Maaya's POV "Are you f*****g playing with me Aya?!!" Tinakpan ko ang tainga ko sa sigaw nito. Ano ba naman yan, nanunuod yung tao tapos ang ingay-ingay. "Hindi ako bingi. Wag kang sumigaw." Mahina kong saad. Bumuntong siya ng marahas at umupo sa tabi ko. Nang sulyapan ko siya ay hawak nito ang baba niya habang nakatingin sa akin at mukhang may iniisip. "Kumain ka na." Naging mahina na ang boses niya pero halata na pinipigilan niyang wag magalit. "Ayoko nga diba. Bingi ka ba?" Tumayo siya at naglakad pabalik balik. "So ano 'tong mga grapes na pinabili mo?" Inis niyang tanong. "Ayoko nga kasi niyan. Iba ang gusto kong kainin." "Don't start your jokes to me Aya. Be serious!!" Binaba ko ang remote at tinignan siya. "Bakit mo ba ako sinisigawan. Sabi ko naman na ayaw ko niyan diba?"

