Gabi na kami nakauwi dahil malapit na ring gumabi nung nagsiuwian kami pagdating namin sa palasyo nilagay muna namin sa kwerdas ang mga kabayong sinakyan namin
Tsaka naglakad patungo sa palasyo pagkapasok namin tinanong ko agad si manong romulos tungkol kay keira
"Manong kamusta ang babaeng pinababantayan ko?"
"Okay lang naman po wala naman pong nangyari kamahalan" romulos
"Alam mo theron sa tingin ko mabait naman si keira at wala siyang balak na masama"
"Paano mo nasasabi? kilala mo siya? sinabi na sayo?"
"Masyado ka lang kasi negatibo"
"Bahala ka diyan sa tingin ko nga ngayon umalis na siya at nagsumbong na sa amo niya kung ano ang nakuha niyang impormasyon dito"
Tumalikod na ako sa kanya at umakyat patungo sa aking kwarto naligo lang ako at nagbihis ng biglang may kumatok
"Kamahalan handa na po ang inyung hapunan naghihintay na sa inyu si prinsipe sigurd sa baba"
"Sige susunod na ako salamat"
Teka si sigurd lang ang nandoon? bakit? nasaan si keira? tsk lumabas na ako at nagtungo sa hapag kainan namin nakita ko si sigurd na nakaupo na
"Oh nasaan si keira?" tanong ko sabay upo
"Ahem! hinahanap mo na si keira ngayon ah!"
Tinignan ko naman si manong romulos na nakatayo sa gilid na medyo ngumiti at si manang sonya ang matrona sa palasyo silang dalawa ni manong ang nagbantay sa amin simula nung mga bata kami ni sigurd
Sila lang ang pinagkakatiwalaan ko dito sa bahay mabait naman silang dalawa isa pa itong si manang lagi niya akong sinasabihan na nag iba na ako ng tuluyan simula mawala ang mga magulang namin
"Wala akong ibig sabihin dun sigurd"
"Talaga? akala ko kasi namimiss mo na siya"
"Hindi kamismiss ang babaeng iyon sakit yun sa ulo"
"Hahah kung ano ano ang dinahilan mo theron"
Hindi ko na lang siya pinansin at kumain na lang kumain na rin siya ng may nakita akong isang kasambahay na lumapit kay manang sonya at may binulong
Tumango lang si manang at umalis na rin yung babae lumapit siya sa amin at nagbow muna bago tumingin sa amin
"Mga kamahalan si miss keira daw po ay hindi mahanap sa kwarto niya"
Napataas ang kilay ko at si sigurd naman ay nagtataka
"Hinanap niyo na ba sa ibang parte ng palasyo?" sigurd
"Wala raw po sa kusina at sa harden sinubukan na rin namin sa iba pang pwede niyang puntahan pero wala"
"Sabi ko na sa iyo sigurd na umalis na ang babaeng iyon at nilaglag na tayo"
"Theron!"
"Ano? espiya ang babaeng iyon!"
"Tama na yan theron halughugin niyo ang buong palasyo"
"Opo" sambit ni manang at lumabas na sa hapag kainan para siguro utusan ang mga tauhan
"Hay naku sigurd nagsasayang ka lang ng lakas diyan" sabay subo ng pagkain
Tahimik lang kami kumakain dito tanging mga kutsara at tinidor lang ang naririnig tsk! ganito ang nangyayari kapag wala sa mood si sigurd
"Sinugurado niyo bang walang nakapasok dito romulos? baka napasukan kayo at kinuha si keira"
"Wala naman po kamahalan"
Tsk! tinapos ko na lang ang aking pagkain at tumayo umalis ako doon kapag nalaman ko lang talaga na espiya ang babaeng yun hindi ako magdadalawang isip na kunin ang buhay niya
Lumabas muna ako sa bahay at naglakad lakad lang around the palace nakarating ako sa gilid na bahagi ng palasyo dahil madamo naman dito humiga ako
Napatingin ako sa palasyo at nakita kong bukas ang kurtina sa isang bintana doon teka tinitigan ko ng maigi at biglang kong naalala na ang bahagi na yun ay ang library
"Sino ang nagbukas nun? at sino yang nasa may bintana?"
