***Mira POV*** "TOTOO ba yang sinasabi mo na si Ser Alessandro ang ama ng pinagbubuntis mo?" Tanong ni papa sa mariing boses. Bakas sa mukha nila mama at ni Kuya Bryce ang pagkabigla. Lumunok ako at suminghot. "O-Opo.." Bumagsak ang balikat ni papa at napaawang ang labi. Ang mukha nya ngayon ay parang pinagsakluban ng langit at lupa. "Paanong nangyaring si Ser Alessandro ang ama ng pinagbubuntis mo, anak? May relasyon ba kayong dalawa?" Tanong ni mama. Kinagat ko ang labi at umiling. "W-Wala po, ma.." Umawang naman ang labi ni mama. Napapitlag ako nang malutong na nagmura si papa. Tumayo sya at namaywang. Namumula na naman ang mukha nya sa galit. "Paano kang nabuntis ni Ser Alessandro kung wala naman kayong relasyon?" Mabalasik nang tanong ni papa. Nagdalawang isip akong

