Maaya's POV Nang bumaba kami ng kotse ay nandun na sila at mukhang inip na inip na sa kahihintay. Nauna akong lumapit sa kanila at nasa likod ko naman si Rino na pinaglalaruan ang susi. "Nauna kayong umalis pero huli naman kayong nakarating." Saad ni Nicholas. "Tara na sa hotel." saad ni Rino bago hawakan ang kamay ko. Dapat na akong masanay na ganito si Rino. Yun nga lang, dapat ko din ipaalala ng paulit ulit sa sarili ko na kunwari lang ang lahat ng ito. Palabas lang. Nang makuha na namin ang susi ng kuwarto namin ay agad na kaming pumasok doon para ayusin ang mga kaunting gamit na dala namin. "Lipat ka lang sa kuwarto namin Aya kapag inaway ka ni Rino ah." pang-aasar ni Ethan kaya isang irap ang nakuha niya kay Rino. Pumasok na kami sa loob ng kuwarto at masasabi kong maganda nga

