Episode 6

1653 Words
"Selfish? ako pa ngayon ang selfish? bakit? sino ba dito ang sarili lang iniisip niya? na gusto niyang mag-isa dahil ayaw niyang may nakabuntot sa kanya? bago mo sila pinakiusapan dapat kumausap ka muna sa akin na siyang nag-utos sa kanila!" theron "Ha! grabe i cant believe you! gusto mo ikaw na lang palaging nasusunod! hindi kami robot! tao rin kami.. sila!" "I dont care! they are here to serve! Ano bang alam mo? wala ka namang alam dito di ba? nakikitira ka lang dito dahil naligaw ka at walang mapuntahan nagtataka nga ako kung bakit ka pa nandito?" "Theron!" sigurd "Kaya siguro nandito ka pa dahil nagugustuhan mo na ano? dahil buhay prinsesa ka dito! aminin mo wag ka ng mahiya! at sa totoo lang wala akong tiwala sayo iniisip ko nga na kalaban ka at nagpapanggap ka lang mabuti pang umamin ka na kesa maunahan pa kitang mahuli dahil hindi kita pakikitaan ng awa kapag nalaman kong kalaban ka" I was taken a back.. nawalan yata ako ng lakas sa sinabi niya ganyan ba talaga ang pagkikilala niya sa akin?? ganyan ba talaga ang tingin niya sa akin? "Theron enough" sigurd "Oh ano na? sabihin mo na ang totoo.. handa naman kaming makinig!" "THERON ENOUGH!" umalingaw ngaw ang boses ni sigurd Nakita kung nagulat si theron pati rin ako nagulat first time kong makita na ganyan si sigurd napayuko na lang ako "Hindi mo alam! na gustong gusto ko ng umuwi" Napatingin ako sa kanya hindi ko na mapigilan ang umiyak ang sakit ng mga salitang binitawan niya tapos bakit ba siya ganyan? bakit ba siya galit na galit? palagi na lang ako ang may mali "Alam ko naman na isa lang akong photo bomber sa picture niyo dito kasi i dont belong here but you dont have to slap it in my face for me to know it because i already have! you dont know that i really want to go home now!" sabay dagay day ng luha ko "IF ONLY I KNOW HOW TO GET f*****g GO HOME KAHIT KAHAPON PA UNANG DATING KO LANG DITO EDI HINDI NA SANA AKO NAPADPAD DITO SA PAMAMAHAY NIYO! EDI SANA NAKAUWI NA AKO KUNG ALAM KO LANG ANG BWESIT NA DAAN! PAUWI!" Tumalikod na ako sa kanila ayaw kong ipakita pa lalo na umiiyak ayako sasabihan lang nila akong mahina tumakbo ako palabas ng pamamahay nila hanggang sa palabas ng gate Kahit na nagkabunggo bunggo na ako sa mga tao at hindi masyadong makita ang daan dahil sa mga luhang rumaragasa sa mata ko patuloy pa rin ako sa pagtakbo Napatigil lang ako ng marealize kong nasa labas na akong ng bayan at nasa harapan ko ang puro puno na daan nilingon ko ang palasyo sa huling pagkakataon at tumuloy sa mapunong daan Naalala ko na dito pala ako dumaan nung napadpad ako dito kahit na nakakatakot dito nilakasan ko na lang ang aking loob kailangan kong makalayo dahil nga gusto kong lumayo naabutan ako ng dilim Habang tumatagal ako dito feeling ko nawawala na ako.. salamat sa sinag ng buwan hindi naman ganun kadilim ang nilalakaran ko pero talagang naninindig na ang mga balhibo ko dahil may naririnig akong kaluskos sa gilid mama Sa kabila ng lahat ng paghihirap sa aking loob patuloy lang ako sa paglakad hindi ko na alam kung anong oras na pero sa tingin ko madaling araw na yata dahil na rin sa simoy ng hangin Ng mapagod ako sa kakalakad ay naisipan kong umakyat sa puno para magpahinga mahirap kong dito ako sa baba matulog baka may gumapang sa akin Tinaas ko na lang ang laylayan ng damit ko hanggang tuhod at tinali para hindi ako mahirapang umakyat ng makapwesto na ako sa sanga sumandal ako sa puno at umidlip *SIGURD POV* "Keira! keira!" Pero parang walang narinig si keira at patuloy pa rin sa pagtakbo tinignan ko naman si theron nakayuko lang ito at tsaka umalis napahilot ako sa walang oras sa aking sentido "Kamahalan" "Okay lang ako manong romulos" Paano ko ba pagbabatiin ang dalawa? hindi pwedeng ganyan sila palagi umalis na ako sa hapag kainan at umakyat sa aking kwarto hahayaan ko na lang muna sila bukas na lang *KINABUKASAN* Nakaupo na ako ngayon dito sa hapag kainan at naghihintay sa dalawa para dumating im sure na kakain naman sila di ba? di naman nagtagal dumating si theron Umupo lang siya sa kanyang upuan si keira na lang bigla naman dumating ang katulong na inutusan kong gisingin si keira "Kamahalan wala po si miss keira sa kwarto niya" "Ano?" gulat kong tanong Tumayo naman si theron at umalis at saan naman siya pupunta? ughhh!!! sumasakit talaga ang ulo ko sa kanilang dalawa "Hanapin niyo siya!" utos ko sa kanya "Opo kamahalan" nagbow lang siya at umalis na Ghad! paano kong mapahamak ang babaeng iyon? o d kaya makuha nila? nagtungo ako sa sala at doon umupo at nagpapakalma ng umupo naman sa tapat ko si theron "Wala siya sa library" Tsk! so hinanap niya? mabuti