Maaya's POV Maaga akong nagising para magluto, pero hindi man lang kumain si Rino ng niluto ko. Agad lang itong umalis at pinaharurot ang kotse niya ng hindi man lang ako naisipang ihatid, hindi na din naman ako umaasa na gagawin niya yun. Pagpasok ko sa school ay agad naman akong nakita ni Justine kaya nilapitan ako nito. "Absent ka kahapon. Hinahanap ka nila Stacey." Salubong nito. Wala man lang Hi, Hello o di kaya ay Good Morning. "Para sa isang subject lang. Anyway madami akong sasabihin sa inyo. Asan na sila?" Excited kong tanong sa kanya pero siya ay mukhang hindi interesado sa sasabihin ko. Pumunta kami sa soccer field kung saan may malaking puno doon na nagsisilbing lilim at nandun nga sila Stacey, Ericka at si Eric na naglalaro ng soccer. Patakbo akong lumapi

