***Mira POV*** GUMINHAWA ang pakiramdam ko paglabas ko ng cubicle. Ang dami kong inihi dahil sa iced tea na ininom ko. Lumapit ako sa sink at naghugas ng kamay. Kinuha ko ang liptint ko sa bag at nagpahid ng manipis sa labi. Sunod ay sinuklay ko ang mahaba kong buhok habang nakatingin ako sa salamin. Bumukas ang pinto ng restroom at bahagya akong natigilan nang makita sa salamin si Jasmine at ang dalawa nyang kaibigan ang pumasok. Natigilan din sila nang makita ako at sabay ding ngumisi. "Look who's here, Jasmine." Ani Connie. Lumapit din sa sink si Jasmine at tinabihan ako. Nilapag nya ang designer bag nya at kinuha ang pressed powder sabay dampi sa pisngi. Hindi ko naman sya pinansin at tinuloy lang ang pagsusuklay. Patingin tingin sya sa akin sa salamin habang nakangisi. "Kam

