***Mira POV*** "ANAK, pakihatid nga ito kanila papa mo." Utos sa akin ni mama at nilapag sa mesa ang umuusok pang sisig na nakalagay sa bandehado. Binitawan ko naman ang cellphone sa mesa at kinuha ang bandehado. Diniretso ko yun sa terrace kung nasaan si papa at ang kainuman nyang engineer at porman. Dahan dahan kong nilapag sa mesa ang bandehado at kinuha ang platong wala ng laman. "Salamat, 'nak." Ani papa. Ngumiti naman ako. "Ah sya nga pala engineer, ito pala ang bunso ko. Si Mira." Pagpapakilala sa akin ni papa sa engineer. Tumingin naman ako sa engineer at kiming ngumiti. Bata pa sya. Siguro ay nasa edad trenta. Matangkad, gwapo at moreno. Mukha din syang mabait at palatawa. "Hi Mira. Engineer Vince." Anang engineer at nilahad ang kamay sa akin. Tinanggap ko naman yu