Dahil anino lang ang nakikita ko tumayo ako at pumasok ulit sa palasyo matagal na rin nung huli akong pumasok doon simula ng mamatay si ina hindi na ako pumasok dahil naaalala ko lang siya
Ang hilig niy ay magbasa si sigurd nga madalang ng pumasok doon at ni minsan ni hindi iniwan na nakabukas bubuksan lang yan kapag may naglilinis sinasara nila agad yun dahil yun ang utos namin
Habang tinahak ko ang hagdan at daan patungo sa silid aklatan bigla naman rumagasa ang mga alaala ng aking ina nung bata pa ako tsk those happy old days
Pagdating ko sa pintuan ay binuksan ko agad ito na walang pagdadalawang isip at pumasok tinignan ko agad ang bintana kong saan nakita ko ang anino ng tao
Nagulat ako na isa pala itong babae na may hawak na libro na nakapatong sa tiyan niya at nakahilig ang kanyang ulo sa binatana habang mahimbing na natutulog
"Mama" bigla kong sambit
Naalala ko na minsan naabutan namin na natutulog si mama diyan habang nakahawak ng libro ramdaman ko namang biglang uminit ang aking mga mata kaya tumingila ako
"Stop it theron! malaki ka na para umiyak you should stop thinking about those people who are not here anymore"
Tinignan ko ulit ang binatana at nandoon pa rin ang babae kaya napaekis ang kilay ko akala ko hallucination ko lang na nandoon si mama
Lumapit ako sa kanya tama naman na tumama na doon ang sinag ng buwan sa pwesto niya kaya kitang kita ko na siya inayos ko ang buhok na nakatabing sa mukha niya nakita ko naman ang mahimbing niyang mukhang natutulog
"Tsk! baliw talaga bakit siya diyan natutulog? Para kang batang matulog yung walang problemang iniisip na parang hindi nakararanas ng sakit at karahasan"
Gumalaw siya bigla na ikinatigil ko baka magising ko siya nahulog ang librong binabasa niya kaya pinulot ko ito
History of Ornothopia
I look at keira whos sleeping like a baby nagdadalawang isip ako kung gigisingin ko ba siya o hindi ng gumalaw na naman siya piniling niya ang kanyang ulo sa kabila
Dali dali akong lumapit sa may ulohan niya dahil kapag hindi ko yun gagawin mahuhulog ang babaeng ito nakahilig na siya ngayon sa aking tiyan nakatayong nakaharap lang ako sa kanya
"Tsk! This girl parang bata na kailangan mong bantayan palagi"
Magiging babaysitter pa ako nito sa walang oras pagnagkataon ughh!! binuhat ko na lang siya pang bridal nilapag ko muna ang libro sa lamesa at lumabas na sa library
Buhat buhat ko siya habang naglalakad sa hallway patungo sa kwarto niya nakita kong napapatingin sa amin ang mga kasambahay hayst!
"Papa... mama"
Hm? napatigil naman ako sa paglalakad at napatingin sa kanya wala pa pala akong alam sa babaeng ito tsk shes not my business bakit ko naman siga kikilalanin di ba?
Pagdating ko sa kwarto niya hiniga ko na lang siya agad sa kama niya at kinumutan ko siya gumilid siya na paharap sa akin nagulat ako dahil ang lapit na ng mukha namin
Bigla naman bumukas ang pinto kaya napatingin ako doon at mas lalo akong napanganga ng makita ang kapatid kong nakatayo doon at gulat sa nakita niya
Ng makabawi siya ay sumandal siya sa pinto at malisyosong nakangisi sa akin bwesit! tumayo ako ng maayos at ramdam ko yata na medyo mainit ang pisngi ko
"Oh my! my little brother is planning something? nasira ko ba ang plano mo? sorry hindi mo naman kasi ako sinabihan" sabay tawa niya
"Tsk wala akong plano at wala akong gagawin gumilid lang siya"
"Talaga? bakit ang pula yata ng mukha mo?"
"Hallucination mo lang yan" sabay lagpas ko sa kanya
"Ipatingin mo yan sa doktor! baka may sakit ka na lumala pa! hahaha" sigaw niya sa akin
Bweisit na kuya!
*KIERA POV*
Nag unat unat ako hmm!!!! ang sarap ng tulog ko tumalokbong ako sa aking kumot teka kumot? napabalikwas ako sa kama? kailan? paano ako napunta dito? eh nakatulog ako sa bintana
*TOK!* *TOK!*
"Miss keira gising na po ba kayo? handa na po ang agahan"
"Ah.. ah.. si.. sige salamat! susunod na ako"
Alam niyo ang swerte ko na dito eh buhay prinsesa ako kaso nakakahiya naman kay sigurd kung magtatagal pa ako dito baka sabihin niya na sinasamantala ko ang kabutihan niya at nagpapabuhay na ako
Tumayo na lang ako at naligo tsaka bumaba pagdating ko sa dining area nandoon na silang dalawa ni theron sa hapag kainan umupo na lang ako sa tapat ni theron
"Magandang umaga keira!" masayang bati sa akin ni sigurd
"Magandang umaga rin sigurd"
"Alam mo ba kung sino ang .. aray!" hiyaw ni sigurd
Napatingin naman siya agad kay theron tapos bumaling na rin sa akin na ngumingiti
"O.. okay ka lang?"
"Ahh oo may bakal lang yata na tumama sa paa ko"
Tumango tango na lang ako dumating naman sila diana at kristina na nakatayo di kalayuan sa may pinto
"Di ba sabi ko sa inyo na wag niyong hahayaan mag-isa si keira?" seryosong sabi ni theron
"A.. ano.. kasi po.." halata mo ang takot sa kanilang dalawa ako pa naman ang may kasalanan
"Theron wag mo silang pagalitan ako naman ang may kasalanan nakiusap ako sa kanila na hayaan muna ako mag-isa kasi hindi ako komprotableng may nakabuntot palagi sa akin"
"Tsk! pinababantayan kita ako ang nag-utos sa kanila kaya ako lang dapat ang sundin nila"
"Grabeh ang selfish mo naman!"
And after i said that nakita kong dumilim ang kanyang mukha