Felia
Nang mag-alas diez na ay nagsimula na ring dumami ang mga tao. Dumating na rin ang mga ibat-iba pang mga grupo. Iyong grupong 'The Gangster' ay kaniya-kaniyang ensayo, halatang pinaghahandaan ang laban na magaganap maya-maya lang.
Abala pa ang lahat ngunit natigil iyon nang mag-announce na magsisimula na ang karera namin ni Ben.
Tago ang lugar na ito at malayo sa kabihasnan. This race is illegal after all, and I am the mastermind of all of this.
"Ano'ng sasakyan ang gagamitin mo?" Gabby asked.
Nilingon ko si Levy bago ko napagdesisyonang sagutin si Gaby.
Nakatitig siya sa akin ngayon habang nakaupo sa kaniyang silya. Umalis kasi ako para kunin ang water bottle sa kotse ni Africa. Habang pabalik ay nadaanan ko si Gabby.
"Meron na," I simply said.
I was about to walk pass him nang iharang niya ang kaniyang katawan sa daraanan ko. I sighed and rolled my eyes.
What a jerk.
"Akala ko ba ginagawa pa lang ang sasakyan mo?"Nagtaas siya ng isang kilay. " You can use my car, you know? You don't have to borrow someone's car," he offered.
"Thanks for your concern, but I can surely manage. As I have said a while ago, I already have a car." Diretso ko iyong sinabi sa kaniya para tigilan niya na ako pero mukhang hindi ko kayang tinagin ang pagpupursigi niyang kumbinsihin ako na gamitin ang kaniyang sasakyan.
"And whose car are you gonna drive? Baka naman iyon pa ang dahilan ng pagkaaksidente mo?"
Pinagkrus ko ang aking braso sa aking dibdib at nakataas ang kilay na tinignan siya. Ramdam ko ang mga titig ng mga tao sa amin, but no one interfered. Kahit hindi sila lumapit, alam kong nakikinig naman sila sa pinagtatalunan namin ni Gabby.
Isa pa, Gabby is getting into my nerves. If he won't stop right now, I might punch him in the face so he'd stop bugging me.
"Could you stop asking me questions? It's starting to piss me off—no. You're starting to piss me off by asking me endless questions. For the nth time, I'd say I already have a car and that means I don't need your fvcking car. I hope you get that 'cuz the next time you open your mouth and ask again, I think I gotta punch you in the face so you'd stop. You get that? And so you know... Gabby, I am Felia Margot Dornan and when I want something, I get it. No sweat."
I smirked at him bago ko siya nilagpasan.
Nang nakarating ako kay Levy ay tumayo ako sa harapan niya, inabot ko sa kaniya ang hawak kong water bottle na muntik ko nang ihampas kanina kay Gabby.
"What a scene," he said. Kinuha niya iyong inumin. He opened it and my jaw dropped when he handed it back to me.
"T-That's yours, I have mine..." Sabi ko na ipinakita ang bawas ng bottle water sa isa ko pang kamay.
"Okay," he said. His shoulders shrugged and his lips tugged downwards.
Isinarado niya iyong binuksan niyang tubig at inagaw sa akin iyong tubig ko. Sa gulat ko sa mabilis niyang ginawa ay hindi ako nakakilos. Mas lalo pa akong nagulantang sa sunod niyang ginawa.
He immediately opened my water bottle and drunk on it.
"Hey!" Saway ko sa kaniya pero nagpatuloy siya sa pag-inom hanggang sa maubos niya ang laman niyon.
"That's my water. Bakit mo ininom? I gave you your water tapos hindi mo ininom just so you could drink mine?" iritado ko siyang hinampas sa braso.
Akin 'yon, e. May laway ko na iyon! Ang layo ng nilakad ko para lang kuhanan siya ng tubig tapos yong akin lang rin naman pala ang iinumin niya?
What a freak!
"Nagtitipid ako ng tubig, Felia. Puwede mo pa rin namang inumin iyong binigay mo sa akin kanina, e. Don't over react, it's just water," prente niyang sinabi na para bang wala lang sa kaniya ang lahat.
Sumimangot lang ako sa kaniya. I just can't talk when I am so pissed. Baka masipa ko pa siya sa sobrang pagkairita.
"Felia, nandiyan na!" wika ni Africa ng makalapit sa akin.
Sa inis ko ay walang salita akong tumalikod doon.
Dahil na rin siguro sa hindi maipintang mukha ko ay nagkukusang gilid na ang mga tao sa daraanan ko. Hanggang sa makarating ako sa bagong sasakyan ko ay wala akong imik. Kahit na kinakausap pa ako ni Africa.
"Good luck, Bentong!"
"Good luck, Benten!"
"Good luck, Bentong! Sana mabuhay ka pa after this race!"
Sari-saring sigaw ng nga naroon. Nagtawanan ang mga naroon sa sinabi noong isang nanonood.
Benten's car was parked beside my new car. Napanguso ako habang pinagmamasdan ang kaniyang sasakyan.
Salubong ang kilay ko at naiinis pa rin hanggang ngayon. Sumandal muna ako sa aking sasakyan habang pinapanuod ang mga kagrupo ko sa pangaasar nila kay Ben.
"May time ka pa para umatras," nakangising wika ni Rigor na binalingan pa ako pero nang makita akong nakatingin sa kaniya ay agad siyang nag-iwas ng tingin. Patay malisya kunwari at hindi ako tinapunan ng tingin.
"Ikaw, may time ka pang tumigil diyan sa pagdadaldal," ani Africa na inambahan si Rigor ng kaniyang kamao.
"Sasakyan pa lang talo kana Bentong!" muling wika ni Rigor.
Hay nako... nag-asaran pa talaga ang parehong loser na ito.
"Handa ka na bang matalo?" tanong ni Ben sa akin. Hindi pinansin ang pang-aasar nila sa kaniya. Ngumisi ako sa mapanghamon niyang tanong.
"You should ask that you yourself, Ben. Masiyado kang proud, nakakamatay 'yan," sabi ko na dahilan ng paghiyaw ng mga tao roon.
"Grabe, Benten! Hindi ka naman lababo pero barado ka!" Tumawa ang mga naroon sa sinabi ng lalaking payat ba iyon.
Inirapan niya lang ang panunuyang iyon sa kaniya. Sanay naman na ang isang ito. Saying harsh words won't hurt him at all.
"Tignan natin kung makayabang ka pa kapag natalo na kita," wika niya.
"Huwag tayong magsalita ng patapos, Ben. May the best racer win," I said.
"Good luck, boss!" Hiyaw ng mga kagrupo niyang naroon.
"Galingan mo, boss!"
They don't even need to remind him that. He will surely do his best here just to prove to everyone that he can beat me.
Pumasok na siya sa kaniyang sasakyan. I was about to get in my car too when I heard Rigor's voice.
"Tonight I will be happy lalala tonight I wi—"
"Titigil ka ba o susuntukin ko 'yang nguso mo?" tanong ni Africa sa kumakantang si Rigor.
"Ikaw, kanina ka pa, ah? Ako na lang lagi ang napapansin mo—Araaayyyyy!" daing ni Rigor nang basta na lang suntukin ni Africa ang nguso niya.
"Hindi lang yan ang aabutin mo sa akin, subukan mo pang magsalita, punyeta ka!" banta ni Africa kay Rigor na ngayon ay nakatakip ang isang kamay sa kaniyang nguso.
Bago ako tuluyang sumakay sa sasakyan ko ay nilingon ko muna si Levy. Naka upo ito sa silya at seryoso itong nakatitig sa akin.
Ano na naman bang gusto nito at kung makatingin, akala mo ang manunuklaw?
Mamaya ka sa akin.
Umiling na lang ako at hinayaan siyang tumitig. I got in my Mitsubishi Evo Vii Race Car.
Binuksan ko ang makina ng aking sasakyan at isinuot ang helmet. I gripped the stirring wheel tightly. Naningkit ang aking mata habang kinokondisyon ang aking sasakyan.
Everyone's getting wild. May mga nagpupustahan na at kung ano pa. I don't care. What I want right now is to tell everyone here that nobody could even dare me.
Pumwesto na ang isang babae roon sa gitna hawak sa magkabilang kamay ang dalawang red flag. She waved it to the air and grinned before waving the flag down as a go signal.
Kaagad kong pinaharurot ang aking sasakyan. I smirked when I got in the first line. Napatingin ako sa rear view mirror ng aking race car at halos humagalpak ako sa tawa nang makita ang nahuhuling sasakyan ni Benten.
For a while, I remained as the first. I got bored so sinadya ko talagang bagalan para makahabol naman ang mga ka-race ko.
Kagaya nga ng gusto kong mangyari ay makahabol nga si Ben. Alam kong nasatisfy na naman ang kayabangan niya sa ginawa kong iyon.
Mabilis ang kilos niya at sinubukan niyang sagiin ang gilid ng aking sasakyan. He thought he's lucky but apparently, he's not. Mas mabilis ang kilos kong pinabilis ang takbo para hindi siya magtagumpay. I smirked nang muntik na siyang lumagpas sa linya.
That's what you get, moron!
Ilang sandali pa ay pinabagal kong muli ang takbo ng aking sasakyan. Nang nakahabol ang kaniyang sasakyan, I rolled down my side mirror and showed him my middle finger before speeding up again.
Kung akala niya ay gan'on ako kadaling talunin ay nag kakamali siya. Hindi naman ako makikipag-deal kapag alam kong matatalo ako.
I got tired of playing with him so without further ado, I speed up until I reached the finish line.
A man from I don't know where announced my name as the winner. Kahit nasa loob pa ng sasakyan ay rinig ko na ang hiyawan ng mga tao.
I stayed inside my car for a while before I decided to go out.
"Kawawang Bentong!"
"As expected, Bentong!"
"Mukhang hindi matanggap ang pagkatalo niya dahil masama ang tingin!"
Pangungutya ng mga naroon.
Pagkadating ni Ben ay agad siyang nilapitan ng mga kasama niya. Masama na ang tingin niya sa akin, but I don't give a damn.
Nang makalapit sa akin si Gabby ay agad niya akong hinalikan. Nagulat ako sa ginawa niyang iyon but after a while of shock, I responded to his kiss. I was the one to cut the kiss out dahil sa matalim na mga matang nakatingin sa akin.
His blazing gaze sent shivers down my spine. It's like he's ready to punch anytime right now. Kaagad kong tinulak si Gabby na ikinagulat niya.
I've never been this nervous before. Para bang binabaliktad ang sikmura ko sa sobrang kaba na nararamdaman ko ngayon.
"Felia Margot Dornan." Banggit niya sa buong pangalan ko.
Just by that, I know I should be scared. Minsan niya lang banggitin ang buong pangalan ko and when he does, it only means one thing.
He's mad. Fumming mad and I know I can't do anything right now but obey anything he says.
Itutuloy—