Maaya's POV Kaming lima na lang ang naiwan sa bahay ni Rino. Si Hannah, Rino, Terrence, Nicholas at ako. Nasa sala kami ngayong lahat at tahimik na nanunuod ng horror movie. Sabi ni Hannah movie marathon daw muna bago siya pumunta ng condo ni Rino. Magkatabi kami ni Terrence at Nicholas at sa kabilang banda naman ay sina Rino at Hannah ang nakaupo. Nakatingin lang ako sa TV. Hindi naman kasi ako natatakot kagaya ni Hannah na nakayakap na kay Rino sa sobrang takot, ang totoo niyan ay mahilig ako sa horror movies. "I'm scared. Can we just turn it off?" Tanong ni Hannah. Napailing na lang ako, siya ang nag-suggest ng ganito tapos siya naman ang aayaw. Hindi ko mapigilang mainis sa kanya at irapan siya ng palihim. Bakit ba ako naiinis, wala naman dapat na ikainis. Dahil siguro na

