Maaya's POV Malapit na kami sa bahay ni Rino pero pinatigil ko sa pagmamaneho si Ericka. "Bakit? May bibilhin ka?" tanong nito ng huminto kami sa tapat ng isang malaking condominuim malapit sa department store. "Si Rino yun diba?" tanong ko at tinuro si Rino na may kasamang babae at nakapulupot ang kamay niya sa baywang ng babae. Gusto ko na kumpirmahin ni Ericka kung tama nga na siya ang nakikita ko. Pumasok sila sa loob ng condominuim. "Hala! Fling niya? Pero bakit sila pumasok sa loob ng condo? Pwedi naman sa bahay?" gulat na tanong nito. Napangiwi lang ako sa tanong niya at ini'imagine ang sitwasyon ko habang nasa bahay ni Rino kasama ang mga babae niya. Kinikilabutan ako. "Kailan ba nawalan ng fling ang lalaking yun?" simangot kong usal dahilan para mapabaling s