at may konting pakialam pa rin siya kay keira "Kamahalan wala po siya dito sa palasyo" "Sa bayan subukan niyong hanapin bilis!" "Tayo na theron maghahanap rin tayo" Tumango naman siya at tumayo kinuha namin ang aming kabayo at pinatakbo palabas *KEIRA POV* Nagising ako dahil may kung anong mainit na dumadampi sa mukha ko pagmulat ko tumagos na pala ang sikat ng araw sa sa mga dahon Bumaba na ako sa puno at nagsimula ulit maglakad ghaad! gaano ba ito kalayo? sa di inaasahang pagkakataon ay may nakita na akong mga kabahayan yeah! Una dapat makahanap ako ng trabaho tinignan ko naman ang aking sarili hindi naman ako ganun kadungis pwede pa ito kailangan ko ng pera para mabuhay ako dito Pinasok ko ang isang restaurant may sumalobong naman sa aking isang babae na kaedad ko lang yata "Magandang umaga" "Ah.. eh magandang umaga ano.. nandiyan ba ang amo niyo?" "Ha? bakit ho? ano pong kailangan nila?" "Kasi gusto ko sana magtrabaho dito" "Ahh ganun ba? sige tawagin mo muna" "Salamat" Hindi naman ako masyadong naghintay at lumabas agad naman ang boss nila sa kanyang opisina isang matandang babae pala ang may ari ng kainan na ito "Ikaw ba ang babaeng naghahanap ng trabaho dito?" "O.. opo" "Hmmm..." tinignan niya ako mula ulo hanggang paa "Ano bang kaya mong gawin? sa tingin ko eh galing ka sa isang mayaman na pamilya at parang naglayas ka yata" Ack! ang lakas naman ng vibes ni manang actually partly naglayas nga ako pero hindi ko naman yun pamamahay at like duhh pamilya ko ba sila?? kupkup lang ako doon "Ano po kaya ko po ang mga gawaing bahay" "Okay sige tanggap ka na pero dapat magbihis ka hindi nababagay ang damit dito" "Ho? wala na po akong ibang damit eh" "Helen pahiramin mo siya ng damit mo mukhang magkasing katawan lang naman kayo" "Opo senyorita.. halika" "Teka ano palang pangalan mo?" "Ako si... keira senyorita" panggagaya ko kay helen "Oh sya magbihis kana at magsisimula ka na ngayon" "Opo!" Sumunod naman ako kay helen at nagbihis sa binigay niyang damit well nagrequest ako ng konti na kung pwede eh yong hanggang tuhod lang mabuti at binigay niya ang kahilingan ko Dress pa rin siya na hanggang tuhod hindi na ako nagpalit ng sandal kasi flat naman ang suot ko pwede na tinali ko na lang ang aking buhok na ponytail Ng tingin ko ay handa na ako lumabas na ako sa kwarto na pinagbihisan ko at nagsimula ng magtrabaho binigyan nila ako ng apron bago ako nagsimula All around ako dito grabe kapag wala ng umoorder doon ako sa kusina at pinapatulong sa mga hugasin pagkatapos balik na naman sa labas para maging waitress pagsapit ng uwian tulong tulong rin kami sa paglilinis "Oh bukas ulit ha!" sabi ng isang kasamahan ko Mabuti at mababait naman silang tao kaya naging kaibigan ko agad sila "Oo.. teka ikaw keira saan ka ba uuwi?" Hala! oo nga saan ba ako uuwi? siguro doon na lang ulit ako sa puno matulog ngayon konti pa ang pera ko ngayon ko lang nalaman na tuwing uwian pala ibibigay ang sahod namin sa araw na yun "Wala ka bang mauwian keira?" helen "Ano.. kasi" "Pwede ka sa amin" helen "Ha? nakakahiya naman pinahiram mo na nga ako ng damit tapos" "Haha ano ka ba wala yun tsaka libre naman ang kain natin dito sa trabaho natin kaya matutulog ka lang doon haha" Ang saya na sana eh kaso may dugtong pa so kapag hindi ang libre ang kain namin dito hindi ako pwede sa kanila kasi dagdag palmunin lang ako? sama! "Sa..salamat" Umabot ng isang linggo ang sa aking tinatrabaho at doon natutulog kina helen isang linggo ang tinagal ko bago ako nahanap ng mga sundalo ni sigurd Isang umaga habang papaunta kami ni helen sa pagtratrabahuan namin nakita kong may sundalong nakasakay sa kanyang kabayo sa labas nito malapit na kami ni helena kaya rinig ko ang pinag-uusapan nila ni manang "Nakita niyo ba ang babaeng ito?" sabay may pinakita sa kanila na papel "Ahh oo dito siya nagtratrabaho ang pangalan niya ay keira di ba?" Para akong binuhusan na malamig na tubig wala sa isip ay bigla akong tumakbo palayo at rinig na rinig ko ang tawag sa akin ni helen pero wala akong pakims ayaw ko ng bumalik doon Ng may marinig akong yapak ng kabayo napalingon ako sa aking likuran shems! ang sundalo hinahabol ako tumakbo ako ng mabilis alam ko naman kung makikipag karera ako sa kabayo syempre ako ang talo Lumiko ako bigla ng may makita akong kariton na puno ng dayami doon ako tumalon at nagtago s**t! kahit ang kati na ng katawan ko dahil sa dayaming tumutusok tiniis ko kesa bumalik ako doon never! Ng makita kong lumagpas ang sundalo sa akin lumabas ako sa pinagtataguan pero napalingon ako ng biglang may tumikhim sa likod ko lagot!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD