***Mira POV*** PAGBABA ko ng hagdan ay patakbo akong pumasok sa kusina at dumiretso sa banyo sabay duwal sa sink. As usual ay puro laway lang ang lumalabas dahil ang kinain ko kagabi ay tunaw na sa tiyan ko. Ito ang nagpapahirap sa akin minsan sa umaga. Gigising akong mabigat ang katawan at naduduwal. Pero may umaga naman na maayos ang pakiramdam ko at normal lang. Ang hirap lang sa pagduduwal ay nakakapanghina talaga at nakakapanlambot ng tuhod. Bumukas ang pinto at pumasok si mama. Lumapit sya sa akin at hinagod hagod ang likod ko. "Kaya mo yan, 'nak. Normal lang yan sa buntis. Lilipas din yang pagduduwal mo tuwing umaga." Sabi ni mama. Kahit papaano ay parang gumagaan ang pakiramdam ko dahil dinadamayan ako ni mama. Ang sarap sa pakiramdam na inaalagaan nya ako. Kami ni baby. Na

