***Mira POV*** SIMPLE lang ang magiging selebrasyon ng kasal namin ni Alessandro. Hindi ito magiging kasing bongga ng kasal ni Kuya Bryce at Ate Stacey. Dahil na rin mabilisan ang kasal at walang sapat na preperasyon para sa bonggang kasal. Ang sabi ni papa ay saka na yun kapag sa simbahan na kami ikakasal. Mas mapagpaplanuhan yun ng maayos at mas mapaghahandaan. Wala namang kaso sa akin kahit simple lang ang selebrasyon. Mas gusto ko pa ngayon. Yung simple lang kasama ang pamilya ko at mga kaanak pati na rin ang ilang malalapit na kaibigan. Huling gabi ng pagiging dalaga ko ay nagsama sama kami ng mga pinsan kong babae sa kwarto ko. Ang iingay pa nila dahil tinutukso nila ako. "Talagang inunahan mo pa kaming mag asawa ni Mariel, ha." Turan ni Ate Badet. "Oo nga. Expect nga namin na

