Napalingon ako sa kung sino ang tumikhim sa likod ko napalunok agad ako ng laway please sana naman hindi nila ako nahuli waahh
"Iha anong ginagawa mo diyan? sinisira mo ang mga dayami ko"
"Ma.. manong? pasensya na po"
"Alis bilis!"
"Te.. teka lang po"
Dahil nabasa ko naman yung history of ornothopia nalaman kong binubuo ito ng pitong kaharian mas mabuti kung doon na lang ako pupunta malayo dito hindi nila ako basta basta mahahanap
"Manong pwede ho bang ihatid niyo ako sa kaharian ng Hexham "
"Pero ang layo nun"
Ipinakita ko sa kanya ang kwintas ko na nasa kamay kong nakalahad sa kanya
Kinuha niya ang kwintas at tumango agad naman siya sumakay sa kabayo niya at pinalakad na niya yun habang hila yung kariton na sinasakyan ko
Sorry talaga sigurd alam ko naman na hindi sa akin yung kwintas pero kailangan ko lang talaga huhuhu bumyahe kami ng dalawang araw bago makarating sa patutunguhan namin
Mabuti na lang at may nadaraanan kaming mga maliit na village para kainan at matulugan namin nakabili na rin ako ng capa na may hood para hindi ako agad makilala gamit ang perang sweldo ko sa kainan
"Iha nandito na tayo"
"Salamat po"
Bumaba na ako at nagpaalam kay manong na umalis na rin okay kaya mo toh keira fighting! makakauwi rin ako pero bago yun kailangan ko muna mabuhay dito
Hindi naman pwedeng puro uwi na lang ang laman ng isip ko mamatay ako sa gutom at ginaw kapag yun lang ang iisipin i need to find a job and rented room
Naglibot libot ako para maghanap ng murang upahan kaya lang hindi ko talaga masasabing malaki na bayun o hindi dahil hindi naman peso ang currency nila eh! waahhh
May nakita naman akong bulletin board hmm? lumapit ako dito at tinignan ang mga nakapaskil para siyang request / quest may reward kasi nakasulat sa ibaba
"10000 joles catch a dog with three.. HEADS??" may aso bang ganun?
"Oy! oy! oy!"
Napalingon naman ako sa nagkukumpulang tao na nag-iingay ano naman kaya yun? lumakad ako papalapit sa kanila pero dahil hindi ko talaga makita dito sa likod pinilit kong mapunta sa unahan
Pagdating ko sa unahan may nakita akong dalawang lalaking na mukhang mag-aaway yata
"Ang angas mo ah!" si kuya na sa tingin ko ay nasa early 30's
"Bakit ang bata yung kinakalaban mo? sa laki ng katawan mo yan nangangaway ka ng bata? what a shame" sabi nung binata i think kaedad ko lang siya
"Pakialamero!" sabay lagay ni kuya sa dalawang kamay niya sa lupa may lumabas naman na magic circle? "Ice floor"
Lumaki ang mata ko ng makita kong naging ice ang parte ng lupa at patungo ito sa binata tumalong lang ito ng paatras
"Marunong ka rin pala" sabi ni kuya sabay wala nung yelong lupa
"Ako naman!" sumugod ang binatang lalaki kay kuya habang pinagdikit niya ang kanyang dalawang palad at may magic circle namang lumabas "Ice sword"
May lumabas na isang yelong espada? hinawakan niya ito and when his near to him he swift his sword lumagpas siya sa likod ni kuya
Nagsi-alisan na ang mga tao sa paligid may lumapit kay kuya para tulungan siya mga kasamahan siguro niya i guess hindi niya talaga tinamaan ng ice sword si kuya nawalan siya ng malay
Umalis na rin ako doon at umupo sa may bato pinatong ko ang aking siko sa aking hita at pinatong ang baba ko sa aking kamay sabay bugtong hininga paano na toh? sa puno na naman ba ako matutulog??
So mga magician yung nandito? mga marunong sa magic? paano ako magkakapera nito kung wala akong alam na magic?? pwede naman ako magtrabaho sa mag restaurant pero aabutin pa ako ng ilang taon para makaupa ng bahay ghaaa
Hindi man magkatulad ang currency dito at sa mundo ko pero pareho naman siguro sila kung malaki ang numero malaki rin ang halaga tapos ang tanging pag-asa ko ay ang quest board pero paano?
Ginulo ko ang aking buhok ano baaa!!!! mababaliw na ako sa kakaisip dito naman eh!! dapat matutu ako ng magic saan kaya ako magpapaturo nito?
Magpapatuturo ka? eh hindi ka nga naniniwala di ba? tapos magpapatuturo ka? nagpapatawa ka ba keira?
Tumahimik ka konsensya wag kang epal! hindi pa rin ako naniniwala pero kita mo naman kahit imaginations ay kailangan para mabuhay ako
"Miss okay ka lang?"
Napatingala naman kung sino itong nakatayo sa harap ko teka siya yung batang nakipag-away
"Hindi sa tingin mo okay ba ako?"
