***Third POV*** "WHAT?? Totoo ba yang sinasabi mo, babe?" Gulantang na tanong ni Stacey sa kanyang asawa. Pero agad nyang tinakpan ang bibig at tiningnan ang anak na mahimbing nang natutulog sa kama. Tumango naman si Bryce at bumuntong hininga. "Oh gosh! Seryoso? Buntis si Mira at si Uncle Ale ang ama?" Namimilog ang matang muling tanong ni Stacey. "Yes babe. Yun ang sabi ni Mira." Umawang ang labi ni Stacey. Di sya makapaniwala sa sinasabi ng kanyang asawa. "Ibig sabihin.. may relasyon silang dalawa?" "Ang sabi ni Mira ay wala. Lasing si Boss Alessandro nung may nangyari sa kanila." "Ibig sabihin magkakaroon ako ng panibagong pinsan?" "Ganun na nga babe." "Kaya pala iba ang glow ni Mira at nagkakalaman sya. Gosh! Nakakaloka naman. At di ko ine-expect na si Uncle Ale pa ang m

