SEXY 10 (Last Chapter)

3132 Words

“PARANG awa mo na, Teri! Magpahuli ka na! Wala akong makukuhang reward kapag hindi ka nila nahuli. Kailangan ko lang ng pera! G-gusto ko rin ng ganiyang boobs at kutis katulad sa’yo! Please, Teri!” Pagmamakaawa ni Veronica sa kanya habang hawak nito nang mahigpit ang isa niyang kamay. Naningkit ang mga mata ni Teri. “'Wag mo akong ma-Teri-Teri!” sigaw niya sabay hugot ng table knife na nakatago sa gilid ng pantalon niya. Sinaksak niya ang kamay ni Veronica na nakakapit sa kanya. Malakas na napasigaw si Veronica sabay bitaw sa kanya. Sinamantala na niya ang pagkakataon na iyon. Tinakbo niya ang isa pang pinto sa likurang bahagi ng fast food chain. Isinuksok niya ang table knife sa bulsa sa likod ng kanyang pantalon. Hindi na siya pwedeng dumaan sa harapan dahil doon papasok ang mga pulis.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD