***Mira POV*** "AYAN, mas lalo ka pang naging pretty. Light make up lang ang nilagay ko para fresh ang dating. Saka mas bagay sayo." Ani Ate Emjay. Ang binabaeng parlorista na kinontrata ni mama para ayusan ako ngayong araw ng kasal ko. Tiningnan ko ang sarili sa vanity mirror. Napangiti ako sa resulta. Light make up nga lang ang nilagay ni Ate Emjay at nagustuhan ko ito. Mas hinighligt lang nya ang kilay ko at pilikmata pati na rin ang plump lips ko. Ang mahabang buhok ko naman na itim na itim ay nakalugay lang pero pinlantsa yun ni Ate Emjay at may nilagay sya para maging shiny at walang magtikwasan na hibla ng buhok. Matapos akong ayusan ay pinagbihis na ako ni Ate Emjay. Sinuot ko ang white dress na binigay sa akin ni Alessandro at humarap sa life sized mirror. Bumagay sa akin ang

