NAWALA ang antok at ang pagkalasing ni Jameson nang isang babae ang nabangga niya. Kitang-kita niya kung paano tumilapon ang katawan niyon. Nagpagulong-gulong pa ito. Doon lang niya naipreno ang sasakyan. Nakatulala siya habang nakatingin sa katawan ng babae na nakahandusay sa gilid ng kalsada. Nakatutok doon ang ilaw ng headlight kaya nakikita niya ito. Kahit anong parte ng katawan niya ay hindi niya magawang maigalaw sa labis na shock. “Oh my, God! May nabangga ka, Jameson!” Narinig niyang tili ni Georgina. Nagising na rin ang mga kaibigan niya na nasa likuran. Nagsisisgawan na ang mga ito pero hindi niya maintindihan ang sinasabi ng mga ito. Shock na shock talaga siya sa bilis ng pangyayari. Nakanganga pa rin siya at nakatingin sa babaeng nabangga niya. “Jameson!” Kung hindi pa siya

