Maaya's POV Nagulat kami sa biglang pumasok sa loob ng kwarto kung saan ako naka-confine. Nag-aalalang mukha ng mga kaibigan ko ang bumungad sa akin. Agad akong nilapitan ni Stacey, Ericka at Justine. "Are you fine? What happened?" Tanong agad ni Ericka "Okay lang naman ako. Stress lang kaya nag-collapse ako bigla." Nginitian ko sila. "Haaay! Akala ko na kung ano ang nangyari. Okay lang ang baby mo?" Tanong din ni Stacey at tinignan ang tiyan ko. Tumango ako bilang sagot. "Ang sabi ng Doctor ay malapit na siyang manganak at baka ilang araw lang ang abutin nun kaya mas mabuting alagaan siya." Napatingin sila kay Nicholas na nakaupo. "Bakit may pasa kayo ni Rino?" Tanong ni Justine at tinuro si Nicholas "Oo nga. Alam mo ba Aya na sinuntok ni Eric si Rino ka

