Maaya's POV Bago ako makaalis ng bahay ay wala na si Rino, hindi ko alam kung nasan siya o saan siya pumunta pero sigurado ako na baka pumasok yun ng school. Habang tinutulak ko ang cart ay may biglang humawak din sa cart na hawak ko at sinabayan ako sa pagtulak. Kunot-nuo ko siyang tinignan, anong ginagawa niya dito. May bibilhin din ba siya? "Mag-isa ka. Hindi ka sinamahan ni Rino?" Tanong ni Rhodney at tumigil din dahil sa pagtigil ko. "Anong ginagawa mo dito? Diba dapat nasa school ka?" Hindi ko siya sinagot at tinapunan din ng tanong. "Ewan ko nga din eh. Nakita lang kita napatigil na ako." Nakangising saad nito kaya inirapan ko siya dahil sa mga pinagsasabi niya. "Baliw. Wag mo nga akong pinagtitripan." Inis kong usal sa kanya. Kung makaasta siya diyan akala mo