"Hindi nga mukha ka ng mababaliw"
Pagtawanan ba naman ako? close ba kami? inirapan ko na lang siya
"So.. sorry so ano bang problema?"
"Like duhh close ba tayo para magshare ako sayo?"
"Ang taray mo naman gusto ko lang naman tumulong"
"Hayst! oh syah kasi po naghahanap ako ng pera para makaupa ako ng bahay.. para mabuhay ako dito.. pero wala akong isang magic na alam para kahit papaano ay makapera ako at magawa ko ang mga request diyan sa quest board"
"Pero marami rin namang trabaho na hindi nangangailangan ng magic para magkapera ka"
"Oo nga alam ko na yun ang kaso kapag yun ang kinuha ko wala akong matutulugan ngayong gabi.. plus wala akong pambili ng pagkain.. dahil for sure aabutin ako ng siyam siyam bago mangyari yun kapag yun ang pinili kong daan"
Naktitig lang siya sa akin and i stare him back aba! wala akong panahon ngayon na magpacute im in survival mode
"Ano ng gagawin mo?"
"Yun nga ang tanong ko anong gagawin ko? pwede akong magpaturo ng magic pero syempre matagal pa yun plus hindi naman ako naniniwala diyan"
"Hindi ka naniniwala? bakit naman?" sabay upo niya sa tabi ko
"Kasi they dont exist just bunch of stories"
"Ha? totoo kayang may magic at powers ipapakita ko sayo"
Binuka niya ang kanyang kanang palad and as usual may magic circle at may yelong rose na siyang hawak a.. am.. amazing!
"Oh see? there real!"
"Ahem! hindi pa rin ako maniniwala diyan"
Hinawakan niya ang kamay ko at nilagay niya ang rose sa aking kamay grabe hindi siya malamig para lang talaga siyang rose na ice?!?
"So hindi malamig ang ice mo?"
"Malamig depende lang sa akin kagaya lang nito"
Bigla namang may ice cubes sa kamay niya kinuha ko yun and yep its cool so nacocontrol niya rin yun? galing!
"Alam mo in denial ka masyado halata na sa mukhang mo ang pagka amaze eh tapos sasabihin mo paring hindi ka naniniwala"
"Eh kasi hindi naman talaga wala naman ganyan.. sa amin" mahina kong pagkakasabi sa huli
"Ha ano?"
"Wala!"
"Alam mo may e.ooffer ako sayo"
Napatingin naman ako sa kanya at tumaas ang kilay ko ano na naman kaya ang trip ng taong ito
"Pwede kang magtrabaho muna na hindi kailangan ng magic habang nag-aaral paano ito gagamitin"
"Yeah.. pero hello? wala akong tirahan at wala akong pangkain araw araw.. plus wala akong pang-aral.. mahirap pa ako sa pulubi ngayon"
"Hahah may paaralan naman dito pakiusapan mo na kapalit ng libring pagkain at matutulugan plus pag-aaral mo eh magtratrabaho ka sa kanila"
"So parang student labor lang.. not bad"
"So ano na?"
"Saan ba ang paaralan na yun?"
"Samahan na kita para hindi ka mawala"
"Sige salamat"
Baka kapag natutu na ako malalaman ko na rin paano ako makauwi dahil sa tingin ko magic rin ang sanhi kung kaya't nandito ako ngayon
Naglakad na kami patungo sa paaralan na sinasabi niya nagchikahan lang kami habang naglalakad kaya medyo nakikilala na rin namin ang isat isa
"Here we are keira"
Tinignan ko naman ang gate na nasa harapan namin ang ganda ng school nila dito napatingin naman ako sa kanya
"I think i cant do it"
"Eh? ngayon ka pa nagkaganyan"
"Kasi.. tignan mo naman yan oh! building palang walang wala na ako"
"Errr wala naman sigurong batas nagsasabi na bawal ang mahirap sa paaralan"
"Wa.. wala nga kaso.. paanong kapag ayaw nilang pumayag?"
"Grabe! ang taray taray mo kanina tapos ngayon ganyan ang reaksyon mo?" amaze niyang pagkasabi
"Alam mo!? hindi ka nakakatulong eh!"
"Aba ako pa ang walang naitulong sa kalagayan kong ito ako pa ang walang naitulong?" pagtaas ng kilay niya
I just smirk at him ng bigla niya akong hilain papasok sa paaralan
"What a handful lady"
Tumahimik na lang ako ayaw ko talagang umasa dito ayaw na ayaw kong nadidisappoint hindi kaya madaling umasa sa wala
"Oh? bat ang tahimik mo ngayon?"
"Wala ayaw ko lang umasa.. hindi madaling umasa tapos wala ka palang dapat inasahan sa umpisa pa lang"
"Hugot? wag kang humugot di bagay sayo"
Malakas lang akong napabuntong hininga napatigil siya bigla ng paglalakad at tumingin sa akin
"Really? masyado kang werdo kanina ang taray tapos ngayon nag eemote ka? ano ba talaga?"
I shrugged my shoulders
"Arggg" sabay hilamos sa mukha niya at hinila na naman ako ulit