***Mira POV*** SUNOD sunod ang subo ko ng kanin. Ang ulam namin ay sinigang na bangus. Gustong gusto ko yun dahil maasim. Lately, nahihilig talaga ako sa maasim. Walang araw na hindi ako kumakain ng maasim. Nag angat ako ng tingin at nakita kong patingin tingin sa akin si papa at mama. Ang dalawang kuya ko naman ay focus lang sa pagkain na halatang mga gutom din dahil kauuwi lang galing sa trabaho. "Bakit po?" Natatawang tanong ko. "Parang ang lakas mo yatang kumain ngayon, 'nak." Wika ni papa. "Yan din ang napapansin ko. Parang lagi kang gutom. Nagpapataba ka ba, 'nak?" Dagdag pa ni mama. "Bakit? Tumataba na po ba ako, ma?" Tanong ko at sinipat ang sarili. "Hindi pa, anak. Pero kung tuloy tuloy ang kain mo ng ganyan, malamang tataba ka na." Ngumuso ako. "Ayoko pong tumaba.

