa ba. Pwedi din namang naghahanap ng babae." Sagot ng lalaking gwapo at tinignan si Ericka tsaka kinindatan.   "Kapatid ko nga pala." Mariing sambit ni Eric kaya napasipol naman yung lalaki. "Mga kaibigan ko, si Stacey, Justine, at si Aya." Nginitian namin ang lalaki na nasa harap namin ngayon.   Gwapo ang isang 'to. Tinignan ko ang suot niyang relo na mukhang mamahalin. Napunta naman ang tingin ko sa kwintas nito na kumikinang. Hindi lang guwapo, mayaman din.   "I'm Ethan Ramirez." Pakilala nito at inakbayan si Eric   "Tara, sa dating tambayan." Bulong na sambit nung Ethan kaya napatingin kaming lahat sa kanilang dalawa.    "Pupunta ka sa second floor?" Tanong nito kay Ethan, nakatingin lang ako sa kanila at nakikinig. Habang si Ericka naman ay panay ang pacute kay Ethan, si Stacey at Justine ay nag-uusap.   "Yeah. Why? You're not coming?" Nagtatakang tanong ni Ethan   "Hindi. Pero ipasok mo si Aya sa second floor. May hinahanap kasi siya sa taas." Binalingan ako ni Eric matapos sabihin yun kaya napatingin na din sa akin si Ethan. Napataas lang ito ng kilay habang nakatingin sa akin.   "Sure. Come on." Sabi niya at inilahad ang kamay nito kaya hinampas siya ni Eric.   "Kaibigan ko yan, wag yan Ethan." Makahulugang sambit ni Eric kaya napakunot ako ng nuo. Ah! Womanizer. Playboy. Sambit ko na lang sa isip ko.   "Hahahaha. Hindi ko type yan." Napakamot na lang sa batok niya si Ethan at sinenyasan ako na sumunod sa kanya.   Sinulyapan ko muna ang mga kaibigan bago ako naglakad papunta sa second floor. Bawat hakbang ko ay mas lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Kinakabahan ako at pinagdarasal na sana hindi ko siya makita doon.   "You're tensed." Ngiting usal ni Ethan nung mapansin na kabado ako.   Hindi ko na lang siya sinagot, nang makita kami ng bouncer ay hindi na kami nito hinarang at nagbow pa sa harap ni Ethan. Gaano kaya ito kayaman na lalaking 'to para papasukin kahit walang VIP ticket na pinapakita. O baka naman kilala na siya dito dahil sabi nga niya kanina ay tambayan na niya ‘to.    "We're here." Napatingin ako sa kanya ng sabihin iyun at nilibot ang mga tingin sa buong second floor. Ngayon ko lang naappreciate ang kagandahan ng bar, may mga black leather sofa sila at dim lang ang light dito. Classy and decent ang dating ng bar kumpara sa baba na nakakahilo ang mga ilaw.   "Sino bang hinahanap mo?" Nagtataka nitong tanong.   "Hindi ko alam." Usal ko habang nililibot ang tingin, ngumiwi siya sa naging sagot ko.   "Okay, iwan na kita dito. Bahala ka ng hanapin ang taong hindi mo alam kung sino." Naweweirduhan nitong saad habang tumatawa mag-isa at iniwan na ako.   Sinundan ko naman siya ng tingin at nakita ko na tumigil ito sa isang table na may apat na lalaki at limang babae. Nakita kong sinalubong siya ng halik ng isang babaeng kita ang kaluluwa sa suot nito pero classy pa din ang dating, napailing na lang ako. Mga mayayaman nga naman talaga.   Nagsimula na akong maghanap pero hindi ko siya makita. Kung tutuusin ay mas madami ang tao dito kaysa sa baba dahil sa sobrang laki at lawak ng espasyo nito.   Ilang oras na akong naghahanap pero hindi ko siya makita. Inisa-isa ko na ang mga tao na nandito. Muli akong napatingin sa table nina Ethan dahil nakita kong tumayo sila at binati ang bagong dating na lalaking nakatalikod at may kasamang babae na mukhang foreigner.   Haaaay! Kailan kaya ako magiging mayaman katulad nila. Sa mga ayos at damit nila ay masasabi mo talagang galing sila sa mayaman na pamilya, tinignan ko ang babae na makikita talaga sa kanya kung gaano ka-elegante ang bawat galaw nito, sa paghawak niya pa lang sa wineglass, gestures at postures niya.   Unti-unting humarap ang lalaki na kakadating pa lang, mas lalo akong napabuntong hininga ng malalim, sobrang gwapo naman niya at ang mga katulad kong klaseng babae ay napakaimpossibling mapansin niya. Sa sobrang guwapo niya ay parang kahit halik o pagdampi man lang ng balat ko sa kanya ay hindi mangyayari.   Mas inayos ng lalaki ang kanyang tindig dahilan para mas makita ko ang buong mukha niya sa pagharap nito sa akin, ngumisi siya ng tipid at pinaupo ang babaeng kasama niya kasabay nun ang pagkagulat at pagnganga ko, naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Sinulyapan ko ang babaeng kasama nung lalaking nakabuntis sa akin, sigurado akong girlfriend niya iyun. Kawawang babae, hindi alam na niloloko na pala siya ng boyfriend niya.   Seryoso lang ito at naglalakbay na ang isang kamay niya sa katawan ng babae. Marahas akong tumawa habang nakatingin sa kanila. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at agad silang nilapitan. Nakaupo na sila ngayon at nag-uusap habang ako ay nasa harap nilang lahat. Napatayo naman si Ethan pagkakita sa akin na akala niya siguro ay siya ang sadya ko.   "Kailangan nating mag-usap." Matapang kong saad sa kanya.   Tumingin siya sa kaliwa at kanan nito. "Who. Me?" Nakataas ang kilay niyang tanong sa akin. Naguguluhan si Ethan dahil kausap ko ang lalaking kasama niya, nung una akala niya siya ang kausap ko pero agad niyang napansin yun dahil wala sa kanya ang tingin ko.   "Sino pa ba? Kailangan nating mag-usap ngayon din. Sa tahimik na lugar at walang tao." Hindi ko na naisip ang mga sinasabi ko dahil sa sobrang kaba at galit sa kanya. Napanganga naman ang mga lalaking kasama niya at napuno ng tuksuhan ang table. Nakita kong ngumisi siya at tumayo.   "Rino, do you even know her?" Maarteng sambit ng babaeng kasama niya na girlfriend niya ata. Nagkibit-balikat lang yung Rino. “Sino ka ba?” Mataray na tanong nung babae sa akin.   “Girlfriend ka ba niya? Hiwalayan mo na siya dahil ang lalaking ito ay timer, manloloko yan. Niloloko ka lang niyan.” Sabi ko at tinuro ko pa mismo yung lalaking nakabuntis sa akin na Rino daw ang pangalan. Mas mabuti ng maaga niyang malaman ang katotohanan, alam kong masakit pero mas masakit at mahirap ang sitwasyon ko ngayon.   Nagtawanan sila sa sinabi ko lalo na yung babaeng girlfriend nung Rino na yun kaya biglang umurong ang dila ko at natahimik. May ginawa na naman ba akong kabaliwan? Baka hindi niya girlfriend. Ah! Baka kaibigan niya lang, pero bakit ganun hawakan nung Rino yung babae kung kaibigan lang. Nangibabaw ang tawa ni Ethan sa kanila na akala mo mamamatay na sa tawa. Pakiramdam ko ay namumula na ang mukha ko dahil sa hiya. Hindi ko alam kung ano bang nakakatawang sinabi ko.   “Rino doesn’t do girlfriends. Don’t worry, lahat ng babae ay alam na womanizer siya. You don’t need to shout it.” Natatawang sabi ng babae kaya bigla akong nahiya at napaatras. Nakita ko ang pag-iling nung Rino at tumayo.   Hindi ko namalayan na hinigit na pala niya ang kamay ko at dinala ako sa sulok ng bar. Nakangisi itong habang nilapit ang mukha niya sa akin. Agad ko siyang tinulak kaya nawala ang ngisi sa labi niya.   "What the f**k! Ano ba?!" Galit na tanong nito sa akin. Arte naman nito, hindi naman malakas ang pagkakatulak ko sa kanya.   "Rino ang pangalan mo diba? Ako si Maaya, ako yung babaeng kasama mo at iniwan last month dito mismo sa bar na 'to." Sabi ko at pinilit ang boses ko na maging matapang kahit na ang totoo niyan ay kanina pa nangangatog ang mga binti ko sa sobrang kaba at sa mga titig niya sa akin. Una dahil hindi ko siya kilala, pangawala ay ngayon lang ako naconcious sa mukha at ayos ko dahil napakagwapo ng nakarap ko at pangatlo ay baka kung ano ang gawin niya sa akin. Malay ko ba na gangster ito tapos sapakin ako.   Hindi ko alam pero lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Ngayon pa na malapit siya sa akin ay mas lalo lang akong kinakabahan. Kitang-kita ko ang hunk nitong pangangatawan, ang maputi at makinis na balat niya at ang mapupulang labi na humalik sa aking katawan ng mga gabing yun.   "One of my stalker." Maangas na bulong nito na para bang hindi na bago ang ganitong eksena sa kanyang buhay. Lumayo siya ng konti sa akin at nagcrossed arms. Natawa ako sa sinabi niya, isang peking tawa. Pansin ko na ang pagiging arogante nito nung una pa lang pero hindi ko alam na ganito pala kalala ang kayabangan niya. Ako? Stalker? Ang yabang! Hindi ko nga siya kilala eh!   "Bu-buntis ako." Nagcrossed-arms siya at tinaasan ako ng kilay habang titig na titig sa akin. Nakatingin siya sa akin at hinihintay pa ang susunod na sasabihin ko. Diba dapat magulat siya? Bakit wala ata siyang reaksyon?   “Congrats.” Tamad niyang sambit.   “Ikaw yung nakabuntis sa akin.” Diretsa kong saad at matapang siyang tinignan sa mga mata. Mayabang niyang tinaas ang isang kilay nito at marahan na tumango na para bang malinaw na sa kanya ang aming sitwasyon.   “You know what? If you really want to get my attention, try harder. Ilang beses ko ng narinig yan  sa ibang babae. Wala ka bang bagong alibi?” Malamig niyang usal at umalis. Iniwan akong tila binuhusan ng malamig na tubig. Pagak akong tumawa mag-isa sa gilid. Gusto kong maiyak sa tawa dahil sa sinabi niya. Walanghiya! Ang yabang! Akala mo kung sino! Ang sarap niyang suntukin! Iniisip niya na lahat ng babae ay may gusto sa kanya. Baliw siya!                          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD