Chapter 1

1665 Words
***Mira POV*** "I'M sorry Ralph. Pero hindi pa ako pwedeng magpaligaw, eh." Nakangiwing sabi ko sa schoolmate ko na second year college. Simula ng pumasok ako dito sa university ay panay na ang palipad hangin nya sa akin sa tuwing nakikita nya ako. May hitsura naman sya. Maputi at may pagka tsinito. Pero hindi ako interesado sa kanya. "Bakit naman? Strict ba ang parents mo?" "Sobra. Lalo na si papa." "Hindi naman siguro. Kapag nakilala ako ng papa ko baka magustuhan pa nya ako para sayo." Confident pang sabi ni Ralph. Maasim akong ngumiti sa kanya. Di ko akalaing may kahambugan din pala sya. "Baka maitak ka kamo ng papa ko. Lahat kasi ng nagtangkang manligaw sa akin lalo na ang mga makukulit ay hinahabol nya ng itak." Namutla bigla ang mukha ni Ralph at napalunok sya. "Pasensya ka na, Ralph ha. Di pa talaga ako pwede ligawan. Magagalit ang papa ko. Pag aaral muna ang priority ko ngayon. Sige." Paalam ko sa kanya at tumalikod na. Lumapit ako sa dalawa kong pinsan na naghihintay sa akin sa harapan ng stall ng milk tea. "O, bakit ka nilapitan ni Ralph? Anong kailangan?" Tanong ni Agatha at inabot sa akin ang milk tea ko. Second year college sya at kumukuha ng kursong hrm. "Nagsabi na gustong manligaw." Kaswal na sabi ko at tinusok ang straw sa milk tea. "Sabi na eh. Malakas talaga tama sayo nun." Ani Nene na kaklase ko. Parehas kami ng kursong kinukuha. Pangarap naming maging nurse someday. Mas matanda lang sya sa akin ng one year dahil huminto sya noon sa pag aaral dahil nagkasakit sya. "Anong sabi mo? Pumayag kang magpaligaw?" Tanong pa ni Agatha "Syempre hindi." Nakangusong sabi ko sabay sipsip sa straw ng milk tea. Naglakad na kami patungo sa terminal ng jeep. "What? Binasted mo na agad si Ralph? Di mo man lang sya binigyan ng chance na manligaw sayo." Tumaas ang isang kilay ko. "Bakit ko pa sya bibigyan ng chance kung di ko rin naman sya sasagutin. Paaasahin ko lang sya. Ayokong makasakit ng damdamin, no. Kaya mainam na yung maging straight forward ako." "Oo nga naman. Saka malalagot kay Tiyong Lauro si Ralph kapag nanligaw sya dito kay Mira. Alam mo naman si Tiyong Lauro. Nagiging gangster kapag may nanliligaw kay Mira." Komento ni Nene. "Ang oa naman kasi ni tiyong. Naku! Magiging matandang dalaga ka talaga sa sobrang higpit ni tiyong sa mga nanliligaw sayo, Mira." Ani Agatha. "Matandang dalaga agad? Eighteen pa lang ako, no." "Yun na nga, eighteen ka na. Dapat pinapayagan ka na ni tiyong na mag boyfriend. Pero mukhang malabo pa ring payagan ka nyang mag boyfriend." "Ganun na nga. Ang laging sinasabi ni papa, papayagan lang nya akong mag boyfriend pagka-graduate ko." Sabi ko sa pinsan. Palibhasa kasi si Agatha ay nakailang boyfriend nya simula pa noong high school. Mabilis kasi syang main love. Pagka break sa boyfriend, dalawang buwan lang ang lilipas ay may bago na naman sya. Hindi naman kasi kasing higpit ni papa ang mga parents nya. Ayos lang sa kanila na mag boyfriend sya. Ako naman ay wala pang interes magka-boyfriend. Kaya ayos lang sa akin kung mahigpit si papa sa mga nagtatangkang manligaw sa akin. Para sa akin ay pinoprotektahan lang nya ako dahil nag iisa nya akong anak na babae at bunso pa. Pagdating ng terminal at sumakay na kami ng jeep habang nagdadaldalan. Halos puro estudyante ang mga kasabayan namin sa jeep. May ilan na ka-schoolmate namin at ang ilan ay taga ibang school. Almost twenty minutes ang byahe pauwi sa bahay namin. Madilim na nang makarating kami sa lugar namin. Pasado alas sais na. Naghaharutan pa kaming tatlo sa daan. Sa lugar namin ay halos isang angkan kaming nakatira. Mga kapatid ni papa at pinsan. Kaya naman marami din kaming mag pipinsan. Pag aari kasi ng angkan namin ang ilang ektaryang lupa dito sa lugar namin at dito na rin kami naghahanap buhay. Pagtatanim at pag aalaga ng hayop ang pangunahing hanap buhay namin. Minana pa nila papa sa mga magulang nila ang malaking lupain. Limang magkakapatid sila papa. Dalawa silang lalaki at tatlo namang babae. Pangalawa si papa sa magkakapatid. Ang panganay nila na ama ni Kuya Bryce ay namatay na sa atake sa puso maliit pa lang ako. Kaya maman si papa na ngayon ang tumatayong panganay sa kanilang magkakapatid. Magkakasundo naman silang lahat at hindi gaya ng ibang magkakapatid na nag aaway sa lupa. Nagtutulungan silang lahat. Kaya naman kaming mga anak ay lahat nag aaral. Ang iba ay nakapag tapos na at may mga trabaho na ngayon gaya ni Kuya Felix at Kuya Dany. Walang naiiwan sa pamilya namin. Padating sa bahay ay naabutan namin si papa, mga tita at tito ko na nag uusap sa sala. Una kasing madadaan ang bahay namin. Pumasok kaming tatlong magpinsan at nagmano sila sa mga ina nila. Una naman akong lumapit kay mama at nagmano, sumunod kay papa. Tumalikod na ako at hinubad ang sapatos ko. Lumabas na si Agatha at Nene para umuwi sa bahay nila. Umakyat na ako sa taas para magbihis. Pagbaba ko ay hindi pa rin tapos mag usap sila papa. Pinag uusapan nila ang nalalapit na kasal ni Kuya Bryce sa mayaman nitong nobya. Ang swerte nga ni Kuya Bryce dahil makakapangasawa sya ng anak mayaman at tagapagmana pa. Well.. maswerte rin naman si Ate Stacey kay Kuya Bryce dahil mabait at masipag ito. Gwapo at macho pa. Mabait din naman si Ate Stacey at parang artistahin pa sa ganda. "Kaya dapat paghandaan talaga natin ang kasal ni Bryce at ni Stacey. Nakakahiya naman sa senyor kung puchu puchu lang ang handaan." Wika ni Tiyang Lisa. "Ang sabi ng senyor ay kahit simpleng handaan lang ay ayos lang. Mukhang hindi naman sila maselan." Saad naman ni Tiyang Aurora. "Aba'y hindi ako papayag na simpleng handaan lang ang gawin natin sa kasal ni Bryce at Stacey. Dapat garbuhan natin. Aba'y isang beses lang ang kasal kaya dapat talagang malaking handaan ang gawin." Ani papa na syang tumatayo na ring ama kay Kuya Bryce simula ng mamatay ang ama nito. "Ano sa tingin mo Matilda?" Baling ni papa kay Tiyang Matilda na ina ni Kuya Bryce. "Wala namang problema sa akin kung magarbong handaan ang gawin dahil isang beses nga lang naman ikakasal. Isa pa ay gusto ko ring ma-impress ang pamilya ni Stacey dahil hindi biro ang pamilya nya. Kaya ang gusto ko ay ang pinaka the best sa kasal nila. Pero huwag kayong mag alala, si Bryce na ang bahala sa mga gastusin dahil may ipon naman sya para sa kasal nila." Tugon ni Tiyang Matilda. "Hindi naman pwedeng wala kaming ambag, Matilda. Aba'y panganay sa magpipinsan si Bryce at nag iisang anak nyo lang sya ni Kuya Oli. Kaya ako na ang bahala sa baboy na lilitsunin at sa iba pang putaheng baboy. Kahit sampung litsong baboy pa." Wika ni papa. May babuyan kami. Kami ang nag su-supply ng baboy sa pangunahing palengke dito sa bayan namin. Nag su-supply din kami sa ibang bayan. Bukod doon ay may litsunan na rin kami na dalawang taon pa lang. "O sya, ako naman ang bahala sa baka. Nilaan ko na talaga ang limang baka para kasal ni Bryce." Ambag ni Tiyang Belya. Meron naman syang bakahan. "Sa akin naman ang manok. Kahit ilang manok pa. Tamang tama, magaganda ang mga manok ko ngayon." Si Tiyang Lisa na may poultry naman. "Naku, nakakahiya naman. Kung sasagutin nyo ang mga yan eh ano pa ang gagastusin ni Bryce?" Nahihiyang wika ni Tiyang Matilda. "Eh di yung iba pang mga kailangan sa handa. Basta huwag lang kakalimutan ang alak." Sagot ni papa sabay ngiwi ng batukan sya ni mama. "Kalimutan na ang lahat huwag lang alak, ganun?" "Syempre! Kasal yun. May alak talaga. Ang boring naman kung walang alak. Ikaw talaga Valen, o." "Oo nga naman, Ate Valen." Segunda naman ng mga tiyuhin ko na mga asawa nila tiyang. Wala ng nagawa si mama at napailing na lang. Pet peeve kasi ni mama ang pag iinom ni papa. Malakas kasing uminom ng alak si papa at nag aalala lang si mama dahil matanda na si papa at baka magkasakit sa kakainom ng alak. "Maraming salamat sa inyo, Lauro. Kahit paano ay nabawasan ang iisipin ko sa kasal ni Bryce. Sa daming pumapasok na plano sa isip ko ay natutuliro na lang ako. Baka sumapit na lang ang buwan ng kasal ay wala pa akong solidong plano." Saad ni Tiyang Matilda. "Wala yun, Matilda. Isang pamilya tayo dito kaya sino pa ba ang magtutulungan. Syempre, excited din kami sa kasal ni Bryce. Kung nabubuhay lang si Kuya Oli, aba'y baka mag pa-fiesta pa yun sa araw ng kasal ni Bryce." Turan ni papa. Pinag usapan na nila kung anong mga putahe ang lulutuin bukod sa litson. Mukhang malaking handaan talaga ang magaganap sa araw ng kasal ni Kuya Bryce at sa malawak na lupain namin gaganapin. Sa tuwing may kinakasal sa pamilya namin gaya ng iba kong pinsan na mga kinasal na ay malaking handaan talaga ang ginagawa at bumabaha ng pagkain. Pero mukhang mas bongga ngayon sa kasal ni Kuya Bryce dahil mayaman talaga ang pamilya ni Ate Stacey. Ang uncle nga nya ay isang bilyonaryo at kilalang businessman. Iniwan ko na ang pakikinig sa usapan at tumungo ako sa kusina para tingnan kung ano ang ulam. "Wow, may sisig!" Tuwang bulalas ko nang makita ang luto ng sisig sa kawali. Natakam akong bigla. Kung dati ang paborito kong ulam ay fried chiecken sa kanto, ngayon ay sisig na na luto ni papa na sobrang sarap. Kumuha ako ng kutsara at akmang sasandok ng sisig nang marinig ko ang boses ni mama. "Maghain ka na Mira at kakain na tayo ng papa mo." Lumingon ako kay mama. "Tapos na po silang mag usap?" "Oo, kaya maghain ka na. Nariyan na rin ang mga kuya mo." "Opo." Binaba ko na ang kutsara at kumuha ng bandehado para sa kanin *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD